Chapter 13: Miss Taray

41 1 0
                                    


Chapter 13: Miss Taray

.
.
.
.

Red's POV



After lunch ay nagpahinga muna ako, ang karamihan naman ay abala sa pagkuha ng litrato at nagpagala gala para may mai upload sa IG. I forgot to say, nasa Occidental, Mindoro kami ngayon para mamigay ng relief goods. And it is my first time here at this kind of place, the real thing is I can't go anywhere like this. My dad is too strict, and I hate him so much.

Never mind that thing, I'm here to enjoy and free to go with my classmates. Mabuti naman at hindi isinama si Manong Rey para bantayan ako. Hayy maiba tayo ng usapan.

  Gusto akong isama nina Chelsy pero ang sabi ko may aasikasuhin pa ako, magpapaiwan sana si Josh kanina pero ang sabi ko sumama na siya kina Chelsy para naman makapag enjoy siya. Papasok na sana ako sa tent ko ng mapansin si Liya sa kabilang tent na nakaupo.

"Okay ka lang ba?" Napalingon siya sa akin ng itanong ko iyon, she smile and nod at me.
Tumayo ako at lumapit sa kanya, para makapag usap kami ng ayos.

"Kamusta ka na?" Malambing kong tanong, nga pala naging close kami ng Liya few days ago.

"Okay lang po."

"Don't be so formal, diba ang sabi ko call me Red."

"Masaya po ba kayo kapag kasama niyo ang mga kaibigan niyo?"

"Of course, and I'm happy cause you are one of my friend." Nginitian ko siya ng sabihin ko iyon.

Hindi pa siya nagkekwento sa akin after the day we met at the rooftop, siguro masakit pa rin sa kanya na ishare ang ginawa sa kanya ng friend niya. Iyon kasi ang sabi niya sa akin last time. Pero mas mabuti na yung ganitong nagkakausap kami.

"Nakita ko kanina ang titig sayo ng lalaking iyon." Napalingon ako sa kabilang tent ng ituro niya iyon. Si mayabang na boyfriend ni Monique ang tinuro niya kaya napa beast mode ako sa mga sandaling iyon.

"Masahol pa sa aswang makatingin ang lalaking iyan, huwag mo na lang pansinin."

"Nakita ko kanina si Josh, may kausap siyang babae." Nagbago ang timpla ko ng marinig iyon kay Liya.

"Okay lang, malay mo tinulungan niya lang."

"Magkahawak ang kamay, yun ba ang tinulungan." Iniinis ba ako nitong si Liya, mabait si Josh kaya kadalasan lahat gusto niyang tulungan.

"Malay mo nadulas kaya magkahawak ang kamay."

"Eh anu ang tawag mo doon?" Napabaling ako ng ituro niya ang direksyon ng mga estudyante na pabalik na, nasa likuran si Josh habang nakaakbay sa kanya ang isang babae na mahaba ang buhok, I don't know her name. Nanlisik ang mata ko sa babaeng iyon.

"Red!" Nawala ang panlilisik ng mata ko ng tawagin ako nina Chelsy. Agad akong tumayo ng lumapit sa akin si Abby, isang bulaklak ang iniabot niya sa akin.

"Pinabibigay ni Josh." Bulong niya sa akin. Imbes na ngiti ang makita sa facial expression ko, nakasimangot at nakakunot na noo.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong sa akin ni Abby. Ibinalik ko kay Abby ang bulaklak at lumakad ako patungo sa tent ko at pumasok sa loob, bakit ba nakaakbay kay Josh ang babaeng iyon. Nakakunot pa rin ang noo ko habang ewan, hindi ko alam ang ginagawa ko. Inaalwas ko ang gamit ko sa bag ko, ewan ko kung bakit ko tinatanggal sa bag ko. Basta naiinis ako sa babaeng iyon.

.
.
.
.
.

Third Person

"Anu nagustuhan niya ba?" Tanong ni Josh sa tatalong babae na nakacross arm.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now