Chapter XXV

1.6K 40 1
                                    

Hindi ko alam kung papasok ba ako ngayon sa opisina o hindi. Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon ay parang wala na akong balak na bumalik pa doon. Kung di lang talaga sa kapatid ko di ko gagawin 'to. Pero naiinis pa rin talaga ako kay Hasky. Pagkatapos kong gawin ang pabor niya ay pinagtatawanan niya pa ako. Pasalamat siya at sa cellphone ko lang siya nakausap. Mukhang pinaghandaan niya kasi 'to, eh. Hindi siya umuwi sa bahay o kahit sa bahay man lang nila kuya ay wala siya. Tsk!

"You can declane your brother's favor if you don't like to do it."nag-aalalang wika ni Brix.

Nakwento ko na din kasi sa kanya 'to kahapon at ang lagi niyang sinasabi ay nasa akin daw ang desesyon. Kung gusto ko daw tanggapin ang pabor ng kapatid ko, okay lang naman daw. Kapag naman daw ayaw ko ay okay lang din naman daw. Haayy! Di ko alam kung ano ng gagawin ko.

Oo, gusto kong tulungan ang kapatid ko pero masasaktan ko naman si Brix kapag gagawin ko yun. Alam ko naman kasing tutol siya sa mangyayari kahit hindi niya sabihin ay halata naman sa kanya. Pero yung kompanya kasi ng kapatid ko ay pabagsak na. Tsaka hiniling din niya na kahit ito na lang daw ang wedding gift ko sa kanya. Hsst! Ang hirap namang mamili.

"Babe, alam mo naman na kahit anong desisyon mo ay nasa likod mo lang ako para suportahan ka."wika ni Brix sakin kaya napangiti na lang ako ng tipid sa kanya.

Gusto ko sanang maniwala sa sasabihin niya pero malungkot naman siya.

"Mommy, hindi mo ba sasagutin ang phone mo?"tanong ni Jacob sakin habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.

Tinignan ko naman iyon at unknown number naman. Sino naman kaya ito.

Pinindot ko ang answer at tsaka tinapat sa tenga ko ang cellphone.

["Good morning, Ms.Vertido. Ahm, anong oras daw po kayo papasok?"]agad ko ring nakilala ang taong tumawag dahil sa boses niya.

"Ahm, Lera, pwede bang umabsent muna ngayon?"wika ko sa kanya at tumingin ako kay Brix na nakatingin din sakin.

["Ms.Vertido, pinapapasok po kasi kayo ni Director Hance. Kailangan niya na daw po ng update para sa mga kompanyang tatanggalin niyo."]napasinghap na lang ako dahil sa sinabi niya.

Talaga bang agad-agad ang pagtanggal. Tsk! Bwisit na director 'to.

"Agad ba? Hindi ba pwedeng bukas na lang o kaya sa makalawa?"

["Sorry po, Ms.Vertido. Pero gusto na din po kasing makita ng mga Board Members ang list."]

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit dahil sa mga letcheng to. Talagang agad-agad? Nagmamadali? Atat ba silang makita. Tsk! Sila na lang kaya ang magtanggal tutal mga business minded din naman sila.

Pinatay ko na ang tawag at muli ay napabuntong hininga ulit ako.

"See? Members need a leader like you. It's okay for me if you wanted to work at his company. Alam ko naman kasi na akin ka lang at may tiwala ako sayo."mas maayos na ngayon ang pagkakadeliver ni Brix ng mensahe dahil alam 'kong bukal na sa puso niya ito.

Napangiti na lang ako sa kanya dahil sa pagsuporta niya.

"Thank you."wika ko sa kanya tsaka ko sila niyakap na mag-ama.

"Mommy, basta promise mo dapat lagi-lagi akong may pasalubong."singit ni Jacob kaya natawa na lang kaming dalawa ni Brix.

"Kaw talaga puro ka pagkain. Mamaya maging baboy ka na niyan."pang-aasar ni Brix sa kanya.

"Mommy, oh. Si daddy inaasar ako."sumbong naman ng bata sakin.

"Daddy, wag mo ngang asarin ang baby pig natin."natatawang suway ko kay Brix at napapout naman si Jacob.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now