Chapter XXVIII

1.4K 40 6
                                    

Seryoso ba sila sa mga pinagsasabi nila? Talagang ipapasama sakin 'tong lalaking 'to? Tsk! Napairap na lang ako ng tunabi sakin si Ash. Diba body guard lang siya? Dapat nasa likod siya hindi sa tabi ko. Tsk!

Imbis na sa kaliwa kami pumunta dahil nandoon ang exit ay hinila ako ni Ash sa kanan. Ano na naman bang ginagawa ng lalaking 'to? Tsk!

"Ash, sa kaliwa ang exit."paalala ko. Ba'ka kasi nakalimutan niya. Tsk!

"I know."deretso lang niyang sagot tapos ay huminto kami sa isang pintuan.

Ano naman kayang gagawin niya dito at sinama-sama pa ako? Damn! Tumingin ako sa pinto at may nakasulat doon na 'Dressing Room'. Tha fuck?! Talagang sinama niya pa ako sa pagbibihis niya. Tsk!

"Magbibihis ka lang pala tapos sinama-sama mo pa ako. Tsk! Alam mo bang may naghihintay sakin sa baba at nagmamadali ako."inis 'kong bulyaw sa kanya pero imbis na sagutin niya ako ay binuksan niya lang ang pinto tsaka ako hinila papasok sa loob.

Yung totoo? Magbibihis-bihis siya tapos pati ako idadamay niya? Tsk! Ano na naman bang binabalak ng lalaking 'to----wait? Balak? Huwaaaaaattt?!!! Nooooo!! Jusko! Tama na ang isang beses na nakorner ako. Wag na niyang uulit ngayon. My ghad!

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang bilis na din ang tibok ng puso ko ngayon at sigurado akong nanlalamig na ang mga kamay ko. Jusko! Wag naman sana ang iniisip ko.

"A-anong gagawin natin d-dito?"nauutal ko ng tanong sa kanya. Damn! Dapat matapang ako. Ba'ka mamaya magtake advantage siya sa kabang nararamdaman ko.

"Wala naman. Why? Gusto mo bang magkaroon tayo ng gagawin?"ngising wika niya nanagpainis sakin.

Halos himatayin na ako sa kaba dito tapos magsasabi pa siya ng ganyan. Ede, mas lalo lang akong kakabahan. Naku! Kapag ako nagkanervous shutdown ingungudngud ko ang lalaking 'to sa semento.

"Would you?"tanong niya ulit habang nakangisi at papalapit siya sakin ngayon.

Gusto 'kong tumakbo palabas dito sa kwartong 'to pero di ko magawa dahil sa may pintuan siya. Tsk! Dapat hindi ako pumunta dito sa gitna, eh! Paano na ako makakatakas niya?

"Or should we?"muli niyang tanong tapos ay pinaluluwagan na niya ang nicktie niya. Hindi kasi barong ang ginamit nila kundi american suit. Tsk!

"A-anong gagawin mo?"saad ko sa kanya habang humahakbang patalikod.

"Kung ano ang iniisip mo."ngisi niyang wika at talagang nakakabwisit siya.

"Anong iniisip ko? Wala akong iniisip no! Che!"wika ko at aalis na sana ako patungo sa pinto ng hablutin niya ang kamay ko at wala pang isang segundo ay nakayakap na siya sakin.

"I miss you."bulong niya na nagpatayo sa mga balahibo ko sa katawan.

"H-hoy! Nakita mo lang ako n-nong isang araw. T-tapos may pamiss-miss ka na ng nalalaman diyan!"kahit na sobrang bilis ang tibok ng puso ko ay pinilit ko pa rin na makapagsalita.

Tsk! Umayos ka nga heart!! Kapag ikaw lumandi aalisin kita diyan sa pwesto mo! Tsk!

"I miss you in every second."muli niyang bulong at mas humihigpit ang pagkakayakap niya sakin.

Jusko! Feeling ko tuloy, anytime ay mawawalan na ng lakas ang tuhod ko dahil sa pagyakao niya.

"I love you and I am ready to fight for you again. Like what I said before, I'll gonna chase you no matter what."ha? May nasabi ba siyang ganun noon? Parang wala naman!

Pero waaaaah! Si heart lumalandi!!!

"A-ash. Ba'ka gusto mo ng umalis sa pagkakayakap?"wika ko nahihirapan akong huminga sa ginagawa niya.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon