Chapter XXXII

1.4K 43 2
                                    

Pabalik-balik lang ako ng direksyon dahil sa dami ng iniisip ko. Nakailang ulit na din akong punas sa pisngi ko dahil sa mga luhang walang sawang tumutulo. Habang tumatagal kasi ang oras ay mas dumadami ang what if na pumapasok sa utak ko. At dahil sa sobrang dami ay hindi ko na din namamalayan na gabi na pala.

Tumingin ako sa relo at 7:42 na pero wala pa sila. Walang bakas ni Brix ang nandito.

Napabuntong-hininga ako bago ako umupo sa sofa. Muli ay nagpunas ako ng luha. Damn! Nasaan na ba kasi ang panyo ko.

Kinalkal ko ang bag ko at aksidente 'kong nahulong yung brown na box na binagay kanina ng mail-messenger. Pinulot ko iyon at muli akong napabuntong hininga. Paano kaya kung buksan ko na 'to? Nakicurious na din ako sa laman ng box na 'to. At kahit na kinakabahan ako ay kailangan ko pa ring harapin ang kung ano mang laman nito.

Nagpunas muna ako ng luha ko bago ko tinanggal ang ribbon nitong box. Hindi ko pa man nakikita ang loob pero naiiyak na naman ako. Parang ayaw ko ng ituloy ang pagbukas nito. Kinakabahan ako at nagigining sa kung ano man ang magiging laman nito. Pero may kung ano din sa katawan ko na nilalabanan iyon at gusto talagang malaman ang laman nito.

Sa ika-labing apat na pagbuntong hininga ko, ito ang pinakamalalim ngayon.

Lakas loob kong binuksan ang box at agad akong napakunot ng noo dahil sa laman. Isang pregnancy test ito. Kinuha ko iyon at may dalawang guhit na ang ibig sabihin ay positive. Kahit hindi ko pa man alam kung kanino 'to galing ay naiyak na ako ng tuloy-tuloy. Ang sakit sa pakiramdam nitong nararamdaman ko ngayon. Gusto 'kong magwala pero hindi ko magawa dahil pinangunahan na ako ng panghihina sa loob.

Tinignan ko ang sender nitong box pero walang nakalagay na pangalan. Instead, isang mensahe ang nakasulat dito.

'Im bearing our second baby with your fiance'

Naihagis ko ng wala sa oras ang box at pati ang mga unan na nadito sa sofa ay naihagis ko din sa sobrang sakit ng nararamdam ko. Damn! Kilan pa?! Kilan pa siya naglilihim sakin?! So tama pala ang naiisip ko kanina pa! Tama pala na tunay niyang anak si Jacob!! Kilan niya pa alam ito?! Tangna! Limang taon kaming magkakasamang tatlo pero puro kasinungalingan lang pala lahat ng yun!

Ang sakit! Hindi ba ako deserving sa pagmamahal ng isang tao? Kailangan ba talaga ay laging nadadaan sa kasinungalingan?! Kasinungalingan na siyang pinakaayaw ko sa lahat! Damn it! I hate this feeling. The feeling that I fall into another trap again.

"Haaaaaa?!!!"sigaw ko dahil sa galit at tinumba ko ang round table na nandito. Wala akong pakialam kung mabasag man ito o hindi. Gusto 'kong maglabas ng galit ngayon din!

Ang tanga-tanga ko talaga!! Hanggang kilan ba ako maniniwala na wala ng magsisinungaling sa paligid ko?! Ang tanga ko dahil naisahan na naman ako.

PLAY MUSIC:Dahan by December Avenue ♡check the multimedia, I put the music video there :)♡

"Babe...?"napatingin ako sa pinto ng marinig ko siya.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya tsaka siya sinampal. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha pero hinayaan ko iyon dahil sa galit na nananalaytay sa katawan ko.

"Kilan pa?! Kilan mo pa ako niloloko?!"sigaw ko sa kanya at doon ay napayakap na siya sakin.

Pilit ko siyang tinutulak para makawala ako sa yakap niya pero mas hinihigpitan niya.

"Im sorry. Please, let me explain."pagmamakaawa niya na hindi ko pinakinggan. Para saan pa? Para mapikot niya ulit ako? Para mapaniwala niya ulit ako?

Grabi! Ang galing niya. Ang galing-galing niya sa pagpapanggap. Mukhang kulang pa ang nakuha niyang award noon. Dapat bigyan din siya ng oscar award for best actor.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon