Chapter 17: My girl

42 1 0
                                    


Chapter 17: My girl

.
.
.

Abby's POV

.
.
.
8:30 na ng umaga ngunit tila walang balak pumasok ang isa kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita magmula ng matapos ang field trip sa Mindoro.

"Abby wala ka pa rin bang balita kay Red?"

"Sorry po ma'am."

"It's okay, just inform me if she can make it to go on graduation."

"Okay po." Tipid kong sagot sa professor namin. Siya ang nag aasikaso ng event kaya nagtatanong din para maayos ang format ng graduation.

.
.
.

Kasalukuyang pauwi na kami, katatapos lang ng practice. Hinintay ko din kasi si Jerrson sa dance practice niya, isa siya sa member ng dance group sa school namin. Habang naglalakad sa hallway, at habang nag iingay sina Chelsy with her boyfriend and Adriel. Napansin ko ang padabog na lakad ni Kira, galing siya sa BSG office napansin ko din ang nakaupong si Monique  na nakahawak sa kanyang sintido. Nakabukas pa kasi ang pinto ng lumabas si Kira, kaya nakita ko ang loob ng office nila. Infairness, maganda ang office nila.

"Abby di ka ba sasabay?" Napapitlag ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Adriel. Pababa na sila ng hagdan, kaya agad din akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.

.
.
.

Monique's POV

Magmula ng matapos ang field trip naging cold na si Khem sa akin. Ewan ko ba pero parang dinamdam niya ang nangyari sa field trip. Halos di na kami nagkikita dito sa school maging sa condo unit ko. Nagtetext naman siya kaso sobrang tipid, akala mo ay mauubusan ng load kapag nireplayan ako.

Tuloy pati ang BSG nadadamay sa hindi pagkakaintindihan namin ni Khem.
"Monique hindi ka ba makikipagkita kay Khem?" Nilingon ko si Lorraine na nag aayos ng gamit. Napatingin ako sa wrist ko, it almost 4:58 ng hapon. Ilang minuto na lang bago mag 5:00 ng hapon.

"Mauuna na ako sayo, kailangan ko pang sundan si Kira. Pasensya ka na sa kanya ha?" Nginitian ko lang siya bago lisan ang kuwarto na kanina lang ay puno ng tao. Naiwan ako mag isa sa loob ng opisina at tanging ang table ko lang ang magulo at nakakalat ang gamit.

.
.
.
.

Halos kalahating oras ang tinagal bago ko natapos ayusin ang gamit ko na nakakalat sa table, dumidilim na rin kaya nagmamadali na akong maghugas ng kamay at mag spray ng perfume sa damit ko dahil sa pawis na nabuo habang nag aayos ng gamit kanina. Napabuntong hininga ako ng maisara ang pinto ng BSG office, nilock ko na iyon at agad nilisan ang building na iyon.

.
.
.

Habang naglalakad patungo sa sakayan ay napansin ko ang mga paparazzi na nagkakagulo sa labas ng eskwelahan. Nakita ko si Josh na dinudumog ng paparazzi, napatingin siya sa akin sa mga sandaling iyon. Teka bakit naman?

Napahawak ako sa pinto ng kotse ko ng mapansing tumatakbo si Josh palapit sa akin.

"Monique, pwede pasabay hindi ako makauwi dahil sa kanila."

"Teka...
Pero agad sumakay si Josh, naramdaman ko naman na papalapit na rin sa kotse ko ang paparazzi kaya agad akong pumasok at pinaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon.

"Ano ba kasi ang ginawa mo?"

"They're talking about Red, sorry Monique pati ikaw nadamay sa amin ni Red." Napasabunot si Josh sa buhok niya habang ako nagdadrive.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now