Chapter XXVII

1.5K 42 1
                                    

Lahat ay naghanda. Lahat ay masaya. At lahat ay nageffort upang maging masaya ang kasal ng kapatid ko. Lahat kami ay nakangiti habang pinapanuod silang naglalakad patungo sa altar. Masaya ako para sa kapatid ko. Masaya ako dahil nakita na niya ang one true love niya. Masaya ako dahil may mag-aalalaga na sa kanya. May makakasama na siya panghabang buhay. Masaya ako dahil doon pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang hindi maiyak habang pinapanuod sila. Para na nga akong tanga dahil nakangiti ako habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Hindi lang naman ako ang parang tanga dito dahil pati si mama at mama ni Nicole ay umiiyak din. Pare-pareho lang kaming umiiyak. Tears of joy to. Huhuhu!

"We are gathered together here, in the sight of God and in the presence of these witness, to join together this man and this woman, in holy matrimony. Which is an honorable state, instuted by God."umpisa ni father at nagsimula na ang seremonya.

Halos buong seremonya ata ay walang minuto na hindi ako nagpunas ng luha ko. Pansin ko din na tingin ng tingin sakin si Brix at paminsan-minsan naman na tumitingin si Ash. Buti na lang at nasa kabilang upuan sila. Mga best man, eh. Tapos si Jacob naman ay nasa harapan dahil ring bearer siya, kasama ang iba pang bata na flower girls at bearer.

"I call the bride's made and best man to put the veil in our bride's and groom."wika ni father at dahil ako ang brides made ay tumayo na ako. Pero bago yun ay nagpunas muna ako ng luha ko.

Hinintay naman ako ni Brix para alalayan sa paglalakad.

"Are you okay? Kanina ka pa iyak ng iyak ba'ka madehydrate ka diyan. Gusto mo ba ng tubig?"nag-aalalang tanong niya sakin na inilingan ko naman.

"Ayos lang ako. Masaya lang ako sa kanilang dalawa."sagot at naghiwalay na kami ng tinungo dahil si Kuya Hasky ang aasikasuhin niya at ako naman kay Nicole.

"Congrats."bati ko sa kanya at nginitian naman niya ako.

"Thank you."sagot niya bago kami umalis doon ni Brix.

Hinatid muna niya ako sa upuan ko bago siya bumalik sa pwesto niya.

Sunod naman na tumayo ay si Mitch at Ash para sa paglalagay ng cord. Basta 'yung tali na ikwekwentas sa kanila, ganun! Nakalingkis din si Mitch sa kanya at gaya ng ginawa ni Brix ay hinatid din niya si Mitch dito bago siya bumalik sa pwesto niya. But there's something on me na parang ayaw silang makitang magkasama. Ano ba 'tong pakiramdam ko! Bakit nagkakaganito na naman ako. Tsk!

Di ko na lang pinansin yun at tinuon ko kay father ang atensyon ko. Sunod-sunod ng tinawag ni father ang mga may gagawin hanggang matapos kay Jacob na may hawak sa singsing.

Finally, mag-asawa na din sila. Magkakapamilya na ang kapatid ko. Masayang-masaya ako dahil doon.

_

Nang matapos ang kasal ay dumiretso na kami sa venue syempre. Chibugan na. Matapos ang madrama 'kong oras ay kailangan ko munang kumain. Kailangan ko munang magcharge dahil mamaya ay maiiyak na naman ako dahil aalis na si Hasky. Pupunta silang dalawa sa Hawai para maghoneymoon. Taray talaga nila, pwede namang sa hotel na lang sila maghoneymoon, pero pinili pa rin talaga nila sa ibang bansa. And for pate's sake! Three months sila doon. Ang tagal-tagal nilang maghoneymoon, ha. Tsk! Tuloy, ako ang mamomoblema sa trabaho ni Hasky. Tsk!

"Mommy, I want to go home. Inaantok na po ako."at humikab pa si Jacob. Actually, kanina pa siya hikab ng hikab. Ewan ko nga ba dito dahil maaga naman siyang natulog kagabi. Pero kung sabagay ay maggagabi na rin, ba'ka pagod na siya kaya inaantok na.

"Mauuna na kami ni Jacob, babe."wika sakin ni Brix.

"Sasabay na ako. Uuwi na rin---"di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa sumingit.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon