Chapter 23: The break up

35 1 4
                                    

Chapter 23: The break up

.
.
.
.
.
.

Josh's POV

Minabuti kong hindi makasalubong si Mama sa paglabas ko ng bahay. 11:45 na ng umaga ng makarating ako sa school. Pero imbes na makapasok sa loob ay may humarang sa akin na dalawang lalaki. Maskulado ito at nakauniporme pa, at alam kong tauhan ito ng mahal na Presidente.

"Sumama ka sa amin." Hindi na ako nagtanong pa, sa halip ay nauna pa akong sumakay sa van na nasa harap ng school. Hindi iyon papuntang palasyo at hindi rin papunta sa bahay nina Red. Hindi ko alam ang daang tinatahak namin, kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Napatingin ako sa dalawang lalaki na kasama ko dito sa loob, hindi pamilyar ang mukha nila pero ang uniporme nila ay kahawig ng uniporme ng mga bodyguard ng Presidente kaya sure akong isa sila doon. Pero nakapagtataka lang, saan kaya nila ako dadalhin? Haist ano ba ang naisip ko basta sure akong isa sila sa tauhan ng Presidente.

.
.
.
.
.

Ilang minuto ang lumipas tumigil na ang sasakyan sa isang bahay na nag iisang nakatayo sa di kalayuan.

"Saan niyo ako dadalhin?" Nilakasan ko na ang loob ko sa mga sandaling iyon.

"Sino ba kayo? Isa ba kayo sa mga tauhan ng Presidente?" Tiningnan lang ako ng lalaking nasa unahan habang ang isa naman ay lumabas ng sasakyan.

Maya maya pa ay binuksan ng isang lalaki ang pinto ng sasakyan, pinababa niya ako at itunuro ang pinto papasok ng bahay na nasa harapan ko. Nilingon ko ang sasakyan habang nakatayo naman ang lalaking nagpalabas sa akin sa sasakyang iyon. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay, tahimik at walang kaingay ingay akong pumasok. Iginala ko ang aking paningin sa buong bahay pero wala kahit anino akong napansin na may tao dito sa loob. Maya maya pa ay naglakad ako ng ilang metro mula sa pinto ng bahay. Napansin kong may isang malaking litrato na nakakabit sa wall, tiningnan ko iyon. Larawan ng isang batang babae na nakangiti, pamilyar ang mukha ng bata at sa pagkakaalam ko si Red ang tinutukoy ko. Maya maya pa ay puro litrato ang bumungad sa bawat paglakad ko. Puro larawan ng batang babae hanggang sa paglaki niya. Napangiti na lang ako ng makita ang huling litrato, tama nga ako ng hinala na si Red ang batang iyon. Ang maamo niyang mukha na naka red gown sa isang ball or isipin na nating 18 birthday niya dahil may hawak din siyang red roses at may background na Happy 18th birthday.

"Kanina ka pa?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon, si Red na nakashorts at may apron pang suot suot.

"Red?" Patanong kong sambit, tumango tango naman siya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya, ilang segundo lang ay humiwalay na agad ako sa pagkakayakap ng maalala ko ang nalaman ko kahapon.

"Oh bakit? May problema ba?" Nakakunot noong tanong niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabing nandito ka?" Tsaka nag aalala na sayo ang President. "

"Ah yun ba? Huwag mo ng isipin yun. And I want to be alone for the meantime. Kumain ka na ba? Ipinagluto kita ng lunch."

"Pinag alala mo ako ng sobra, halos magkademandahan na dahil sa pagkawala mo."

"Ano? At sino naman ang magdedemandahan?" Natigilan ako sa tanong niya. Bakit ko pa kasi naisip iyon?

"Ah wala, yung yung sa kapitbahay kasi namin. Nagwawala kahapon, kaya ayon muntik ng magkademandahan." Pagpapalusot ko.

"Ah okay, tara sa kitchen." Hinila ako ni Red patungong kusina.

"Okay ka lang ba? Kung may problema ka nandito lang ako palagi." Nginitian niya lang ako at inihain ang niluto niya. Dalawang putahe ng ulam ang inilapag niya sa mesa.

I Hate You, I Love You  Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz