Chapter 50: Not allowed

24 1 0
                                    

Chapter 50: Not allowed

.

.

.

Third Person

"Calling the attention of Doctor Keiper Guano you have an emergency call from your house. Calling the attention of Doctor Keiper Guano you have an emergency call from your house."

Katahimikan ang bumabalot sa kabuuan ng hallway sa emergency room maging sa kahabaan ng pasilyo sa bawat palapag ng hospital matapos marinig ng karamihan ang page mula sa speaker na nasa itaas na bahagi ng kisame.

Nakaupo naman sa sofa ang tatlong babae na nakatingin lang sa pagbaba at pagtaas sa monitor na lumilikha ng ingay sa loob ng isang kuwarto sa ikalawang palapag ng hospital, kapwa sila ay nakatulala lang sa pagmamasid sa monitor, wala ni isa sa kanila ang gumagalaw dahil tanging ang pagkurap lamang ng kanilang mga mata, paghinga mula sa ilong palabas sa kanilang bibig at ang paglunok ng kani kanilang laway sa natutuyo nilang lalamunan sa paglipas ng bawat segundo.

"Sam magpahinga ka na muna." Pagbabasag ni Manang Fe sa katahimikang iyon, nilingon lang siya ni Sam ng ilang segundo at muling ibinalik ang atensyon sa monitor.

"Lalabas lang ako sandali."

"Pwede po ba akong sumama?" Tanong ni Serra sa matanda.

"Samahan mo muna si Sam dito Serra, kung may bibilhin ka ay ako na lamang ang bibili."

"Wala naman po Manang, baka kailangan niyo lang po ng tulong."

"Hindi na Serra, bibili lang ako ng maiinom."

"Manang ihabilin niyo na lang po sa bodyguard." Sunod na sambit ni Serra.

"Hindi na, may kailangan din akong bilhin. Sige na maiwan ko na kayo." Pagkasabi na pagkasabi ni Manang Fe ay umalis na din siya sa lugar na iyon.

Naiwan si Serra kasama ni Sam sa kuwarto kung saan pareho pa rin silang nakatingin sa monitor.

Ilang sandali pa ay sumandal na si Sam sa  sofa ngunit patuloy pa ring nakatuon ang atensyon sa monitor.

"Alam kong malaki ang kasalanan namin ni Richard sa anak namin na si Red." Panimula ni Sam.

"Ngunit hindi ko masisisi ang sarili ko maging si Richard na mas inuuna naming isipin ang future nilang magkakapatid, lalong lalo na si Red." Ilang sandali lamang ay nagsimula ng umiyak si Sam sa pagpapatuloy niya sa kanyang mga sinasabi.

"Sobrang sama ba namin bilang magulang para ipadanas sa amin ang mga ganitong bagay?!"

"Masama bang mas iniisip namin ang kung anong mas makakabuti para sa anak namin?!"

"Hindi naman diba?!" Hindi makatingin si Serra sa nagsasalitang si Sam sa mga oras na iyon.

"Ang gusto lang namin ay mapabuti siya sa kung ano ang hinaharap, kung ano ang mga bagay na kailangan niya at kung anong dapat meron siya." Pinunasan ni Sam ang luha na patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg sabay tingin kay Serra na tahimik lamang na nakaupo sa tabi niya.

"Sabihin mo sa akin Serra, masama ba kami bilang magulang? Mahigpit ba kami? Masyado ba kaming nagiging selfish para sa kapakanan ni Red?" Kitang kita sa reaksyon ng mukha ni Serra ang pagkagulat sa sunod sunod na tanong sa kanya ni Sam.

"Ilang buwan na ang nakakalipas matapos  maaksidente ni Red, tapos sa sumunod na buwan ay nabaril naman siya tapos ngayon ito na naman, hindi ko na alam ang susunod na mangyayari."

"Ma'am wala naman po kayong kasalanan sa mga nangyari."

"Lahat po ng iyon ay aksidente at hindi sinasadya. Ngunit isa lang po ang napansin ko nitong mga nakaraang linggo kay ma'am Red." Napahawak sa laylayan ng damit si Serra ng sabihin ang mga salitang iyon.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now