Chapter 15: Just relax

29 3 0
                                    


Chapter 15: Just relax

.
.
.
.

Red's POV

Natapos ang araw na iyon na sobrang lalim ng aking iniisip, kahit nakahiga ako katabi ni Liya ay patuloy pa ring bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi niya. Nalilito ako, naguguluhan, hindi ko mawari kung ano ang gagawin. Mahal ko na ba si Josh? Hayy anu ba ang gagawin ko?

Ayaw ko muna lumapit kina Chelsy, Abby at Adriel. Dahil mabilis nilang nalalaman kung ano ang nararamdaman ko kahit na minsan napakakulit nilang tatlo. Especially Abby, na inaasar asar pa ako sa mayabang na tinatawag nilang Mr. Devil. Speaking of him, ayaw na ayaw kong makikita ang pagmumukha ng lalaking iyon kahit kailan.

"Nagkipagdate kay Red sa may pilapil."

"Nagkipagdate kay Red sa may pilapil."

"Nagkipagdate kay Red sa may pilapil."

"Nagkipagdate kay Red sa may pilapil."

Napakagat labi ako ng muling sambitin ng aking isipan ang sinabi ni mayabang kahapon, ako makikipagdate sa tulad niyang mayabang, no way! Anu siya sinuswerte? Magpagamot muna siya para matanggal ang kayabangan niya.

Hayy bakit ba siya napasama sa mga iniisip ko, hindi naman siya kasali.

"Kanina ka pa ba gising?" Napatagilid ako ng higa ng marinig ang tanong ni Liya. Tiningnan ko siya ng walang kareak reaksyon, kasi hindi ko naman talaga alam ang ihaharap kong expression sa kanya. Lalo na at malalim ang aking iniisip.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, may problema ba?" Nagkibit balikat ako sa harap niya ng makabangon ako. Tiningnan niya lang ako na parang ini scan ang expression ng mukha ko kung ano ba ang iniisip ko sa mga sandaling iyon.

"Salamat pala." Agad na akong lumabas ng tent after kong sabihin ang salitang iyon. Ayaw ko ng humaba pa ang conversation naming dalawa, tsaka pagod pa ako. Hindi kasi ako makatulog ng ayos dahil sa lalaking iyon.

.
.
.

Josh's POV

Maghapon kong hindi nakita si Red dahil sa paghahakot ng mga relief na ipinamigay kanina sa mga taga baryo. Bukas ng umaga ay maaga kaming aalis patungo naman sa kabilang bayan, Sitio Igsuso, Brgy. Tubili Paluan, Occidental Mindoro first time kong marinig ang lugar na iyon. Dahil hindi naman ako mahilig magtravel, pero I already search that place. Halos 3,000 ang population ng tao doon and malapit sa dagat. Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing trabaho doon, Mindoro ang pinakamalakas magsuplay ng bigas sa buong Pilipinas.

And like what I said, may dagat so baka doon narin kami mag overnight.

"Josh, ipapakilala ko sayo yung pinsan ko. Taga dito siya sa Mindoro." Napalingon ako kay Hero at Dan. Anu bang pinagsasabi nila? Eh alam naman na nila kung sino ang gusto ko.

"Pwede ba Dan, tigil tigilan mo yang kalukuhan mo."

"Tsaka gagala tayo sa rest house, na renovated na daw ngayon kaya baka doon na rin tayo mag stay for one day." Ang lola ni Dan ay taga Mindoro, kaya medyo may alam siya ng kaunti sa lugar na ito.

"Anu ka ba Dan, eh may Red na si Josh." Sinamaan ko ng tingin si Hero dahil sa sinabi niya.

"Oo nga pala, sorry nakalimutan ko." Pahabol pa na sambit ni Dan.

"Malawak ang lugar na iyon, tsaka diba favorite mo ang santol. Josh mananawa ka sa sobrang dami."

"Magpahinga ka na nga lang, maaga pa ang alis natin bukas." Sambit ko sa lahat ng sinabi ni Dan.

I Hate You, I Love You  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon