Chapter 20: JoDaRoA

26 1 0
                                    

Chapter 20: JoDaRoA


.
.
.
.
.



Someone's POV

"Ano na ang balita?"

"Sir, wala naman pong pagbabago. Pero tila nahahalata po ako ni Ms. Chavez."

"Hayaan mo lang siyang maghinala sayo, hindi naman niya malalaman kung sino ang amo mo."

"Sige po."

"Ipagpatuloy mo lang hanggang sa magbago ang isip niya sa lalaki niya."

"Masusunod po."

"Sige makakaalis ka na."
Nakatingin lang ako sa papalayong lalaki na siyang isa sa tauhan ng body guard ko. Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako ganito sa babaeng iyon.

.
.
.
.
.
.

Josh's POV

Maghapon akong pabalik balik sa auditorium para icheck kung nandodoon ba si Red, pero palagi akong bigo. Kahapon pa siya walang paramdam kaya nag aalala na ako, kahit isang text wala akong natanggap, nasubukan ko na din siyang tawagan pero laging nakapatay ang phone niya.

"Josh, saan ka ba galing? Kanina pa kami ni Hero dito sa labas ng gate!"

"Papunta na ako, wait lang." Sagot ko sa kabilang linya, may pupuntahan kasi ang banda namin. At gusto ko sana magpaalam kay Red, kaso di ko talaga siya makita. Kaya naisipan ko na lang siyang itext, hindi ako nakuntento nagsend pa ako ng voice mail.

.
.
.
.
.

"Kanina ka pa tulala, okay ka lang ba?" Tumango tango lang ako sa tanong ni Dan na kanina pa hindi mapakali, iilan lang ang tao sa loob ng bar kaya hindi masyadong maingay, may gig kasi kami ngayon and banda namin ang isa sa guest, extra income din para sa nalalapit kong graduation. Hindi pa kasi fully paid ang bayad ko for graduation.

"JoDaRoA magset up na kayo, in 5 minutes magsisimula na ang gig niyo." Napatayo ako ng marinig ang sinabi ng stage assistant, kinuha ko na ang gitara sa case nito. Pinunasan ko muna bago ikabit ang jack sa amplifier. Lumakad na ako sa stage at itinuno ang bawat string ng gitara. Nag set up na rin ang apat, nga pala ang pangalan ng band namin ay mula sa bawat pangalan namin, kuya ni Hero ang Keyboardist namin si Kuya Ar, si Hero ang drummer habang si Dan ang bassist, ako naman guitarist at vocalist. Wala pa kasi kaming mahanap na pwedeng maging vocalist, mabuti na lang at nakaback up si Dan in case na kailangan ko.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang pinapatugtog ang gitara.

"Josh, simula na."

"Josh, hoy!"

"Josh!"

"Josh!" Napapitlag ako ng marinig ang sigaw ni Dan, napatingin ako sa baba ng stage, lahat sila nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako para mabawi ang ilang minuto siguro nilang paghihintay sa pagkamalag ko.

"Sound check." Sambit ko sa microphone na nasa harap ko.

"Good afternoon po, uhm kami ang JoDaRoA. I'm Josh the vocalist and guitarist, Dan the bassist, Hero our drummer and Kuya Ar the keyboardist. And sana magustuhan niyo ang mga kanta namin. Pero bago ang lahat, gusto ko lang na kantahin ang isa sa favorite kong song this generation." Sinimulan ko ng i stram ang string ng gitara, sinabayan pa ng chimes at cymbals ng drums.

Di na kayang dalhin ng puso ko
Sana'y marinig sigaw nito
Nagsisikip aking dibdib
Di na makatulog

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now