Chapter 24: 10:30 pm

33 1 2
                                    

Chapter 24: 10:30 pm

.
.
.
.
.
.
.

Richard's POV

Agad kaming nagtungo ng asawa ko sa hospital ng malaman ang nangyari sa anak naming si Red.

"Sorry po sir, hindi po namin napigilan ang anak ninyo." Nakayukong sambit ng isa sa mga bodyguard ng anak ko. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa dahil hindi ko na maiibalik ang mga nangyari. Napansin kong nagsisidatingan na ang media na lalong nagpapasakit ng ulo ko. Maya maya pa ay lumabas na ang doctor, isa siya sa mga doctor na naging kaibigan ko noong kapanahunan. Agad namang pumasok ang asawa ko sa loob ng magsinyas ang isa sa mga nurse na pwede ng pumasok, nagbantay naman sa magkabilang posisyon ang dalawang bodyguard. Habang ang lima ay kasama ko dito sa labas. At ang natitira ay nasa labas ng hospital.

"Doc, kamusta po ang anak ko?" Nangangatal kong tanong sa doctor, hindi ko din mapigilang maging emosyonal.

"Mr. President, your daughter is pretty fine.  Pero kailangan pang obserbahan ang kalagayan niya."

"Please gawin niyo ang lahat para maging maayos na ang kalagayan niya." Mahina kong sambit na tila bibigay ang katawan ko sa mga oras na iyon.

"Muntik na siyang maubusan ng dugo kanina mabuti na lang at may kaibigan ang anak mo na handang nagdonte ng dugo niya, pero kailangan ko lang ng pirma ninyo para sa nangyaring blood donation kanina." Nagulat ako sa sinabi niya. Blood donation? At sino naman ang nagdonate ng dugo?

"Sino ang nagdonate ng dugo?" Tanong ko ng mapirmahan ang iniabot niyang papel.

"Ito po ang pangalan niya." Sabay turo sa papel na hawak ko. Laking gulat ko ng mabasa ang pangalang iyon.

"Sige po aalis na kami." Tumango tango na lang ako ng magpaalam ang doctor, napaupo na lang ako sa isang bench ng malaman kung sino ang taong iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa aking anak. Siguro nga tama siya, masyado na kaming subsob sa trabaho at hindi na namin sila nabibigyan ng oras. Ayaw ko siyang nakikita na nagkakaganito, dahil mas lalo akong nasasaktan. Ngayon ko lang nakita ang anak ko na nakaratay sa hospital, dahil noong bata pa siya masigla siya at hindi nagkakasakit. Ubo at sipon lang madalas ang nararanasan niya kaya kahit kailan hindi siya nadala sa hospital.


"Mr. President kailangan niyo na pong bumalik sa palasyo." Napalingon ako sa lumapit sa akin, si DILG secretary Andrew lang pala. Pumasok muna ako sa room ni Red, bumungad naman sa akin ang asawa kong umiiyak habang nakahawak sa kamay ng aming anak. Natigilan ako ng makita ang kalagayan ng anak ko, gusto kong suntukin ang pader pero walang saysay iyon sa mga sakit na ibinigay ko sa kanya.

"Ma kailangan ko munang umalis." Lumingon sa akin ang asawa ko.

"Aalis ka? Iiwan mo ang anak mo na nasa ganitong kalagayan?!"

"Ma hindi naman sa ganoon, babalik ako kailangan ko lang tapusin ang appointment ko with senators and secretaries."

"Basta bumalik ka agad, tatawag na lang ako kay Manang Fe  para magdala ng kaunting gamit ni Red." Umalis na rin ako ng marinig ang sinabi ng asawa ko.

.
.
.
.
.

"Isang nakakabinging balita ang kakapasok lang mula sa hospital ng Kalex, nanatiling naka admit ngayon ang anak ng Presidente na si Red Chavez matapos maaksidente sa Barangay Dao kaninang alas quatro ng hapon. Ayon sa nakuhang CCTV footage mula sa barangay hall, isang truck ng gulay mula sa Antex Avenue ang kasalubong ng biktima, pilit niya itong iniwas upang hindi sila magkabungguan ngunit hindi napansin ni Red ang isa pang sasakyan na tumatakbo ng 280km/h. Ayon sa mga nakakita, hindi si Red ang may mali sa batas trapiko dahil nasa tama ang takbo niya sa mga sandaling iyon. Iniwas niya lamang para sa kapakanan niya at ng truck. Comatose ngayon ang lagay ng driver ng pick up gayundin ang anak ng Presidente. Sa kabila noon ay ipinagpatuloy pa rin ng Presidente ang meeting niya with secretaries and senator."


I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now