Chapter 49: Beep!!!

31 2 0
                                    

Chapter 49: Beep!!!

Serra’s POV

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sa labas ng emergency room habang nakatingin kay Red na nakahiga sa stretcher gayundin kay Josh, hindi ko alam ang dapat isipin sa mga sandaling pinagtutulungan ng mga doctor at nurses ang dalawa na naliligo na sa kanilang sariling dugo. Kani kanina lamang ay masaya kong kausap ang dalawa habang nasa mall ngunit kabaliktaran ng mga kaganapan ngayong mga oras na ito.

Magkakalahating minuto pa lamang ang lumipas matapos ang masasayang sandaling kasama ko ang dalawa na may ngiti sa kanilang labi tapos ito ang bubungad sa akin matapos kong makatanggap ng tawag kanina.

“Serra!” Hindi ko na nagawa pang lingunin ang tumawag sa pangalan ko dahil alam kong si Manang Fe iyon na tinawagan ko din kani kanina lamang.

Nang makalapit sa akin si Manang Fe ay napansin kong bumubuka ang kanyang bibig na tila may sinasabi ngunit hindi ko iyon maintindihan at wala akong marinig na boses sa mga sandaling iyon, tiningnan ko ang emergency room kung saan tila natataranta na ang mga doctor sa patuloy na pagbagal ng heartbeat ng dalawa na makikita sa dalawang monitor.

Kasalanan ko ito, ako ang may kasalanan nito, kung pumayag lang sana akong hintayin nila ako edi wala sana sila sa lugar na ito, kung nakinig lang ako sa sinabi ni Red edi sana hindi sila nakahiga sa stretcher habang inaasikaso ng mga doctor, hindi sana ako umiiyak ngayon at nakatingin lang dahil walang maitulong sa kanila, kasalanan ko kung bakit sila nasa ganitong kalagayan ngayon. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda sa kanilang dalawa.

Bulong ko sa aking isipan habang kinakagat ang ibaba ng aking labi.
Napatingin ako sa mga nurse na patuloy sa pag aassist sa mga doctor na nag aasikaso sa mga natamong sugat ng dalawa, ang iba naman ay inaayos ang iba pang dapat ilagay sa katawan ng dalawa. May malaking sugat si Red sa kanyang kanang braso, sa kanyang ulo gayundin sa bandang kanan ng kanyang tiyan medyo maliit lamang iyon dahil sa braso siya napuruhan.

Beeeeeppppppp!!!

"Cardiac arrest!"

"Cardiac arrest!"

Napaupo na lang ako sa sahig ng maging malinaw sa aking pandinig ang mga nangyayari maging ang maingay na tunog na nagmumula sa monitor ng heartbeat ni Red, nasa straight line na ang monitor kaya napalunok ako ng aking laway.

Kitang kita ng aking mga mata ang pantay na linya sa monitor na iyon, nangilabot ako na tila ba sinakluban ang aking katawan ng mainit na tubig at naramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo kasabay sa pag init ng aking mukha, ramdam ko din ang pamumuo ng likido sa aking magkabilang mata na unti unting nagpapalabo sa aking paningin.

"1, 2, 3, 4......

Pahina ng pahina ang pagbibilang ng doctor na iyon sa bawat pagbibigay niya ng pwersa mula dalawang kamay niya na nakapwesto sa gitnang bahagi ng dibdib ni Red. Napapikit ako sandali at hindi magawang tingnan ang pagrevive sa buhay ni Red.

"Again."

"1, 2, 3, 4, 5.....

Tinakluban ko ang tainga ko sa mga sandaling iyon, ngunit iminulat ko na ang aking mata upang tingnan ang kalagayan ni Red.

Hindi maari, hindi maari, hindi maaari! Huwag po muna ngayon please, please! Please lang huwag muna po ngayon! Hindi maari, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito. Kasalanan ko lahat lahat!

Mangiyak ngiyak kong sambit sa aking isipan, nagbabadya na ang namuong tubig sa aking magkabilang mata sa mga nasasaksihan ko. Nang biglang may malamig na yakap akong naramdaman mula sa aking harapan ay tuluyan na ding pumatak ang luhang nagbabadya sa paglabas mula sa magkabila kong mata sabay sa aking paghagulhol sa mga sandaling iyon. Kinagat ko ang aking labi  ng gantihan ko ang pagkakayakap na iyon sa akin ni Manang Fe, nakatingin lang ako sa loob ng emergency room kahit malabo ang aking nakikita dahil sa luhang humaharang sa aking paningin at patuloy na naiipon ngunit patuloy din bumabagsak patungo sa aking pisngi pababa sa aking leeg hanggang sa matuyo iyon ng mabilis.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now