Chapter XIII

1.6K 47 1
                                    


ATG POV

1:07am na pero hindi pa rin ako tulog. Hindi naman ako namamahay dahil hindi ito ang first day ko dito. Basta! Ayaw matulog ng diwa ko at kahit na ipikit ko pa ang mga mata ko ay useless pa rin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo. Napahilamos na lang ako ng mukha ko nang maalala ang nangyari kanina.

Hindi ko alam kung ano o bakit pero nagiinit ang aking pisnge habang inaalala ang lahat ng nangyari kanina. Peste kasi yung Ash na yun. Nakakainis! Hindi naman siya ang tinutukoy ko sa 'mahal ko' pero kung ngumisi ay parang nanalo sa lotto. Tsk! Tsk!

Pinilig ko na lang ang aking ulo at tumayo sa kama. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at ng magising ang puso't isipan ko.

"Kung ano man ang mga kalokohang ginagawa ni Ash ay wala lang yun. Parehas na kayong may fiance at pangtritrip lang ang ginagawa niya sayo."wika ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Muli akong naghilamos at nang matapos ay nagpunas na ako ng mukha bago bumaba para magtimpla ng gatas. Sana makatulog na ako pagtapos kung uminom nu'n.

Pagkababa ko ay may narinig akong nagsusuka. Sinundan ko iyon at sa C.R pala. Nakabukas ang pinto at nakatalikod ang taong nagsusuka pero sigurado akong lalaki iyon.

Lumapit ako sa kanya at si Ash pala ito. Dahil sa pag-aalala ko ay hinagod ko na lang ang kanyang likod.

Tumingin siya saglit sakin at ngumiti pero agad ding napabalik sa bowl ang kanyang mukha at nagsuka ulit.

"Ang dami mo kasing nainom."wika ko sa kanya habang hinagod ang kanyang likod.

Ano ba yan! Parang kanina lang ng maalala ko mga pinaggagawa niya tapos ngayon, heto ako at hinahagod ang kanyang likod.

Tumayo ako sa pagkakaupo at agad na kumuha ng tubig.

"Inumin mo 'to."sabay abot ko sa kanya ng baso at hinagod ko ulit ang likod niya. Flinash ko rin ang inidoro para mawala ang suka niya doon.

Iniabot niya sakin ang baso nang matapos siyang uminom at kukunin ko na sana ito ng bigla niya akong hilain at halikan.

Hindi ako tumungon sa halik niya dahil alam akong mali ito. Lasing siya at hindi niya alam ang pinaggagawa niya.

Pilit ko siyang tinutulak pero sadyang malakas siya. Ginawa ko rin ang lahat ng aking makakaya para isara ang bibig ko na pilit niyang binubuksan gamit ang kanyang labi na marahas kung humalik. Kasabay ng pagsara ng pinto dito sa C.R ang pagbitiw niya sa baso kaya nabasag ito.

Tumigil siya saglit sa paghalik sa labi ko at nagkaroon ako ng pagkakataon para umatras pero mukhang mali ang dereksyong naapakan ko. Nasugat ang paa ko na siyang dahilan ng pag-aray ko na agad niyang sinunggaban ng halik.

Wala na. Nabuka na niya ang aking bibig at nakapasok na rin ang kanyang dila na pilit nilalaro ang akin.

Naging marahan na siya sa paghalik at halos manghina ang tuhod ko dahil doon. Buti na lang at hawak niya ako sa bewang kaya hindi ako bumagsak sa sahig.

Dala na rin ng kanyang halik ay unti-unting, ang katawan ko na mismo ang kusang gumalaw. Kinawit ko sa kanyang leeg ang aking kamay at tumungon na rin ako sa kanyang halik. Nagpadala na ang aking katawan sa sensasyon na ito at hindi na ininda ang sugat sa aking paa.

Kahit na may parte sa aking isipan na nagsasabing mali ito ay patuloy pa rin ako sa pagtugon ng kanyang halik dahil mas nananaig ang tukso ng damdamin.

Humiwalay siya saglit sa paghalik at nagkaroon ako ng pagkakataon para maghabol ng hininga.

Ngumiti sakin si Ash bago niya ulit ako hinalik na agad ko ding tinugunan. Bumaba ang kanyang halik hanggang sa makarating ito sa aking leeg.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now