Chapter 40: Reflection

20 1 0
                                    

Chapter 40: Reflection

.

.

.

Serra's POV

Kakabalik ko lang sa dorm matapos ang huling klase ngayong araw. Tatlong araw pa lang ako dito sa dorm kasama si Ma'am Red pero mukhang hindi talaga kami magkakasundo sa mga gusto niyang mangyari at sa gustong ipagawa sa akin ng Ama niya. Ibang iba ang kwento sa akin ni Manang Fe about sa ugali ng alaga niya, o baka ayaw lang ni Ma'am Red na kasama ako, kasi pansin ko ayaw niya akong kasabay kumain sa umagahan at hapunan. Kapag maaga akong nagigising late naman siya, kapag tanghali ako nagigising siya naman ang maaga. Tapos kapag kumakain na ako sa gabi nasa kuwarto siya, kapag naman siya ang kumakain ako naman ang nasa kuwarto para mamalantsa ng uniform naming dalawa. Hay bahala na, tatlong buwan ko lang naman kailangang gawin ito, tsaka mas okay na yung ganito para hindi ko siya maabala.

Nasa living room ako ngayon kung saan gumagawa ako ng reflection paper para sa sunod na linggo, napatingin ako sa orasan ng mapansin na nakasara pa rin ang pinto ng kuwarto ni Red, nakatapos na akong kumain pero siya nakakulong pa rin sa kuwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang paggawa ng reflection. Habang gumagawa ng reflection ay biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari noong isang araw,  pinahiram niya lang naman ako ng notes niya dahil may homework daw kami, mabuti na lang pinahiram niya ako kaya nakapagpasa ako noong araw ding iyon. Mabait na man siya sa part na yun pero after non di na muli siya namamansin kahit kaklase ko siya sa lahat ng subject.

"Anong ulam?" Natigilan ako sa pagsusulat sa notebook ko ng may marinig na boses mula sa may hagdan, naglalakad pababa si Ma'am Red habang may nakasalpak na headset sa kanyang tainga. Tatayo na sana ako ng tingnan niya ako.

"Ako na ang maghahanda ng kakainin ko, ituloy mo na lang yang ginagawa mo." Bumalik ako sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang sinusulat, pasulyap sulyap ako ng tingin sa kanya habang naghahanap ng pwede niyang makain sa kusina. Hindi ako makapagfucos sa sinusula ko dahil hindi pa rin siya nakakapaghanda ng kanyang makakain. Tumayo ako at huminga ng malalim bago siya lapitan, agad akong lumapit sa microwave oven at inilabas ang isang tupperware, inilagay ko iyon sa mesa at kumuha ng plato niya, napansin kong tinitingnan niya ako sa bawat ginagawa ko pero hindi ko na lang iyon inabala sa halip ay kumuha ng kutsilyo at tinidor at inilagay sa mesa. Umupo siya sa kabilang side ng table kaya inilapit ko sa kanya ang placemat kung saan nakapatong doon ang plato, tinidor at ang kutsilyo.

"Ako na, tapusin mo na lang ang ginagawa mo." Sabi niya pero hindi ko iyon pinansin sa halip ay kumuha ng juice sa ref at inilagay sa kanang bahagi ng kanyang pwesto. Tumingin ako sa kanya ng matapos kong ihanda ang pagkain niya, tiningnan niya ako saglit at ibinalik ang atensyon sa pagkaing nasa harap niya. Bumalik ako sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

.

.

.

Red's POV

Napalingon ako kay Serra ng umalis siya sa harap ng mesa at bumalik sa kanyang ginagawa. Inirapan ko lang siya at kumain dahil kanina pa ako nagugutom, napatingin ako sa screen ng phone ko ng mapansin na may magtext message, binuksan ko iyon at binasa, si Aki lang pala na  nagyayaya magbar. Gusto kong lumabas at sumama pero hindi pwede dahil Biyernes lang bukas at maaga ang klase ko.

"Sorry may pasok pa ako bukas, maybe next time." Saad ko sa reply ko sa kanya, ilolock ko na sana ang phone ko ng mapansin ang oras. 9:59 na ng gabi at ngayon lang ako kumain ng dinner. Maya maya pa ng matapos akong kumain ay hinugasan ko na din agad iyon, napansin kong papalapit si Serra pero nabanlawan ko na ang plato at nailagay sa drainer nago pa siya makalapit sa akin. Tiningnan ko lang siya at bumalik na din sa kuwarto ko pagkatapos niyon. Napansin kong inayos na din niya ang ginagawa niya, hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok sa kuwarto.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now