Chapter 26: I Miss You

27 2 7
                                    

Chapter 26: I Miss You

.
.
.
.

Khem's POV

Ilang araw ng nakaconfine si Red sa hospital, at ilang araw ko na ding hindi nakakausap si Monique. She is always busy, for graduation day and graduation night. Hindi ko na rin siya madalas makita sa school dahil pareho kaming busy sa practice. Bukas na ilalabas ang results ng final grade namin, umaasa ako na sana this time makapasa na ako.

Papunta kami ngayon sa hospital para bisitahin si Red, inimbita kasi kami ng Mama niya. Baka daw sakaling maramdaman ni Red na binibisita siya, kaya ito nakisama na rin ako. Kahit sakit ako sa ulo ng babaeng iyon kahit kailan hindi ko siya pinag isipan na mapahamak hindi ko nga lubos maisip na darating siya sa ganitong klase ng sitwasyon, oo napakakulit ko at napakacold kapag kausap siya pero ang totoo niyan ayaw ko lang magpakita ng magagandang emosyon.

"Khem nga pala bukas may party kina Chelsy, want to join?" Tanong ni Gab sa akin.

"I'll check my schedule." Tipid kong sagot, hindi ko pa kasi sure kung may lakad ba kami ng kapatid ko bukas. Tsaka di pa ako sanay na kasama sila, this past weeks ko lang sila naging close. Sina Jerson at Gab ang una kong nakilala ng dahil sa basketball.

"Okay bro, aasahan ka namin." Nang makarating sa hospital ay agad na rin kaming pumasok sa private room ni Red, may dalawang guard na nakabantay sa labas ng Kalex Hospital gayundin sa mismong room niya, malawak ang room ni Red kaya kahit ilang tao pwedeng dumalaw. Bali may second door pa papunta sa main bed ni Red, may sariling living room na akala mo ay nasa bahay. Anak nga siya ng Presidente.

"Pasok kayo." Salubong na sambit ni Manang Fe. Kahapon ko lang nalaman ang pangalan niya dahil pinag uusapan nila ang ilang taon na pag aalaga niya kay Red.

"Kanina ko pa kayo hinihintay, akala ko di na kayo pupunta." Nakasimangot na sambit ni Liya.

"Liya may dinaanan lang kami. Tsaka ito kasing si Gab harot na harot." Mataray na sagot ni Chelsy.

"Anong maharot?! Si Jerson kaya!" Sabay turo kay Jerson na kumakain ng sandwich na nasa table. Lagi silang ganyan, parang mga bata kung mag away. Pero lahat sila nagtutulungan kapag kailangan ang isa't isa, nagpapasalamat nga ako dahil nakilala ko sila. Akala ko ang pagtransfer ko dito sa Broston ay isang na naman sa mga listahan ko sa dinadami ko ng beses na pagtransfer. Pero hindi pala, dahil nai enjoy ko naman tsaka laking gulat ko yesterday ng sabihin ng isa sa mga terror professor namin na gagraduate ako, and I did not expect that news. Kaso kinakabahan ako sa final grade kahit sinabi niya iyon, parang ngayon lang ako nangungunsensya sa mga grade ko, ayaw kong may 3 sa marka ko o kahit 2.5 kasi ang target ng mga kateam ko ay flat na 2 kaya kinakabahan ako.

"Khem kanina ka pa tulala diyan. Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong ni Jerson na nakahawak sa kamay ni Abby. Titingnan daw kasi nila si Red sa bedroom niya.

"Hindi na, dito na muna ako." Sagot ko, di niya naman ako ganoon kaclose, tsaka classmate niya lang ako sa isang subject.

"Okay." Tipid na sagot ni Jerson. Pumasok na sila habang ako at si Manang Fe ang naiwan dito sa living room. Iniimis niya ang mga pinagkainan namin.

"Tulungan ko na po kayo."

"Hindi na hijo."

"Okay lang po." Ako ang nagbitbit ng tray na may lamang baso, medyo mabigat iyon dahil puro babasagin ang gamit. Tinulungan ko na din siya maghugas ng mga iyon.

"Khem tama ba?"

"Opo."

"Bakit di mo kasama ang girlfriend mo?" Napalingon ako kay Manang Fe sa tanong niya, paano na niya naman nasabi yun?

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now