Chapter 7: Happy Birthday

45 2 0
                                    


Chapter 7: Happy Birthday

.
.
.
.
.
.
.

Red's POV

Tok tok tok tok

Nagising ako ng marinig ang sunod sunod na malalakas na katok na nagmumula sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Tumingin ako sa wall clock na nasa tabi ng cabinet ko, 7:58 na ng umaga. Pero tinatamad akong bumangon para pagbuksan ang nasa harap ng pinto ng kuwarto ko.

"Red may pasok ka ba?" Napabalikwas ako at agad agad na tumayo para buksan ang pinto ng marinig ang boses na iyon. Pagkabukas ng pinto ay agad kong niyakap ang taong iyon.

"Tanghali ka na anak, teka okay ka lang ba?" Tumango tango ako habang yakap yakap siya.

"Handa na ang pagkain, maghilamos ka na at bumaba, okay?"

"Kailan pa po kayo umuwi?" Tanong ko sa kanya, pero niyakap niya lang ako at ginulo gulo ang buhok ko.

"Lalamig na ang pagkain, bilisan mo." Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya agad ko ding ginawa ang sinabi niya, bumaba na rin ako para kumain. I can't really imagine na makakasabay ko sa hapag kainan sina mama at papa.

"Red mag usap tayo mamaya." Napatingin ako kay papa ng sabihin niya iyon. Kahit alam kong sesermunan niya ako ay nginitian ko lang siya bilang sagot. Maya maya pa ay sinimulan na namin ang pagkain.

Kita kong ligaya din ang sinasabi ng mga ngiti ng dalawa kong kapatid na katabi ni mama.

"Ma bukas nga pala baka matuloy ako sa Singapore, about doon sa proposal niyo sa bagong labas ninyong shoe product Mr. Marasigan approved it. Pwede niyo ng ilabas ang bago ninyong product."

"Sinabi na sa akin ni Karina kagabi."

"Mabuti naman." Napatingin lang ako sa kanila habang nag uusap.

Nasa hapag kami ng pagkain pero business at trabaho na naman ang pinag uusapan nila. Kailan ko ba sila makakasabay sa pagkain na walang sisingit na trabaho?

"Red, ayaw mo ba ng pagkain?" Napalingon ako kay mama ng itanong niya iyon. Sumubo na lang ako at ngumiti sa kanya para hindi niya mahalata na ang daming tanong sa isip ko na kailangan ko ng sagot mula sa kanilang dalawa.

Maya maya pa ay napansin kong nagvavibrate ang cellphone ni papa, agad niya iyong sinagot at tumayo. Hinabol tingin ko lang siya, maya maya pa ay ang cellphone naman ni mama ang tumunog. Napatingin siya sa akin pero sinagot niya pa rin ang tawag, tumayo siya at naglakad palabas. Hinabol tingin ko lang din siya, pareho ko silang pinapanood habang kausap nila ang nasa kabilang linya. Napansin kong lumingon si papa at tumingin sa akin, hindi ako nagpatinag hindi ko inalis sa kanya ang tingin ng muli niya akong tingnan.

Kung kailan naman kami nag kasabay sabay sa pagkain ngayong araw tsaka naman sumisingit ang trabaho nila. Kailan ko ba ulit mararamdaman na anak nila ako at magulang ko silang dalawa. Alam kong super busy ng trabaho nila pero sana naman kahit isang araw man lang maging magulang muna sila sa aming tatlo.

Lumipat ako ng upuan at tumabi kay Rhian at Renz.

"Ate aalis ba ulit sila mama at papa?" Napaisip ako sa tanong ni Rhian.

"Hindi ko alam Rhian, pero sana hindi muna sila umalis."

"Tomorrow diba ang punta natin sa Amusement Park?" Napatingin ako kay Renz dahil sa sinabi niya.

"Ma! Ma!" Napalingon ako kay papa ng tawagin niya si mama.

Binulungan niya si mama sabay tingin sa aming tatlo. Napasimangot ako dahil aalis na naman sila. Maya maya pa ay agad na umakyat si papa at mama.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now