Chapter XVIII

1.5K 42 2
                                    

ATG POV

Nasa bahay kami ngayon ni Brix at kasama namin ang mga dati naming kaklase. May unting handaan kasi at lahat ng yun ay pasimuno ni Jerome.

Bali limang kaklase na lang namin ang wala pa. Si Chloe, Hasky, Clyde, Sam, at Ash. Sana wag ng dumating si Ash. Nabwibwisit ako sa pagmumukha niya, eh. Tsk!

Napatingin kaming lahat sa pinto ng may pumasok.

"Helllloooooo!!"malakas na bati ni Chloe habang nakangiti ng pagkalawak-lawak.

Binati din namin siya pabalik at si Jerome ay pumunta sa pwesto niya upang halikan siya.

"Hi, baby. Akala ko hindi ka na makakarating."sabay yakap at halik niya kay Chloe. Kaya napa-ayeee naman kami sa kanila.

"Ang sweet-sweet nemen.."wika ni Cynthia habang kinikilig sa dalawa. Pati kami ay nakangiti rin sa kanila.

Naghiwalay na sila ng yakap at lumapit sa mesa.

"Yan na ba si Jacob?"nanggigil na wika ni Chloe at kulang na lang ay kurutin na ang bata.

Napayakap sa braso ko si Jacob habang may takot na takot na reaction.

"Mommy, she's creppy!"wika ni Jacob at natawa kami sa kanya pero si Chloe ay parang nalugi ang mukha.

"Hahaha! Creppy ka daw, Chloe!"wika sa kanya ni James habang natatawa.

"Ang ganda-ganda ko naman para katakutan."nakasimangot na sagot ni Chloe. Kaya mas lalo kaming natawa.

"Baby, she's tita Chloe. Hindi siya nangangain ng tao."wika ko kay Jacob at unti-unti naman siyanv humihiwalay sa pagkakayakap sa braso ko.

"Say hi, baby."wika naman sa kanya ni Brix.

"Hi, tita Chloe. Sorry po kung natakot ako sa inyo."saad ni Jacob kay Chloe na agad namang nagpangiti sa kanya.

"Ang galing mong magtagalog, ah. Tiniruan ka bang magtagalog ng mommy at daddy mo?"ngiting tanong ni Chloe sa kanya na inilingan naman ni Jacob.

"Daddy hired a Pilipino tutor to teach me how speak tagalog fluently."sagot ni Jacob sa kanya at napatango na lang si Chloe.

"Mommy, anong sabi ng bata? Di ko naintindihan ang bilis, eh."tanong ni JR, anak ni Erica at James.

Natawa kami sa kanya dahil may pakamot effect pa siya.

"Ang pogi daw niya."natatawang sagot ni James sa kanya.

"Ano?!! Ako ang pinakapogi dito!"at nameywang pa si JR habang nanlilisik ang mata. Kaya mas lalo kaming natawa.

Mga bata talaga.

"Kanino ka nagmana?"tanong ni Brix kay JR.

"Syempre sa daddy ko!"maangas nitong wika at nagtaas baba naman ng kilay James.

"Yuck!"wika ni Cynthia sabay ubo. "Ang laswa, James!"natawa kami kay Cynthia dahil sa sinabi niya maging ang anak nila ni Patrick na si AC ay natawa rin.

"Grabi! Ang sama niyo! Ang pogi ko kaya."sagot naman ni James at nagpose pa siya.

"Ako ang pinakapogi dito, daddy!"wika sa kanya ni JR kaya agad na umayos si James.

"Oo na! Ikaw na ang pogi!"wika sa kanya ng tatay niya at nakasimangot na umupo.

"But Jacob is more handsome than you, JR."natatawang saad ni AC na nakapagsimangot kay JR.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now