Chapter 16: Reya Tylored Aillexa

32 1 0
                                    


Chapter 16: Reya Tylored Aillexa

.
.
.
.
.

Monique's POV

Maghapon akong hindi kinausap ni Khem, and maghapon din akong nakaupo para tapusin ang narrative report na kailangan kong ipasa. Ang hirap pumili sa dalawang bagay na parehong mahalaga para sayo, hindi ko alam kung alin sa dalawa ang uunahin ko at hindi ko alam kung alin sa dalawa ang iintindihin ko. Sa mga ikinilos ni Khem kanina, alam kong may mahalaga siyang sasabihin. But I'm not really sure kung tungkol ba saan ang bagay na iyon.

"Monique hindi ka pa ba kakain? Maghapon ka na diyan sa harap ng laptop ah? Akala ko ba magrelax, bakit trabaho ang nasa harap mo?" Napatigil ako sa pagpindot sa bawat keys ng laptop na nasa harapan ko. Tiningnan ko lang si Kira na naghihintay sa pagtugon ko, pero imbes na magsalita ay mas pinili ko na lang na tumahimik at ipagpatuloy ang aking ginagawa.

"Kira! Tara na kumain!" Napalingon si Kira ng tawagin siya ni Lorraine.

"Sumabay ka na sa amin ni Lorraine, okay?" Sunod na tanong ni Kira na napapout lips sa harap ko.

"Wait lang isisave ko lang." Sabay pindot ng control S keys.

.
.
.
.
.

Josh's POV

Masaya kaming bumalik ng rest house matapos maggala sa bahay ng lola ni Dan. Nakakatuwa dahil nakikisakay si Red sa mga joke ng mga kaibigan ko. Kaso tila ilag siya sa akin, hindi ko tuloy mawari kung ano ang nagawa kong hindi niya nagustuhan.

"Josh pansin ko kanina pa siya umiiwas sayo." Sabay turo ni Dan sa nakangiting si Red na nasa labas ng rest house kasama ang tatlo niyang kaibigan.

"Anu ka ba Dan? May pinagkakaabalahan lang siya, kaya di niya ako masyadong pinapansin."

"Anu naman?" Makulit na tanong ni Dan.

"Josh, salamat pala kahapon ha? Kung hindi dahil sayo pilay pa rin ako siguro." Singit na sambit ng babaeng biglang dumaan sa harapan namin ni Dan.

"Okay lang Amanda, kahit sino naman gagawin ang bagay na iyon." Nginitian ko lang siya at ibinalik ang atensyon kay Red na masayang nakikipagkwentuhan sa tatlo.

"Paano ba ako makakabawi sayo?" Tinapik ni Dan ang balikat ko bago umalis at iwan ni Amanda sa isang table kung saan nakaharap at tanaw sa kinatatayuan ni Red.

"Hindi okay lang, huwag na." Sagot ko kay Amanda pero kay Red pa rin nakatuon ang atensyon ko.

"I have a great idea, what if ilibre na lang kita ng drinks mamaya. Tutal gusto kong makabawi." Umiling iling ako sa sinabi ni Amanda.

"Don't tell me na hindi ka umiinom." Tumango tango naman ako.

"Tuturuan na lang kita."

"Sina Dan at Hero na lang, sasamahan ko pa kasi si Red mamaya."

"Ahhh kaya pala, so akala ko nagpapanggap lang kayong dalawa. Mahal ka ba niya?" Nagbago ang pagguhit ng labi ko ng marinig ang sinabi ni Amanda.

"Sige pupuntahan ko lang si Red." Umiwas na ako habang hindi pa ako napupuno sa iyamot sa babaeng iyon. Actually, hindi naman talaga siya totally nainjured that time. Tinulungan ko na lang dahil napakaingay niya, nakakarindi kaya inakay ko na lang.

.
.
.
.
.

Abby's POV

"Abegail kanina ka pa namin kinakausap, sino ba kasi ang tinitingnan mo diyan?!"

"Ah wala, may sumagi lang sa isip ko. So game kayo?"

"Game, basta walang KJ ha?"
Napatingin muli ako sa kinauupuan ni Amanda na kausap lang ni Josh kanina, kinukutuban ako sa babaeng iyon. Pero halatang ayaw kausapin ni Josh ang talandi at malditang si Amanda.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now