Chapter XII

1.7K 53 1
                                    

ATG POV

Nasa tabi kami ng pampang ngayon at may bonfire sa gitna. Nakaupo kami at nakapabilog ang ayos namin.

Ewan ko lang 'kong anong trip nila Troy at Lyka dahil pinapunta nila kaming lahat ngayon dito.

After kasi ng laro namin kanina ay di na ako lumabas pa hanggang sa magdinner at ngayon lang ulit ako lalabas dahil pinalas nila kaming lahat. Maglalaro daw sabi nila, pero anong laro naman kaya ang lalaruin namin?

May mga drinks at chitchirya rin dito na kanina pa nila inuupakan.

"Spin the bottle tayo!"sigaw ni Troy na ikinasaya naman ng mga kasamahan namin. "Pero syempre lalagyan natin ng thrill. Kapag itong bunganga ng boteng ito ang naituro sa inyo."sabay turo sa top ng bottle "Kayo ang huhula ng truth sa two lies one truth na sasabihin ng taong maituturo ng kabilang side ng bote."sabay turo sa may pwetan ng bote.

"Anong mangyayari kapag nahulaan niya yung truth?"tanong ni Jaypoy na nakataas pa ang kanang kamay.

"Kapag nahulaan niya yung truth doon, yung opposite side ang gagawa ng consequence na sasabi ng humula."sagot naman ni Troy at napa'ahh' naman sila.

"Paano kapag ayaw gawin 'yung consequence?"tanong naman ni Joyce.

"Magtatanggal siya ng isa sa mga suot niya. Example, kapag hindi ko nagawa ang consequence ay tatanggalin ko ang suot 'kong t-shirt, tapos kapag di ko ulit ginawa ang susunod, short naman ang tatanggalin ko. Basta depende yun sa gusto mong tanggalin at dapat pagtinanggal mo ihahagis mo sa apoy na yan"sabay turo niya sa bonfire

"Gagawa na lang ako ng consequence kaysa susunugin ang damit ko."segunda naman ni James at napatango naman ang iba.

So, sa larong 'to bali kayong dalawa ang taya. Kailangan mo lang galingan sa pagsasabi ng two lies one truth para hindi ka gumawa ng consequence. Masaya 'tong larong 'to pero ang ihagis ang mga gamit sa apoy, naku lang ha? Kawawa ang mga mahal ang damit na sinuot ngayon.

"Tara na simulan na natin!"sigaw naman ni Lyka at inispin na ni Troy ang bottle.

Unang tumapat ang bote kay Jerome at Sam. Si Sam ang huhula at si Jerome ang magsasabi ng Two Lies One Truth.

"Binabatukan ako ng coach ko sa basketball kapag hindi ako nakakapagshot sa ring."natawa kami sa unang sinabi ni Jerome. Halatang lies yung sinabi niya dahil bestfriend naman sila ng coach niya. "Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakain ng saging."napa'weeeeeh?' Na lang kami sa sinabi niya. "Noong 7 years old ako ay nilagyan ko ng buble gum ang buhok ng kalaro ko."wika nito at si Sam naman ay taimtim na nag-iisip ng isasagot niya.

"I guess, yung pangatlo ang truth."sagot nito at maging ako ay yun din ang sa tingin 'kong truth.

Pero umiling si Jerome "Yung pangalawa ang truth."sagot nito na nagpa'ha?' samin. "Hindi ako kumakain ng saging dahil takot akong maging unggoy."sagot nito samin na tinawanan na lang namin. Pero 'tong si Hasky ay binatukan siya.

"Gago ka talaga! Kakain lang ng saging magiging unggoy na agad?"wika nito na tinawanan ulit namin.

"Yun kasi 'yung paborito ng unggoy kaya hindi ako kumakain ng ganun. Ba'ka bago kami ikasal ng baby ko eh unggoy na ako."sagot naman ni Jerome tapos nakipagloving-loving siya kay Chloe na tinawan ng iba at inilingan naman ng iba. "Yung consequence mo ay halika mo si Clyde sa loob ng 60 seconds."

Napa'ayieee!' naman ang mga kasama namin ng gawin ni Sam ang utos sa kanya.

Nang matapos ay tumayo si Sam para paikotin ang bote. Naituro kay James ang bunganga ng bote at si Rose naman ang magsasabi ng Two Lies One Truth.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now