Chapter 45: Left behind

35 1 0
                                    

Chapter 45: Left behind



Someone's POV

Bumalik na ako sa dressing room ko ng makatapos sa last taping ko ngayong araw, nakaharap ako ngayon sa vanity mirror habang nag iisip ng malalim.

"Talagang gusto mo ng mabura sa mundo ang greatest enemy mo ah." Napalingon ako sa may pinto ng banyo ng room ng marinig ang boses ng isang babae. 

Teka paano siya nakapasok dito? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kanya. Lumakad siya at umupo sa sofa, maya maya pa ay may dumating na staff at may dalang isang strawberry acai refresher with lemonade. As always strawberry acai with lemonade, hays nakakasawa ng tingnan na umiinom siya ng ganyan. Tutya ng isip ko habang nakatingin pa rin sa kanya gamit ang vanity mirror na nasa harapan ko.

"Matanong nga kita, bakit ba ang init ng dugo mo sa babaeng iyon? Ano bang ginawa niya sayo?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya sa halip ay napaisip kung ano nga ba ang ginawa sa akin ni Red few years ago. Hinawakan ko ang plastic bottle na hindi pa nauubos ang laman ng tubig, ininom ko iyon at binalikan ang mga sandaling iyon.

Flashback

Nakaupo ako sa tabi ng puno ng acacia malapit sa field ng school namin habang nakikinig ng music sa aking suot na headset ngunit bigla kong napansin ang malakas na tilian na nagmumula sa isang building kung saan iyon ang aking pinanggalingan, katatapos lang kasi ng aming huling klase kaninang umaga at may dalawang oras na lunch break. Mas pinili ko na lang na dito sa ilalim ng acacia kumain ng lunch kaysa sa loob ng cafeteria.

Isang kumpol ng mga estudyante ang nagtitilian sa hindi ko malamang dahilan, ngunit sumagi sa aking isipan na nasa Bridgette Crimson University pala ako kaya iisa lang ang hinahangaan ng karamihan. Walang iba kundi ang nag iisang anak ng Presidente ng Pilipinas na si Red Chavez, hindi ko pa siya nakikita ngunit siya ang palaging usapan ng mga estudyante. Oo dito siya napasok sa school kung saan kakatransfer ko lang bilang 1st year high school 2nd grading period. Hindi ko alam kung bakit pinalipat pa ako ng magulang ko sa ganitong klase ng school, mas panatag at tahimik ang pag aaral ko sa dati kong pinapasukan kaysa dito na palagi akong mag isa at wala pa ring kaibigan hanggang ngayon.

"Excuse me? Pwede ba akong umupo sa tabi mo?" Natigilan ako sa pag iisip ng marinig ang boses na iyon, tinanggal ko ang nakasalpak na headset sa tainga ko at tiningnan ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakatayo sa kaliwang bahagi ko ang isang babae na may hawak na lunch box, kulay red iyon habang  suot ang paborito niyang bracelet.

"Sure." Nakangiti kong tugon sa tanong niya, ilapag niya ang lunch box na dala niya at binuksan. Dalawang apple, dalawang sandwich, at dalawang snack bar ang tumambad sa aking paningin ng buksan niya ang lunch box niya.

"Ikaw nga yung new student?" Tumango tango lang ako sa tanong niya habang kumakain.

"Here, para talaga sayo yan." Nakangiti ang kanyang mga mata ng iabot sa akin ang isang apple, snack bar at ang sandwich na galing sa dala niyang lunch box.

"I'm Eya, and you are?"

"Akira Hikiro."

"Really? Half Japanese half Filipino?"

"Oo."

"Ang cute." Ngumiti lang ako sa sinabi niya, kumain na kami hanggang sa matapos ang oras na nakalaan para sa aming lunch break, nagpaalam na siya at bumalik sa building na pinaglabasan niya kanina. 1 in the afternoon na kaya kailangan ko na ding bumalik sa classroom ko. Hindi ko kaklase si Eya na kasabay ko sa lunch kanina, sa kabilang section siya nakaassign kaya hindi ako mapakali kanina habang kasabay siyang kumain.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now