Chapter 28: Cum Laude

36 1 6
                                    

Chapter 28: Cum Laude

.
.
.
.
.

Khem's POV

"Please huwag, ayaw kong makita niya ako." Napakagat labi ako habang nakatingin kay Josh na nakasombrerong itim, nagulat ako ng makita siya sa ganitong oras.

"Bakit ngayon ka lang dumalaw?" Pabulong kong tanong sa kanya, napansin kong hindi niya pinansin ang tanong ko. Hinawi niya ang buhok ni Red na nakaharang sa mukha nito. Kitang kita sa mukha ni Josh ang lungkot, pero di ko mapigilang itanong kung bakit ngayon lang siya dumalaw.

"Huwag mong ipapaalam sa kanya na pumunta ako dito."

"At bakit naman?" Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay mas inasikaso niya ang mga gamit na dala niya. Nabanggit niya pala na may interview siya mamaya sa press conference. Alam kong napakabusy niya dahil sa trabaho niya ngayon.

"Ayaw kong makarating sa President ang pangyayaring ito." Tahimik lang ako sa paglalagay ng juice sa baso sa mga sandaling iyon. Iniabot ko din agad kay Josh ang baso na may lamang juice, humigop siya ng kaunti at muling hinawakan ang kamay ni Red. Sa mga oras na iyon ay mahimbing sa pagtulog si Red, nakangiti siya na tila ramdam ang kamay ni Josh.

"Nabalitaan mo naman siguro na nabura ang iba niyang alaala."

"Oo, at sana kapag makabalik na ang mga alaalang iyon ay patuloy mo pa rin siyang bantayan." Naiinis ako kay Josh, parang gusto ko siyang suntukin sa mga binitawan niyang salita. Ganon ganon na lang ba, matapos ang mga sandali na sobrang sweet nila sa isa't isa. Syempre kilala ko si Red, kababata ko e. Alam kong mahal na mahal niya Josh, kasi noong nakita ko siya kasama si Josh ibang iba ang mga ngiti niya sa kanyang mga mata. Yung mga ngiti niya noong bata siya ay ibang iba sa mga ngiting nakita ko kasama si Josh. Tanda ko pa noong nagfield trip kami, alam kong inis na inis na si Red sa akin pero dahil kay Josh biglang lumiliwanag ang tingin niya sa akin. Matapos kasi ang mga nangyari noon, iba na ang pakikitungo sa akin ni Red.

Hindi ko naman talaga ginusto ang nangyari, kaya di ko masisisi ang sarili ko sa lahat ng pangyayaring iyon. Para din kasi sa kaligtasan ni Red kung bakit ako pumayag sa ganoong bagay.

"Sige kailangan ko ng umalis, baka magising na si Red."

"Ayaw mo bang makita siyang gising?" Walang sagot akong narinig mula kay Josh.

"Ayaw mo ba siyang kausapin?"

"Mas mabuti ng makita ko siya kaysa makita niya ako." Agad ring umalis si Josh ng sabihin ang linyang iyon.

Isang tanong ang naiwan sa aking isipan sa gitna ng gabi, kung saan ang karamihan ay mahimbing na natutulog.  Napalingon na lang ako kay Red na mahimbing pa rin sa pagtulog. Lumabas na lang ako ng kuwarto at nagpahangin sa may terrace.

.
.
.
.
.
.

Red's POV

Hindi ako makapaniwala sa napaginipan ko kagabi, sana naging totoo na lang ang pangyayaring iyon. Para kahit sa panaginip ay  natupad ang dasal ko, ang dasal na sana makita si Josh at muling mahawakan ang kanyang kamay. Pero panaginip lang iyon, kaya alam kong hinding hindi iyon mangyayari.

"Red okay ka lang? Kanina pa nakanuot ang noo mo ah." Napalingon ako sa isang babae na katabi ni Khem. Kilala ko siya pero ayaw kong pag usapan ang buhay niya at ang mga kasamahan niya.

"Red tinatanong ka ni Adriel." Nilingon ko lang si Khem pero hindi ko pa rin sinagot ang tanong ni Adriel. Ang totoo niyan hindi talaga ako nakalimot. Wala akong amnesia, gusto ko lang pahirapan ang Papa dahil sa mga sinabi niya bago ako maaksidente. Gusto kong bawiin niya ang mga sinabi niya noong araw na iyon. Pero parang mahihirapan ako sa kanya. Matalino siya at madaming alam kaya mahirap siyang kalabanin. Kapag sinabi niya sinabi niya, kahit si Mama hindi kaya ang alam ni Papa. Pero alam ko ang kahinaan niya, kaya alam ko kung paano siya bibigay sa isang bagay. Pero sa ngayon pinag iisipan ko pa iyon ng mabuti kasi ang hirap gawin lalo pa at wala si Josh. Bakit kasi mas inuuna niya pa ang trabaho niya bilang celebrity?

Bukas na ang graduation at bukas na bukas isang pangyayari ang gusto kong malaman ni Papa. At sana bukas na bukas makita ko si Josh, kahit doon man lang makita ko siya ulit. Hindi kasi makatotohanan kapag sa panagip e.

"Red binilhan ka ng Mama mo ng yema cake. Favorite mo ito diba?" Hindi ako sumagot pero agad kong kinuha ang sinasabi niyang pagkain. Oo favorite ko iyon, kaya hindi pwedeng hindi ko kainin, pero baka makahalata sila kaya pabebe kong tinikman ang pagkain.

"Ito po ba ang kinakainin ko before?" Magalang kong tanong kay Manang Fe.

"Oo anak, iyan palagi ang gusto mong pasalubong tuwing aalis ang Mama at Papa mo." Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ni Manang Fe, dahil saulo ko na ang mga lines na iyon. Mga salitang lagi niyang sinasabi kapag wala sila Papa. Pero dahil nasabik ako ng sobra di ko namalayan na paubos na pala ang yema cake na inihain sa akin ni Manang Fe.

"Aba namiss mo siguro iyan? Teka gusto mo pa ba? Magpapadala ako kay Liya."

"Hindi na po busog na ako, tsaka uuwi naman na tayo mamaya diba?" Magalang kong sagot at tanong.

"Oo, ang Papa mo ang susundo sayo." Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Humiga na lang ako at nagcellphone pero dahil may limitation ako sa radiation tumingin muna ako sa wall clock at sinet ang oras ko. Marami ng bawal sa akin, at madami na ring hindi pwedeng gawin kaya control ako sa lahat ng gagawin ko. Ang OA lang kasi bakit ganoon? Naaksidente lang naman ako pero ang OA agad ng mga bawal sa akin.

"Isang kakapasok pa lang ng balita. Josh De guzman magcoconcert sa mismong paaralan walang iba kundi ang Broston University. Bukas na ang pinakahihintay na araw ng sikat na singer at composer na si Josh, dahil bukas na bukas ay makakatapos na siya sa kursong Education. Lingid sa kaalaman ng iba, Magna Cum Laude ang parangal na makukuha niya. Samantalang Cum Laude naman ang anak ng Presidente na si Red Chavez na lalabas na ngayon sa hospital matapos maaksidente noong nakaraang  linggo. Habang si Monique Alvarez naman ang Suma Cum Laude."

So Cum Laude ako, okay na 'yun kahit papaano nakapasok pa sa ganoong parangal. Mas pinili ko na lang na maging excited bukas kaysa pagtuunan ng pansin ang balita tungkol kay Josh. Palagi ko siyang napapanaginipan, panaginip na lagi niya daw akong dinadalaw dito sa hospital ng patago pero malabo iyong mangyari lalo pa at busy siya sa trabaho niya at maraming bantay sa hospital.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now