Chapter 37: Uncomfortable

28 0 0
                                    

Chapter 37: Uncomfortable


.
.
.
.
.
.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Josh, oo si Josh ang nakausap ko kanina. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling kausap niya ako kanina at hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan siya, gustong gusto ko siyang yakapin kanina pero hindi ko magawa dahil natatakot ako, at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot na iyon.

Nakauwi na ako at kinakain ang inorder ko kanina sa fast food na pinuntahan ko kanina, napatingin na lang ako sa paper na nasa sofa katapat ng kama ng kuwarto ko, hindi ko pa naibibigay sa kambal ang binili ko para sa kanila at siguro bukas na lamang para hindi mapansin ni Manang. Nagkulong lang ako sa kuwarto hanggang gumabi, hindi na ako bumaba ng kuwarto dahil kumain na din naman na ako, naglaro na lang ako sa cellphone ko habang nakabukas ang laptop ko kung saan nakabukas ang accounts ko, kachat ko sina Adriel habang naglalaro kakauwi lang niya galing sa school habang si Abby naman tulog na dahil magdamag na gising kakareview para sa exam nila bukas. Nakakamiss din ang mga kaibigan ko, si Chelsea naman kasama ang kapatid niya at hindi ko maabala dahil nakaday off daw ang kasambahay nila kaya siya ang nag aasikaso sa kapatid niya.

Habang abala ako sa ginagawa ko biglang tumunog naman ng cellphone ng ilapag ko iyon sa kama ko, hindi ko muna tiningnan kung sino ang nakaalala sa akin at nagtext kung kailan kumagat na ang gabi. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush, habang nakaharap ako sa salamin ay patuloy pa ring bumabagabag sa isipan ko ang mga sinabi ni Josh, ilang minuto ang lumipas ng makatapos ako sa ginagawa ko, umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nagtext, biglang gumuhit sa mga labi ko ang ngiti ng mabasa kung sino ang nagtext.

"Diba nangako ako sayo na sabay nating haharapin ang lahat, ayaw kong baliin ang pangakong iyon kaya handa ako sa maaaring mangyari. At sana hindi pa ako nabubura sa puso mo, at papatunayan ko sa Papa mo na karapat dapat ako para sayo." Hindi ko siya nireplayan sa halip ay isinave ang message niya sa akin, hindi ako nagkamali na mahalin ang taong ito. Kahit hate na hate ko ang mga nangyayari at kahit nagkahiwalay kami matapos ang lahat ng nangyari ay patuloy na ibinabalik ng tadhana ang lahat ng nasira, hindi ako nagkamali na mahalin ang isang tulad niya kahit nasaktan ko ng sobra sobra. Ang swerte ko dahil nakilala ko ang katulad niya, at hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. 

Maya maya pa isa na namang message ang natanggap ko, pero sa ngayong pagkakaton hindi na ito galing kay Josh.

"Hey gorgeous, may free time ako bukas pwede mo ba akong samahan?" Galing iyon kay Aki, pinindot ko ang reply button at napaisip ako kung ano ang pwede kong ireply sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nag-iisip ng sasabihin sa kanya.

"I'm sorry may lakad ako bukas, maybe next time." Iyon ang tinaype ko sa screen ng phone ko, then I click send button after a few seconds nagsent na din iyon. After that I shutdown my laptop and put it on the right side of my bed where a mini table place. Humiga na din ako nang mailapag ko ang laptop, hindi ko muna pinatay ang natitirang ilaw na nakabukas sa buong kuwarto dahil ginagamit ko pa ang cellphone ko.

.

.

.

.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil for sure gigisingin din ako ni Manang. Naligo na din ako at agad na bumaba pagkatapos, naabutan ko si Ate Gina na nagluluto habang si Manang naman ay nasa dining table. Kakababa pa lamang ng kambal habang kasabay ng bagong kasambahay. Hindi ko kasi siya kilala at noong nakaraang araw ko lang nakita dito sa bahay, mukhang nag aaral pa dahil bata pa ang hitsura.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now