Chapter 32: Akira Hikiro

28 1 9
                                    

Chapter 32: Akira Hikiro

Dedicated to:
Akarians
.
.
.
.
.

Red's POV

Kinabukasan, boses ni Abby ang nakapagpagising sa mahimbing kong tulog. Sila ni Adriel na nagsasagutan, bumangon ako at umupo sa kama habang nakatingin sa dalawa. Napansin ko si Chelsy na nakatingin lang din sa dalawa.

"What the hell Abby?!"

"Don't you dare to shout at me like that!" Sigaw ni Adriel kay Abby, nakatingin lang kami ni Chelsy sa dalawa. Hindi ko alam ang kanilang pinagtatalunan kaya hindi na kami nakisawsaw pa ni Chelsy.

"Red, gutom ka na ba? Tara na sa baba, mamaya pa yan magkakaayos." Hinayaan ko na sila na Red ang itawag sa akin instead na Reya. Pagkasabi ni Chelsy ay tumayo na rin ako sa kinauupuan ko, tumungo muna ako sa banyo bago lumabas ng kuwarto. After that ay agad na din kaming bumaba, pagkababa sumalubong sa amin ang kumpol ng mga tao sa may dining area. Wala kaming kakilala ni Chelsy sa mga taong iyon kaya napagdesisyunan na lamang naming lumabas muna sandali.

"Red, kanina nga pala ipinaiwan ni Josh ang box na ito." Iniabot niya sa akin ang isang box na kulay brown. Medyo may kabig atan ang box na iyon, tiningnan ko ang box may isang card na nakakabit kaya tiningnan ko iyon.

"I just wanted to say thank you last night. I just missed the girl who gave me a  wonder and precious loved. If you meet her, for sure you're gonna like her. Thank you again."     
                                                               --- Josh ---

Unti unting gumuhit sa aking labi ang ngiti na hindi ko maitatago, mabuti na lang at nasa dining na si Chelsy halatang gutom na dahil nasa buffet na siya at madami na siya ng dala dala.

"Red, di ka ba nakain?" Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng humarap si Chelsy at tinanong ako.

"Sige susunod ako." Iyon lang ang naisagot ko sa kanya, lumapit ako sa table namin at ibinaba ang box.

"Kinuhanan na kita." Aktong kukuha na sana ako ng Plato ng sabihin iyon ni Chelsy, nakatingin ako sa dala dala niya. Dalawang plato na may iba't-ibang klase ng pagkain. May dalawang bacon, 2 cut size na loaf bread, isang sunny side up egg, isang strawberry yogurt, at mashed potato. Tapos may pineapple juice at slice apple pa.

"Hindi ka naman magpapakain ng tatlong tao?" Tanong ko sa kanya, nakatingin naman siya sa akin at sumimangot.

"Kung ayaw mo, edi ako na lang ang kakain lahat. Kumuha ka ng sayo doon." May pagpout pa siya ng labi kaya natawa na lang ako sa kanya.

"Ito naman di mabiro." Nakapout pa rin siya at ako tawang tawa na sa kanya. Namiss ko ang pagiging pabebe at cute ni Chelsy, ang tagal ko din sa hospital. Ilang linggo din iyon kaya di ko sila mostly nakakasama.  Sumubo na ako at sinabayan si Chelsy sa pagkain.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now