Chapter XIX

1.4K 53 0
                                    

ATG POV

"Ito na yung damit."wika ko ng makapasok ako sa pinto.

"Salamat, Agatha."wika naman ni Erica at kinuha ang damit na para kay JR. "Baby, magpalit ka muna para hindi makati ang balat mo."wika nito sa bata na tinanguhan naman niya. Kaya binuhat na ni Erica ang anak niya at dumeretso sila sa C.R.

Lalabas na sana ako sa kwarto ng bigla itong bumukas at iniluwa nito si Cynthia at Leah na buhat-buhat ang mga anak nilang tulog na.

"Knock down na."wika ko sa dalawa at nginitian naman nila pagkatapos mailapag ang mga batang karga nila.

"Oo nga, eh. Uuwi na sana kami pero pinigilan kami ni Hasky. Gabi na daw."sagot ni Cynthia habang kinukumutan ang anak niya.

"Mag-iinom pa kasi sila kaya ayaw nilang umuwi."singit naman ni Leah habang nakaupo at hinahaplos ang buhok ng anak niya.

"Hayy naku! Mga lalaki talaga."sagot ko sa dalawang 'to na tinanguhan naman nila.

"Ohy, girl. Wala ka na ba talagang feelings kay Ash?"tanong ni Cynthia sakin na hindi ko nasagot agad.

Wala na ba talaga akong feelings sa kanya? Madami na siyang nagawang pagsisinungaling sakin at nasaktan na din niya ako ng sobra-sobra. May fiancé na kami pareho at alam kong mahal ko ang mag-ama ko. Siguro nga, wala na akong feelings sa kanya.

"Wala na."sagot ko na nginitian naman nila ng nakakaloko.

"Eh, bakit ang tagal mong sumagot?"pang-aasar ni Leah na ikinibit balikat ko na lamang.

"Pero pansin namin siya kanina. Selos na selos ang mukha niya habang nakatingin sa inyong dalawa ni Brix."napahmm! na lang ako sa sinabi nila.

Akala ko, ako lang ang nakapansin. Maging sila din pala ay napansin ito.

"Ba'ka namamalik mata lang kayo."tugon ko sa kanila para maalis ang kung ano man na nasaisipan nila.

"Girl, ang lalaki ng mata namin para mamalikta sa bagay na yun."agad na sagot ni Cynthia na inilingan ko na lang.

"Ba'ka natatae lang siya kaya ganun makatingin. At dahil kami ang katapat niya akala niyo nagseselos siya."paglalahad ko na tinanguhan na lang nila pero mababakas pa rin ang ngiting nakakaasar sa kanila.

"Okay, sabi mo, eh."sabay nilang wika na inilingin ko na lang.

Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to.

"Sige na alis na ako. Papatulungin ko pa si Jacob."wika ko sa kanila at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at lumabas na.

Paglabas ko ay sakto pagtaas ni Ash sa hagdan kaya dali-dali akong tumakbo sa kwarto ni Brix. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng hawakan niya ang siko ko.

"Mag-usap naman tayo, pleasee."nagmamakaawa niyang wika na hindi ko na lang pinansin at tinabig ko ang kamay niya para maalis ang pagkakahawak niya.

Nang mabitawan niya ako ay dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ni Brix at nilock agad ang pinto.

"Mommy..."wika ni Jacob at ang kinakabahan 'kong itsura ay agad 'kong pinalitan ng isang ngiti.

"Tapos ka na palang magshower."wika ko sa kanya at lumapit ako sa pwesto niya.

Sa left side ako pumuwesto at si Brix naman ay nasa right side.

"Opo. Ang tagal mo kasi, mommy."reklamo niya at napakamot pa siya sa ulo niya.

"Sorry, baby. Ininterview pa kasi ako ni tita Cynthia at tita Leah mo, eh."wika ko habang kinukumutan ang paa ko.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now