Chapter 27: Memory

31 0 8
                                    

Chapter 27: Memory

.
.
.
.
.

Liya's POV

Masayang masaya ako ng magising si Red. Magdadalawang araw na siyang gising, pero hindi pa rin siya makausap ng ayos. Ang sabi ng doctor, Red need to rest from being comatose.  Nasa living room kami habang nasa loob naman ang parents ni Red.

Ang lahat ay nakangiting nag uusap, ako naman ay sandaling sumilip sa kuwarto para tingnan si Red. Nakatingin lang siya sa parents niya na tila walang naririnig sa bawat tanong niya.

.
.
.
.
.

"I'm sorry Mr. President, hindi din po kami makakuha ng clue kung bakit ayaw magsalita ng anak niyo. Ayon sa lahat ng result ng exam niya hindi naman naapektuhan ang dila niya. Tanging ang kanang bahagi lamang ng ulo niya,  oobserbahan na lang po namin siya for the meantime." Sambit ng private doctor ni Red.

"Thank you doc." Nakangiting sambit ng President.

Pumasok ako sa room ni Red ng mapansing mag isa siya sa loob. Agad siyang napatingin sa akin ng pumasok ako. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya sa mga sandaling iyon.

"Apple?" Tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin. May benda pa rin ang ulo niya, hindi pa kasi magaling ang sugat niya sa ulo. Hinawakan niya ang remote ng TV kaya naisipan kong buksan ang TV.
Nakatingin lang siya sa TV habang ako ay nagbabalat ng apple, favorite niya kasi ang walang balat na apple.

"Here." Iniabot ko sa kanya ang apple na naka slice into four pieces. Pero hindi niya iyon pinansin, kumuha siya ng another na apple at tiningnan sandali sabay kagat. Napakurap kurap ako, ayaw niyang kumain ng apple na may balat pero bakit?

"Trending ngayon ang  vocalist ng bandang JoDaRoa na si Josh. Pumapalo ngayon sa mahigit 14 million views ang kinompose niyang kanta na may pinamagatang I Hate You, I Love You. Sa ngayon ay patuloy sa pagtaas ang bilang ng views. Nakilala si Josh dahil sa talent nito sa paggawa ng kanta at sa malamig niyang boses." Isang balita ang nagpatigil sa aking ginagawa, agad akong lumapit sa TV para i turn off iyon.

"I'm still watching." Rinig kong sambit ni Red, natigilan ako kasi ang baba ng boses na binitawan niya. Tumayo siya at lumapit sa harap ng TV, pinalis niya ako sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng sakit sa inasal niya, hindi niya ba ako kilala? Tanong ko sa sarili ko.

"Red." Lumingon siya sa kinatatayuan ko.

"I'm not Red. My name is Reya Tylored Aillexa Chavez, Reya for short. Stupid!" Galit niyang sambit, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi si Red ang kausap ko ngayon ibang Red ang nasa loob ng kuwartong ito.

"By the way, who are you?" Mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Pakisabi kay Khem bisitahin niya ako, hindi niya dapat ako pinaghihintay! Anong klaseng boyfriend siya?" Pero sa lahat ng sinabi niya, ito ang pinakamatindi. Hindi ko na alam ang gagawin, naguguluhan ako.

"Sorry Secretary Balinos, maybe tomorrow. I promise, I'll be there I just need to see my daughter." Pumasok ang President sa kuwarto, aktong aalis na sana ako.

"Don't leave me, may tinatanong pa ako."
Sambit ni Red sa akin.

"Red, goodness. How are you?" Tanong ng President sa anak niya. Kaya humakbang ako ng ilan para makalabas.

"I'm good, Miss I'm not done with you. Ang sagot mo." Napatigil ako sa paghakbang ng marinig iyon

"Red, ano ka ba si Liya yan. Kaibigan mo." Sambit ng President sa anak niya.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now