Chapter 11: Someday

37 1 0
                                    

Chapter 11: Someday



.
.
.
.

Someone's POV

"Nakuhanan mo ba ng video ang mga pangyayari kanina?" Tanong ko sa isang estudyante ng Broston.

"Of course, sobrang linaw pa." Nakangiti niyang sagot.

"Here, sobra sobra na iyan." Sabay abot ko ng white envelope, binuksan niya iyon at agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Just update me sa lahat ng mangyayari sa loob ng school. Kapag mas maganda ang kuha mo mas lalakihan ko ang bayad."

"Really? Sure, ako pa. Best stalker yata ang bansag nila sa akin."

"Mag iingat ka lang lalo na sa mga nakapaligid sa kanya."

"Don't worry ma'am, malinis ako magtrabaho. Sige po aalis na ako, hinihintay na ako ng kaibigan ko." Bumaba na siya sa kotse at masayang naglalakad papasok ng school.

Great moment and great revenge, napakagandang pakinggan lalo na kung nakikita kong nagdurusa sila. Maghintay ka lang, papasikatin lalo kita.

Nakangisi akong nakatingin sa school habang umaandar paalis ang kotseng sinasakyan ko.

"Chavez family, babagsak din kayo sa lupa. Palagi ninyong tatandaan na hindi lang kayo ang laging nasa itaas."

"Ma'am may problema po ba?"

"Wala po, ihatid niyo na lang po ako sa bahay." I rolled my eyes at my driver and face my cellphone.

.
.
.
.

Red's POV

Maaga akong nakatulog dahil sa lamig ng simoy ng hangin na nagmumula sa labas, pero maaga din akong nagising dahil sa paulit ulit kong naaalala ang bawat nangyari kahapon. Hindi ko lubos maisip na nangyari iyon ng biglaan, magaling din pala umarte ang lalaking iyon. Paniwalang paniwala ang lahat, lalo na ang Llyod na walang ginawa kundi manggulo sa buhay ko.

Napatingin ako sa kalendaryong nasa tabi ng kama ko habang nakahiga, napansin ko din ang oras. 2:25 pa lang ng madaling araw pero dilat na dilat pa rin ako. Naalala ko na  sa isang linggo na pala ang field trip namin, at siguradong pagod ang kalaban ko sa araw na iyon.

.
.
.
.
.
.

"Red dalawa na ang dala naming tent, sa amin kana makisukob." Salubong na sambit ni Abby habang naglalakad ako papasok ng room. Sumalubong din sina Adriel at Chelsy.

"Abby pwede ba? Excited ka masyado, Red tayong dalawa ang magkasama sa tent ha?"
Sambit ni Adriel na nakangiti sa akin.

"Teka! Ako ang unang nagsabi e!"
Nakasimangot na sambit ni Abby.

"Sorry ka pero ako ang gustong kasama ni Red sa tent." Pang aasar ni Adriel sa nakasimangot na si Abby.

"Ang daya naman!" Mas humaba ang nguso ni Abby sa pagkakasabi niya niyon.

"Pwede ba tumigil kayong dalawa! Para kayong mga bata kung umasta. Ang tanong ko lang sigurado ba kayong tatabihan kayo ni Red?" Mas lalong sumimangot si Abby sa mga sinabi ni Chelsy, habang ako tawa ng tawa sa ginagawa nilang pag aaway.

"Red sino ba gusto mong makatabi?" Agad akong umupo ng makapasok sa room at napatingin sa seryosong mukha ni Abby at tila binabasa ang iniisip ko. Napabuntong hininga ako bago magsalita.

"Mas mabuti kung...

" Red pinapatawag ka ni Monique." Napalingon ako sa nagsalita mula sa labas.
Si Kira iyon na kasama ni Lorraine.

I Hate You, I Love You  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon