Chapter 18: Cool off

36 1 0
                                    

Chapter 18: Cool off

.
.
.
.


Red's POV


Isang nakakalitong tanong ang sinabi ni Papa matapos ang gabi kung kailan nagtapat kami ni Josh.

Tanong na may sagot ngunit mahirap panindigan, tanong na kanina pa tumatakbo sa isipan ko.

"Huwag mo ng masyadong pakaisipin." Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ng isang lalaki na hindi pamilyar sa aking pandinig.

"I'm Kister." Inilahad niya ang kamay niya para makipagshake hand, pero wala ako sa mood makipag usap ngayon.

"Okay, thank you."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilisan ang lugar na iyon. Hindi ko na lang siya tiningnan  sa halip ay naglakad lakad. Kanina pa ako naghihintay dito sa may condo pero wala pa rin ang magaling kong kaibigan na si Chelsy.
May usapan kami na dito magkita sa condo niya.

Sinubukan ko na lang siyang tawagan, para malalaman kung nasaan na ba siya. Pero may napansin akong babae at lalaki na nag aaway.
Teka si Monique iyon.

Sambit ko sa isipan habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ibinaba ko ang cellphone ko ng makita si Chelsy na papasok na ng building, nandito ako sa second floor kung saan tanaw ko si Monique at ang mayabang niyang boyfriend. Nasa first floor sila ng building kung saan wala masyadong dumadaan.

"Kanina ka pa ba?" Salubong na tanong sa akin ni Chelsy. Hindi ko na lang sinagot sa halip ay pumunta na lang sa tapat ng elevator para sumakay paakyat ng building kung saan naroroon ang condo unit niya.

"Bakit kasi hindi ka umaattend ng practice?" Sunod na tanong ni Chelsy ng makarating kami sa condo niya. Katulad kanina wala kahit isang salita akong pinakawalan mula sa aking labi. Patuloy na sumasagi sa aking isipan ang bawat salitang sinabi ni Papa dumagdag pa ang bawat sandali na nakita ko kanina sa 1st floor ng building.

"Red okay ka lang ba?!" Isang malakas na sigaw mula sa katabi ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Ahmm oo, okay lang ako." Mahina kong sambit, pero alam kong rinig niya ang sinabi ko.

.
.
.
.
.

Patuloy pa rin akong binabagabag ng pangyayari kanina.

"Saan ka galing?" Isang malamig na boses mula sa ama ko ang aking napakinggan, kaya muling bumalik sa aking isipan ang mga tanong at salitang binitawan niya.

"Aakyat na po ako." Magalang kong sagot sabay akyat sa itaas at pumasok sa kuwarto ko.

.
.
.
.

"Okay ka lang ba? Sorry hindi kita nasamahan kanina."

"Okay lang, teka kamusta na pala ang Mama mo? Okay na ba siya?"

"Okay naman, wala namang naapektuhan sa pagkakabagsak niya kanina."

"Ahmm, Josh pwede ba akong magtanong?"

"Ano ba 'yon? Basta huwag lang history hahaha joke. Ano ba 'yon?"

"Kapag ba nag aaway ang mag asawa ano ang unang dahilan ang naiisip mo?"

"Ha! Mag asawa? Teka, mag aasawa ka na?"

"OA mo, nagtatanong nga lang ako."

"Ahh, hahaha akala ko hahaha. Teka ito na, unang dahilan? Ahm, sa tingin ko may hindi pagkakaintindihan or may isang bagay na hindi dapat, yung alam mo na."

"Ahh okay, salamat."

"Teka, nga pala bakit mo natanong?"

"Wala, kasi kanina may nakita akong nag aaway na mag asawa."

Kahit hindi pa naman, kasi sa mukha ni Monique kanina parang may hindi nga siya nagustuhan sa namamagitang usapan nila ni mayabang.

"Ah akala ko, mag aasawa ka na kaya nagtatanong ka."

"Pwede ba Mr. De Guzman? Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan, hindi mo na nga ako sinamahan kanina ganyan pa ang gagawin mo."

"Sorry na po your highness, bukas na bukas sasamahan kita kahit saan mo gusto."

Nakangiti lang ako habang kausap sa telepono si Josh, magmula ng maamin ko sa kanya ang lahat, tila may tinik na naputol na siyang nakatali sa aking katawan. Ang sarap lang sa pakiramdam na I know he love me and I love him very much.

.
.
.
.
.

Someone's POV

"Isang tao lang naman ang gusto kong bantayan mo, huwag na huwag mong iaalis sa iyong paningin ang taong ito."

"Masusunod po."

"Ito ang unang bayad, sa susunod na linggo ang natitira. Sige makakaalis ka na."

"Sure, sige aalis na ako."


Nakatingin lang ako sa papalayong lalaki matapos ko sabihin ang dapat niyang gawin at ibigay ang bayad sa gagawin niya.


"Sigurado po ba kayo na mapapasunod niyo siya?"

"Kilala ko si Red, at alam ko ang kahinaan niya. Ayaw kong pumalpak ang tao mo, kung hindi ikaw ang madadali ko."

"Magaling po ang tao ko, kahit kailan hindi pa ako pumapalpak."

"Siguraduhin mo lang."


Ayaw kong may ibang umaaligid kay Red, at ayaw ko din na nasa iba ang atensyon niya. Lalo na sa isang lalaki na siyang hindi karapat dapat sa buhay niya.

.
.
.
.
.
.


Monique's POV

"Cool off?!"

"Huwag ka ngang sumigaw."

"At sino ba naman ang hindi sisigaw sa sinabi mo?"

"Cool off lang naman, tsaka wala naman akong sinabi na wala na tayo."

"Khem pareho lang yun, doon din ang punta no'n."

"Magpapahinga muna ako, magpahinga ka na rin."

"Khem!"

"Monique, kahit ngayon lang please?"

"Pero...

"Aalis na ako."

"Khem!" Patuloy na dumadaloy ang luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata.Nasa labas kami ng building kung saan wala masyadong tao, dumating na kasi ang guest ng condo kaya medyo crowded sa loob.

"Sige, may practice pa kayo bukas. Matulog ka na pagkaakyat mo." Tumalikod siya sa akin at sumakay sa kotse niya, nakatanaw lang ako sa papalayong sasakyan habang nagwawala ang mga luha ko sa paglabas sa aking magkabilang mata.




Patuloy na dumadaloy sa magkabila kong mata ang luhang kanina pa nagpapaunahang lumabas sa aking mata, nakatingin lang ako sa night light na siyang mas lalong nagpapasakit sa aking nararamdaman dahil sa malungkot nitong kulay, habang binabalikan ang mga sinabi ni Khem kanina.


Bakit ngayon pa?
Ano ba ang ginawa kong mali?
May mali ba sa akin?
Bakit cool off?
Khem, bakit?

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now