Chapter I

3K 69 5
                                    

Thank you for the cover ate MizzyFantasia!😊 dahil diyan, sayo dedicated sayo ang first chapter! Loveyou te!😘

*****
Agatha Tamara Gail Vertido

Pinakiramdaman 'kong mabuti ang ihip ng hangin habang nakapikit ako at yakap-yakap ang sarili ko. Alam 'kong para na akong tanga dito pero wala akong pakialam dahil sobra ko talagang namiss ang hangin sa Pinas. Buti na lang at hindi pa masyadong polluted,kaya nakakagaan pa siya sa pakiramdam.

"Ganyan ba ang naidudulot ng pagtira mo sa Canada?" bulong ng kuya ko ng matapat siya sa pwesto ko.

"Namiss ko kasi ng sobra ang Pilipinas."sagot ko at tsaka ngumiti ng husto bago sumunod sa kanya.

"Yan kasi, ang tagal-tagal mong magmove---"di na natuloy ni kuya ang sasabihin niya dahil binatukan na siya ni ate Mia na ikinatawa ko naman. Para kasi silang teenager kung umakto samantalang may dalawang anak na nga sila.

"Arayyyy!! Sakit nun ha?!"reklamo ni kuya habang kinakamot ang ulo niya, kaya napailing na lang ako habang tumatawa dahil sa kacute'an ng mag-asawang ito.

Oo, mag-asawa na nga sila. Dahil noong umalis ako dito sa Pinas ay 2 years after bago nagpropose si kuya tapos with in that year din silang kinasal. Ginanap nila ang kasal sa Canada dahil nandoon na nakatira ang buong angkan ni ate Mia, tapos doon din nakatira ang ibang pamilya namin kaya napagdesesyonan nilang dalawa na doon na lang din magpakasal.

Oh? Sosyal ng kasal ng kuya ko no? Pero syempre mas bongga pa rin ang akin kapag ako na ang kinasal. Tsaka isa pa, papaunahin ko muna na ikasal si Hasky bago ako magpakasal. At yang kasal-kasal din na yan ang isang dahilan kung bakit umuwi ako dito sa Pilipinas.

Kasi naman! Ang dami pang arte ng kapatid 'kong yun. Ayaw ipakilala sakin kung sino yung papakasalan niya. Nagtanong-tanong din ako sa pamilya at mga kaibigan namin pero no comment silang lahat. Inistalk ko din siya sa social media pero wala din akong napala dahil wala man lang kapicture-picture na may kasama siyang babae. Puro picture namin at mga kaibigan niya ang mga nandon lang.

"Kamusta na pala kayo ni Brix?"napalingon ako kay kuya na nagdradrive nang itanong niya iyon.

"Okay lang naman kuya. Strong pa rin ang relasyon namin lalo na't meron na si Jacob saming buhay na mas nagpapatibay samin."

Magmula kasi ng dumating si Jacob 3 years ago ay mas lumalim pa lalo ang samahan namin ni Brix to the point na nagpropose na siya sakin. At si Jacob din ang dahilan kung bakit lagi akong masaya ngayon. Bukod sa cute ang batang yun ay sobrang napakacaring niya at mapagmahal. Kaya sorry sa mga magulang niya na nag-abandona sa kanya.

"Ilang taon na ba si Jacob? At tsaka saan mo ba siya nakita? Kasi sobra akong naguguluhan sa kwento ng Jazzly eh."

"Hoy!! Anong naguguluhan?! Ang ganda-ganda nga ng pagkakakwento ko eh!"reklamo ni kuya na ikitawa ko. Kahit kailan talaga napaka-isip bata pa rin ni kuya.

"Magulo ka magkwento! Wag kang epal!!"

"Ang sabihin mo di ka nakikinig! Tsk!"

"Tama na yan ba ka kung saan pa mapunta yan."awat ko sa kanilang dalawa. "Hmm. Bali 5 years old na si Jacob, kasi 23 ako noong napadpad siya sa bahay ko ate tapos siya naman ay 2 years old."wika ko kay ate Mia.

"Ahh.. wala bang naghahanap na magulang sa batang yun? Sinabi niyo na din ba sa mga police? Paano siya napadpad dun?"sunod-sunod niyang tanong kaya napangiti na lang ako tsaka nagbigay ng isang buntong hininga.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant