Chapter 14: Sign of LOVE

30 1 0
                                    


Chapter 14: Sign of LOVE

.
.
.
.
.

Red's POV

"Anu bang pinagsasabi mo diyan?!" Sigaw ko sa mayabang na kausap ko kani kanina lang, na ngayon ay mas nagyabang sa pananalita.

"Pwede ba tumahimik ka na lang?" Bigla siyang lumapit sa akin at tinakluban ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, kaya nagpumiglas ako sa ginawa niya. Pero sa pagpupumiglas ko, na out of balance ako sa kinatatayuan ko gayundin siya. Napapikit ako ng maramdaman ang pagbagsak ko sa sahig, agad naman akong napamulat ng may maramdamang mabigat na nakapatong sa akin. Mas nanlaki ang mata ko sa gulat, tinulak ko siya para paalisin sa posisyon na iyon pero hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Lahat ng atensyon ng estudyante ay sa amin ni mayabang nakatuon. Napalingon ako sa kinatatayuan nina Josh na nakatingin lang. Agad naman siyang lumapit at hinila ang lalaking iyon,  ako naman ay inalalayan niya para makatayo. Hiyang hiya akong tumabi kay Josh, nakatungo akong pumunta sa tabi ni Josh na parang batang napahiya sa harap ng maraming tao. Sa totoo lang, napahiya na nga ako.

Ang yabang at ang daldal kasi ng lalaking iyon, akala mo kung sinong magaling. Sabihin ba naman na nagdate kami kanina sa may pilapil, wow! ang kapal ng mukha, ako makikipagdate sa mayabang na katulad niya. May nagmamay ari na ng puso ko kaya huwag siyang mang agaw ng eksena. Anu siya sinuswerte?

"Okay ka lang?" Bulong na tanong sa akin ni Josh, hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya. Tumango tango lang ako bilanv sagot, pero kaba pa rin at kahihiyan ang nararamdaman ko. Kaba dahil baka may kumuha ng video, then kahihiyan dahil  sa pagkakatumba ko. Ang sakit tuloy ng puwet ko, ikaw ba naman ang bumagsak sa sahig, una puwet mabuti at hindi ako nauntog.

"Wala bang masakit sa ulo mo, o kahit sa ibang parte ng katawan mo?" Umiling iling ako bilang sagot, mabuti at hindi na ako pinagsalita ni Josh. Naiintindihan naman siguro niya kung ano na ang nafefeel ko this time.

.
.
.
.
.
.

After that incident, palagi na akong nasa tabi ni Josh. Kahit na naiinis ako sa kanya, dahil sa nakita ko kanina. Katatapos lang ng dinner, at ang lahat ay nasa labas ng bawat tent nila. Nakaupo kami ngayon ni Josh sa isang bench na malapit sa isang malaking puno ng acacia. Tahimik lang kaming dalawa na parang nagpapakiramdaman sa isa't isa, wala ako sa mood magsimula ng conversation lalo pa at naiinis pa rin ako sa nakita ko.

"May sasabihin pala ako sayo." Tumingin muna ako sa langit bago siya tingnan. Nakatingin lang din siya sa akin, blanko ang sinasabi ng kanyang mga mata kaya napapaisip ako kung ano ba ang gusto niyang sabihin. Napataas ako ng kilay sa mga sandaling hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

"I.....

Ringggg
Ringggg
Ringggg
Ringggg

Napatingin ako sa dala kong sling bag, agad kong kinuha ang phone ko para sagutin ang tumatawag.

"Hello?"

"Anak, kamusta ang first destination niyo?"

"Okay lang po Manang." Sagot ko sa kabilang linya, akala niyo ba sina Mama at Papa na. No, big NO dahil si Manang lang ang tumatawag sa akin every night kapag may pinupuntan ako. Cause she care and worried, unlike to my Mom and Dad who is too busy at their work.

"Hinahanap ka ng dalawa kanina, namimiss ka na. Kaso ngayon lang kami natapos ni Gina sa labahin, kaya ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko."

"Okay lang po Manang, bukas po tatawag ako. Pwede po kayo na ang magkiss sa dalawa para sa akin?"

"Sure anak, mag iingat kayo diyan."

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now