Chapter 10: 100%

39 3 0
                                    

Chapter 10: 100%



.
.
.
.
.
.



Josh's POV

One of my unforgettable moment ang gabing iyon, moment na mas lalong nakapagbigay ngiti ng aking labi. Habang naghuhugas ng plato ay magalak akong kumakanta na parang walang ibang tao sa bahay.

"Kuya anong meron?" Napatigil ako sa pagkanta at napalingon kay Jozza na bitbit ang dalawang libro.

"Teka saan ka pupunta?"

"May group study po kami, tsaka nagpaalam na ako kay mama."

"Sige susunduin na lang kapag tapos na kayo."

"Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Huh?"

"Bakit ang saya saya mo?"

"Ah wala, maganda lang ang gising ko."

"Talaga? O dahil may magandang nangyari kagabi?"

"Umalis ka na nga, kanina ka pa hinhintay nina Ajey."

"Hahaha, sige kuya alis na ako. Halatang inlove na inlove." Agad kong binitawan ang hawak kong sponge at hinabol si Jozza palabas ng bahay, dahil mabilis siyang tumakbo hindi ko na siya nagawang maabutan pa.

"Sige kuya 9:30 mo ako sunduin!" Sigaw ni Jozza habang nakasakay sa motorsiklo.
Napakamot na lang ako sa ulo habang tinatanaw ang lumalayong sasakyan.
Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa loob ng bahay.

.
.
.
.
.
.
.

Third Person

"Khem kasama naman ako sa field trip na iyon, kaya pwede ba sumama ka na lang."

"Khem hindi sa ina under ka ni Monique, gusto niya lang na makatapos ka na."

"Pwede ba Kister! Hindi ko kailangan makinig sa katulad mo!"

"Ikaw ang bahala, katulad mo rin ako dati Khem. Pero dahil kay Audry nakatapos ako."

"Hayaan mo muna siya Kister." Nakasimangot na sambit ni Monique sa kapatid ni Khem na halos magkakambal dahil isang taon lang ang gap ng age nila, minsan na pagkakamalan ni Monique si Khem na si Kister, pero dahil sa ugali ni Khem mabilis natutukoy ni Monique kung sino sa dalawa si Khem.

"Maiwan ko na kayong dalawa, nagtext na sa akin si Audry." Agad ding umalis si Kister after that moment. Malalim na nag iisip si Monique habang nakatingin sa kawalan. Isang malamig na atmosphere ang pumalibot sa dalawa habang walang reaksyon sa isa't- isa.


"Sorry babe." Isang malamig na back hug ang natanggap ni Monique mula kay Khem. Pero walang reaksyon si Monique sa ginawa ni Khem.

"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng mommy mo." Bumitaw si Khem ng naglakad ng kaunti si Monique at lumipat ng tayo, nakatingin pa rin siya sa kawalan habang nakatungo si Khem dahil sa hiya.

"Susunduin kita bukas. Bye babe." Sabay halik sa pisngi ni Monique bago umalis ng condominium. Tanging habol tingin lang ang ginawa ni Monique sa papalabas na si Khem. Napabuntong hininga siya ng mapansing hindi lumingon si Khem sa kanya.

.......

Kinabukasan


Maagang nagising si Monique dahil sa sunod sunod na door bell, nagsuot siya ng jacket bago pagbuksan ang kung sino man ang tao sa labas ng condominium niya.

"Good morning." Isang malaking ngiti ang sumalubong sa kanya ng nasa harap niya.

"I buy some breakfast, sabay na tayong kumain." Agad na pumasok ang taong iyon dala dala ang pagkain na tinutukoy niya.

"Why are you doing this?"

"Kumain na lang tayo." Sagot ni Khem sa girlfriend niya.

"Set beside me." Hinawakan ni Khem ang kamay ni Monique na nakacross arm at seryosong nakatingin sa kaharap niya.

"Don't stare me like that Monique, or else I'm not going to join you for the incoming field trip." Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng mukha ni Monique. Pero sinuyo pa rin siya ni Khem na kumain na dahil may malelate na sila sa first class.


.
.
.
.
.
.
.


Red's POV

Isang eksena ang pumukaw ng atensyon ko dahil sa kumpol ng estudyante sa labas ng gym, marami ang kinikilig ng papalapit ako ng papalapit. Mga akala mo nanonood ng korean drama na mapapatalon ka sa sobrang kilig, lalapit na sana ako kaso naalala ko may hinahanap pala akong tao kanina pa, at hindi ko siya makita kita. Kaya lumihis ako ng daan.

"When the rain is blowing in your face." Napalingon ako sa kumpol ng estudyante ng magtilian sila at ng marinig ang boses na nanggagaling sa tabi ng gym, kaya napilitan akong lumapit upang tingnan kung sino ang kumakanta.

Habang papalapit ay naririnig ko pa rin ang tilian ng mga estudyante. Humahawi ang daang dinadaanan ko sa mga sandaling iyon.

"I could hold you for a million years
To make you feel my love." Nagulat ako ng makita si Josh sa taas ng stage habang hawak ang microphone at kumakanta kanina pa. Ang ganda pala ng boses niya, ngayon ko lang nalaman.

"I love you so much Miss Chavez." Namula ang pisngi ko ng bigla niyang sabihin iyon matapos niyang kumanta at  sa harap pa mismo ng maraming estudyante ng Broston, napansin ko sina Abby with thier boyfriends na nasa stage kasama ni Josh. Nakangiti sila habang papalapit sa akin si Josh at inialay ang kamay para paakyatin ako sa stage.


"I need to do this one." Bulong niya sa akin, Isang napaklaking ngiti ang pinakita sa lahat matapos akong makaakyat sa stage. Hindi ko alam kung anu ang binabalak ni Josh sa mga sandaling iyon, tanging line ni Papa at Mama ang sumasagi sa isipan ko. I hate them so much lalo na ng sinabi nilang layuan ko si Josh for a nonsense reason.

"Official na ba kayo?" Sigaw ng isang babae na nasa harap ng stage.

Tumango tango ako bilang sagot, may nagtilian at mayroon ding nagboo dahil sa mga seloso at selosa masyado.

"From now on, me and Josh is officially in a relationship. I love him, and he love me too." Napansin ko si Monique na naglalakad habang nakatingin sa direksyon namin, may kasama siyang nakasout ng white cap pero hindi nakatingin sa direksyon namin, I saw a big smile in Monique's lips na parang may ibig sabihin.


"100% official?" Sabay sabay na tanong ng mga estudyante.

"Yes 100%." Agad kong sagot habang si Josh ay tahimik na nakatayo sa tabi ko. I hold his left hand without hesitation at sa harap pa mismo ng mga ka schoolmate ko.

.......
.......



After that moment ay dumiretso na kami sa klase, bakas pa rin ang kilig at ngiti ng bawat estudyante na nasa classroom dahil sa nangyari kanina, mayroo din namang naiinis at naiiyamot. Pero ako, lipad ang utak ko sa paulit ulit na sinabi sa akin nina Mama at Papa, na tila nakatatak na sa utak ko.

After class ay dumiretsong uwi na lang ako, hindi na ako nagpahatid kay Josh dahil may bonding sila ng kapatid niya, about pala sa ngiti ni Monique kanina. She congratulate me about me and Josh, she said she is happy for me. So hindi na ako nagtanong pa dahil parang ang misteryoso kasi ng ngiti niya.





I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now