Chapter 3: Rules

101 2 0
                                    

Chapter 3: Rules

.
.
.
.
.

Josh's POV

Maaga akong pumasok para sa practice namin para sa role play. Pero tatlumpung minuto na ang hinintay namin walang Red na dumating.

"Darating pa ba si Red?" Tanong ni Dan, na kanina pa naiinip.

"Sorry guys, I'm late." Napatingin ako sa kalagayan ni Red, pawisan siya at hinihingal pa.

"Simulan na natin." Inilapag niya ang bag niya at agad na sinimulan ang gagawin.

Lumapit ako sa kanya. Medyo naiilang ako dahil sa nangyari kahapon.
"Magpahinga ka muna."

"Ah hindi na." Uminom siya ng tubig bago muli nagsalita.

Nakatingin lang ako sa kanya habang ipinapaliwanag ang bawat gagawin namin. She looks like stranger na tila may iniiwasan. After an hour natapos na siya sa paglilinaw sa gagawin, pero nakatuon pa rin sa kanya ang atensyon ko sa kanya.

"Red!" Napalingon ako sa likuran ng may tumawag sa pangalan ni Red. Si Lloyd iyon.

Nakangiti siyang lumapit kay Red, ako naman tumalikod na lang at naglakad palayo.

"Josh!" Napatigil ako sa paglakad ng tawagin ako ni Red. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko, at naglakad palayo.

Kumunot ang noo ko sa mga oras na iyon dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mata.

"Gamitin mo ito." Iniabot ni Red ang isang maroon cap, tinaggap ko naman agad iyon.

"Sorry pala kahapon sa ginawa ko. Ayaw ko kasing palaging nakasunod sa akin ang Lloyd na iyon."
Walang akong kibo sa sinabi niya, sa halip ay naglakad muli.

"Josh pwede ba ako humingi ng favor?" I look at her that time.

"Please." Imbes na sumagot ay tinitigan ko lang si Red sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ba ako nainlove sa babaeng ito. Siya yung tipo ng babaeng hindi mo magugustuhan makasama dahil boring. Pero sa lahat ng nakilala ko, siya ang kakaiba. Siya lang ang nakapagpapasunod sa akin every time na hihingi siya ng favor or mag uutos sa akin.

"I just want you to pretend as my boyfriend."

"Sure. Hanggang kailan?" Nagulat ako sa sagot ko, pero okay na rin.

"Hanggang tantanan na ako ni Lloyd, please?" Cute na sambit ni Red.

"May rules ba?" Tanong ko, malay niyo may bawal.

"Yes, here."

Isang papel ang iniabot niya sa akin. At nakalista lahat ng rules, madali naman sauluhin pero ang hirap intindihin medyo malalim kasi ang ibig sabihin.

"Tomorrow ko sasabihin kina Abby ang tungkol sa atin. Sige aalis na ako." Nakatingin lang ako sa naglalakad paalis na si Red.

.
.
.
.
.
.

Maaga akong nakauwi sa bahay after ng practice, agad naman akong tumungo sa kuwarto ko para mareview ang rules na nakasulat sa papel na iniabot sa akin ni Red.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Red's POV

Tama lang ang desisyon ko, mas gugustuhin ko pang si Josh ang maging lalaki sa buhay ko kaysa sa Lloyd na iyon. Mayabang na nga, masama pa ang ugali.

"Red handa na ang pagkain!" Narinig ko ang boses ni Manang Fe kaya lumabas na rin ako ng kuwarto at bumaba.

Pagkababa ko ay agad kong hinanap ang kapatid ko.
"Sina Rhian po at Renz?"

I Hate You, I Love You  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon