Chapter VI

1.6K 47 0
                                    

ATG POV

"Agatha!!"napairap ako ng wala sa oras dahil sa boses ni Hasky.

Masyadong excited.

"Wait langggggg!!!!"sigaw ko pabalik sa kanya.

Zinipper ko na ang bag ko tsaka sinuot ang sombrero bago lumabas ng kwarto.

So, ang ganap ngayong araw ay byabyahe kami papunta sa probinsya nila Nicole para magbakasyon. Four days and three nights kami doon dahil yun ang napagkasunduan ng iba pa daw naming kasama sabi  ni Hasky.

Kaya pala nandito sa bahay noong nakaraang-nakaraang gabi ang mga classmates namin ay dahil pinagplaplanuhan nila ito. At dahil  mabait ang kapatid ko ay kaninang madaling araw lang niya sinabi sakin na may reunion/bakasyon/despideda na magaganap ngayon araw.

Ayoko sanang sumama dahil ayoko 'yung minamadali ako at antok na antok pa ako, pero dahil dakilang makulit ang kapatid ko kaya ayon, binuhusan ako ng malamig na tubig kanina. Kaya na gising ang diwa ko. Tsk! Ang lamig eh -_-

Bumaba na ako at nandoon sa dulo ng hagdan naghihintay si Hasky na may masamang tingin sakin. Tsk! Kasalanan ko ba kung bakit makupad ako kumilos? Kung sinabi niya sana kagabi na magbabakasyon kami ngayon edi sana nakaimpake na ako, pero wala eh. Malabo talaga pag-iisip nito kaya kanina lang ako nakapagimpake.

"Tara na. Ang tagal mo, ikaw na lang hinihintay."tapos nagpauna na siyang lumakad at hindi man lang niya ako tinulungan sa dala 'kong bag. Tsk! Ang mabait mo talaga kapatid ko.

Lumakad na ako palabas ng bahay at mukhang inip na inip na ang mga classmate namin sa paghihintay. Nilock ko muna ang pinto and I heard someone speak.

"Ang tagal mo, Bro."

"Sisihin niyo si Agatha. Ang kupad kumilos at ang hirap niyang gisingin."rinig 'kong sagot naman ni Hasky sa kanya.

Wow lang ha? Ako talaga may kasalanan? -_-

"Huh? Meron na siya?"rinig 'kong tanong naman ng isa pang boses.

After I lock the door ay naglakad na ako palabas ng gate at mga namamanghang mukha ang bumungad sakin. Parang first time nilang makakita ng dyosa at kulang na lang ay pasukan ng mga langaw ang bunganga nila.

"Mga bunganga niyo ang baho."wika ni Clyde at agad naman na nagsibalikan sa pagkakasara ang mga bibig nila kaya natawa na lang ako  ng bahagya.

"Oy, kilan ka pa umuwi?"agad na tanong sakin ni Cynthia.

"Last week lang."sagot ko

Lumapit sakin si Joyce at mariin niya akong tinitignan. Ang wierd lang kasi ikutan niya pa ako para tignan ang kabuoan ko.

"Ang ganda mo. Mas maganda ka sa personal kaysa sa napapanuod ko sa youtube at twitter na videos mo."wika niya kaya nangiti na lang ako ng may pagkawierdo.

"Alam mo bang fan na fan kami ng loveteam niyo ni Brix? Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Lalo na yung mga kakulitan niyong dalawa nakakakilig"singit naman ni Leah at naglabas pa siya ng cellphone tapos may pinagpipindot bago itaas iyon. "Say cheese"ayon... Magpipicture pala ng hindi ako nainform. Pero okay lang, masaya naman ako na may napasaya pala kami sa mga videos na naupload namin. 😁

"Tama na nga yan. Tara na."singit ni Ash

"Bitter?"tanong naman ni Jerome at nagsitawanan ang mga kaklase naming lalaki.

"Bakit namang magiging bitter si Ash?"kasama din pala si Mitch? Akala ko ba mga kaklase lang namin? Bakit siya nandito? Tapos kung makakapit siya sa braso ni Ash ay parang mawawala ang boyfriend niya.

"Ay oo nga no? Bakit naman magiging BITTER si Ash kung may girlfriend na siya?"singit naman ni Chloe at nakita ko ang pag-irap sa kanya ni Mitch.

"Tama na nga yan. Tara na."singit ni Hasky at nagsitanguhan naman ang iba.

Bali tatlong Van ang nandito sa harap naman at medyo kukonti lang naman kami. Mukhang hindi ata lahat ng classmate namin ay kasama.

"Agatha, dito ka na lang samin sumabay."yaya sakin ni Chloe at hinila niya ang kamay ko pero pinigilan naman ako ni Hasky at hinila ako papunta sa kanya.

"Dito na sasabay si Agatha."hihilain na sana niya ako papunta sa unang van ng hilain naman ako ni Joyce.

"Samin na sasama si Agatha."at hinila niya ako papunta sa pangatlong van.

Hindi pa man kami masyadong nakakalayo sa pwesto ko ng may biglang humila na naman sa kamay ko at halos mapaaray ako sa pagpwersa niya. Bwisit!

Hinarap ko siya at napairap na lang ako ng makitang si Ash pala ang humila.

"May balak ka bang pilayan ako?!"bulyaw ko sa kanya at winaksik ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Samin ka sasabay."bossy niyang wika.

"Ayoko!"giit ko at pumasok ako sa pangalawang van kung saan ang sasakyan nila Chloe.

"Bleeeh!"rinig ko pangwika ni Chloe bago sumunod sakin sa pagpasok. "Ang epic ng mukha ni Ash."natatawa nitong wika sakin.

"Nakakinis yun. Hayaan na lang natin."sagot ko sa kanya at umayos na ako ng upo.

Bali nasa panghuli kaming upuan at may upuan pa sa harap namin bago ang driver seat. Tapos bawat line ng upuan ay may apat na taong makakaupo kaya bali sampu kami dito. Tatlong van ang gamit namin kaya lahat-lahat ay 30 na tao ang pupunta.

"Alam mo, Agatha. Feeling ko may feelings pa sayo si Ash."singit naman ni Jerome na tinanguhan naman ni Chloe.

"Oo nga girl. Pero sayang dahil may Brix ka na ngayon."sabay pout ni Chloe.

"Paano Agatha, kung babawiin ka ni Ash kay Brix?"singit naman Troy na nasa harapan namin.

"Di yan. Pareho na kaming engaged kaya malabo na yang mga pinag-iisip niyo at isa pa ay hindi ko talaga maalala kung ano ang naging parte niya sa buhay ko."may amnesia ako diba? Kaya dapat panindigan ko ang amnesiahan na ito para wala ng maging issue sa pagitan naming dalawa.

"Alam na namin ang totoo, Agatha."wika naman ni Jaypoy na nakapagpatigil sakin.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Tumingin ako kay Chloe at maging siya ay napatango rin.

"Paano?"takang tanong ko sa kanila at nag-umpisang magkwento si Jaypoy.

"Noong nakaraang gabi ay nasa inyo kami. Nagyaya kasi si Ash na mag-inom at nagpresenta naman si Hasky na doon na lang daw kami sa inyo. Lasing na silang lahat noon at tanging kami na lang ni Ash ang hindi pa pero may tama na rin, nang bigla siyang magtanong kay Hasky kung may amnesia ka ba talaga tapos yun napaamin si Hasky ng wala sa oras."what the fuck?!! Ang gago talaga ng kapatid 'kong yun. Bakit--? Grr!! Nakakainis siya!!

"Ang daya mo talaga, Agatha. Bakit ka naglihim?"reklamo ni Chloe kaya napapeace sign na lang ako.

Malalagot 'yung Hasky na yun sakin mamaya. Bwisit yun! Sabi na ngang wag magsasalita pero nilasing lang ang amputik nagkwento na. Tsk!


ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now