Chapter 31: Lucky to have her

31 1 4
                                    

Chapter 31: Lucky to have her

.

.

.

.

.

Red's POV

After that day mas lalo akong hindi pinapatulog ng aking konsensya, gabi gabi akong hindi makatulog ng ayos dahil si Josh ang palaging laman ng isip ko. And speaking of Josh makikita ko na naman siya in person dahil may get together ang klase namin bago pumunta sa ibang bansa ang iba naming kaklase na doon mag tetraining. 

"Anak akala ko ba aalis ka?" Tanong ni Mama sa akin habang nakaupo ako sa sofa at abala sa cellphone ko.

"Mag aalmusal muna po ako." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumungo sa dining area kung saan abala si Manang Fe sa paghahain ng pagkain. Nginitian ko siya at agad na umupo.

After kong kumain ay nagpahatid na ako sa driver ni Mama, himala kasi wala silang lakad ni Papa. At mukhang kailangan ko munang mag stay dito sa rest house nina Abby.

"Hey Red, kanina ka pa?" Salubong na tanong ni Adriel.

"No, kadarating ko lang." Nakangiti kong sambit.

"Hindi makakapunta si Khem dahil may inaasikaso. Kaya ako lang mag isa ang pumunta." Pero ang totoo hindi ko siya isinama dahil ayaw kong kasama ang mayabang na 'yun. Mabuti at natitiis kong kasama siya nitong mga nakaraang  araw, wala kasi akong maisip na dahilan kasi ang totoo sila lang talaga ni Manang Fe ang kilala ko noong bata pa ako, nakilala ko lang sina Mama at Papa noong grumaduate ako ng grade 6, diba ang galing tsaka ko lang nalaman na sila pala ang magulang ko, kasi ang akala ko before anak ako ni Manang Fe at nakikitira lang kami sa bahay nina Mama at Papa. Okay na sana kung ganoon, masaya ako doon but no, the worst is they are my parents not Manang Fe.

"Kanina ka pa tahimik, sama ka sa amin baka sakaling may maalala ka." Hinawakan ako ni Adriel sa braso at lumabas sa rest house kung saan kami nakacheck in. Tanaw ko sa di kalayuan ang dalawang bodyguard na kanina pa nagbabantay sa akin. Pagkalabas namin ay sinalubong kami nina Abby.

"Pansin ko wala si Josh. Hindi ba siya kasama?" Tanong ko sa kanila.

"Uy hinahanap niya si Josh" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Chelsy. 

"Busy na si Josh, hindi  na nga nakapunta noong nakaraang linggo dahil sa magkabila niyang appointment sa mga TV shows."

"Ano ka ba Adriel? Nagtatanong lang si Red, malay mo naaalala na niya na ex niya si Josh at mahal na mahal niya, hindi ang mayabang na si Khem."

"Abby?" Napansin kong nilakihan ng mata ni Adriel si Abby dahil sa sinabi niya, kahit pabulong ay rinig na rinig ko ang sinabi ni Abby.

"Isara mo nga yang bibig mo." Bulong ni Adriel kay Chelsy at Abby. Nagkunwari na lamang akong walang narinig sa kanila.

"Oo na, isasara ko na." Nilingon ako ni Abby at nginitian, kahit kailan talaga ang tatlong ito hindi nagpapatalo sa isa't-isa mabuti at mas mature ngayon si Adriel kaysa kay Abby na pinakamatanda sa aming apat. Namiss ko sila.

.

.

.

.

Alas quatro na ng hapon ng makabalik kami, ayaw kasi agad umuwi ni Chelsy dahil minsan lang daw kami magkaroon ng time  na magkakasama. Pagkadating ay sumalubong sa amin ang iba naming kaklase, napansin ko na nagpapahinga ang dalawang bodyguard sa labas kung saan tanaw pa rin nila ako kahit nagpapahinga sila.

I Hate You, I Love You  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon