Chapter 30: I want him to be my forever

38 1 5
                                    


Chapter 30: I want him to be my forever

.
.
.
.
.


Josh's POV

Kasisimula pa lang ng ceremony ng mapansin ko si Red, medyo malayo ako sa kanya dahil hiwalay sa lalaki ang upuan ng mga babae, pero halos katapat lang ng upuan ko ang kinaroroonan ko. Hindi siya lumilingon sa kinaroroonan ko kaya ganoon na lang ang pagkalungkot ko. Nabalitaan kong nagka amnesia siya nabanggit sa akin nina Abby na kahit sila na kaibigan ay hindi maalala ni Red. I hope you get better. Tanging sambit ko sa isip ko sa mga sandaling iyon.

"Before we give the award, let us first hear a short message from one of the student council's president. Let's give Reya Tylored Aillexa Chavez a round of applause." Tumayo siya sa kinauupuan niya at nakangiting umakyat sa stage kung saan lahat ng atensyon ay nasa kanya. Hindi niya nga siguro ako naaalala, kasi kahit isang sulyap ay hindi niya magawa.

"I just want to thank you for four years, for the trust you gave even though I can't remember everything. Sorry if I don't remember anything, but I'll try to remember everything. Especially in those moments where I spent my time studying and becoming president. Manang Fe mentioned to me that Monique became the president after losing the last poll and my last year here in Broston, but it was all right because I helped others, and if any of you were angry with me because of my attitude hope you could forgive me. And to those I hurt, I'm sorry. I did not mean anything, that's all and thank you very much." The way of her short message, there was pain and joy in my chest. I don't know why but I felt every words she uttered. 

Bumaba na siya at agad na bumalik sa upuan niya, hindi ko na siya napansin pa ng matapos ibigay ang mga award. Umulis na rin agad ako dahil kailangan ko pang maghanda after this dahil sa concert ko sa Cebu, nasa parking lot na ako ng mapansin kong wala sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Josh?" Napalingon ako sa tumawag sa akin, ang manager ko lang pala.

"Babalikan ko po ang cellphone ko." Nginitian ko siya at agad na bumalik sa function hall. Hinanap ko sa bawat upuan ang cellphone ko pero hindi ko makita, inalala ko ang mga lugar na pinuntahan ko kanina habang nakikipag usap sa mga kaklase ko.

Tumungo ako malapit sa stage dahil doon kami umupo nina Dan ng matapos ang ceremony, pero wala doon. Halos halughugin ko na ang buong hall pero hindi ko pa rin makita.

"Are you looking for this?" Isang pamilyar na boses ang nakapagpatigil sa aking paghahanap, lumingon ako sa kanya dahil sa likod ko nanggagaling ang boses na iyon. Paglingon ko hawak niya ang cellphone ko. Iniabot niya sa akin iyon, tinanggap ko naman at nginitian niya ako, teka kilala niya ba ako?

"Thank you."

"You're welcome, ahm can I borrow your time?" Tanong niya sa akin, hindi ako agad nakasagot sa mga oras na iyon.

"Why?" Imbes  na sagot, tanong ang sinabi ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot, hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng hall. Teka saan niya ba ako dadalhin? Tanong ko sa sarili ko habang hinihila niya pa rin ako. Maya maya pa ay nasa isang garden kami dito sa Broston.

"Gusto ko lang malaman kung ano bang meron sa atin?" Nagulat ako sa tanong niya.

"What I mean is, anong meron sa past kasi hindi ko maalala. And kaya ko tinatanong kasi I feel different when I look at you. Kanina sa stage, hindi ka nakatingin sa akin kaya nagawa kong titigan ka the whole time, pero ng sumulyap ka bigla akong kinabahan. Please tell me the past about you and me." Hindi ako makapaniwala, bakit ganito? So meaning I still in her heart pa rin, pero bakit?

"Ano kasi? Masyadong mahaba ang kwento kaya pwede i summarize ko na lang?" Tanong ko sa kanya, teka ang kapal naman ng mukha ko, matapos ko siyang pabayaan pagsasamantalahan ko ang kahinaan niya dahil nakalimot siya.

"Okay lang, para malinawan ako. Kasi ayaw kong may sabit." Teka anong ibig niyang sabihin?

"Red?" Napalingon kaming dalawa ni Red ng may tumawag sa kanya.

"Next time mo na lang sabihin, nandito na kasi ang boyfriend ko. Text mo na lang ako, kasi ayaw kong may nililihim kay Khem. Baka kasi isa ka sa mga pinaasa ko before e mahirap na baka mag away pa kami ni Khem at mauwi sa hiwalayan, I want him to be my forever." Nasaktan ako sa narinig ko mula kay Red, parang gusto kong bawiin kong pagpayag ko sa kanya na maghiwalay na kami. Parang gusto kong ibalik lahat lahat, kasi ganito pala ang pakiramdam kapag yung mismong mahal mo ibang iba sa dati. Ako dapat ang nasa posisyon ni Khem ngayon, ako dapat ang nagkocomfort sa kanya at nag aalaga habang hindi niya pa naaalala ang lahat. 

Nang makaalis sila ay agad kong sinuntok ang pader, napansin kong may dugo ang pader ng ialis ko ang kamao ko doon. Bakit ba ako nagagalit? E kasalanan ko naman kasi hindi ko siya ipinaglaban, sumuko agad ako at iniwan siya mag-isa.


"Josh, andiyan ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap. Teka anong nangyari sa kamay mo?"




.

.

.

.

.

.



Red's POV


Bakit ko ba ginawa iyon? Mas lalo lang akong nasaktan sa ginawa ko kay Josh kanina, ang tanga ko lang kasi bakit ko sinabi ang mga ganoong bagay sa kanya? Tama ba na ginawa ko iyon para makita kong mahal niya pa talaga ako o tinapos na niya talaga noong araw na maaksidente ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Natatandaan mo si Josh?" Tanong sa akin ni Khem, kahit kailan talaga ang mayabang na ito hindi na nagbago. Maswerte ka at ikaw at si Manang Fe ang pinalabas kong nakikilala ko. Bakit kasi siya pa? Ang kababata kong mayabang at palagi akong binubully noon. 


Haist para na akong tanga sa mga pinaggagawa ko. Josh pasensya ka na kung pinpahirapan kita, kaunting panahon pa at kapag napatunayan o malaman ko na napilitan ka lang gagawa at gagawa ako ng paraan para magkabalikan tayo.

I still love you even though you left me. And I'm sorry.






.

.

.

.

.

Guys pawakas na rin po ang book na ito kaya stay  lang po sa mga readers ko. Love ya!

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now