Chapter VII

1.6K 49 1
                                    

Chloe POV

Naramdaman kong nakatigil ang sasakyan namin kaya nagising ako mula sa pagkakatulog. Agatha seated on my left side katabi ng bintana at ayon ang ganda ng tulog niya. Hindi man lang siya nagising sa paghinto ng sasakyan namin. Himbing na himbing din ang tulog niya habang may earphone na nakasalampak sa kanya kanyang tenga.

"Bakit tayo nahinto?"tanong ni Jaypoy na bagong gising din.

Sumilip ako sa may bintana at nasa gasolinahan pala kami.

"Magpapagas tayo at iihi daw si Troy at Lyka."sagot ni James na driver namin. Siya kasi nagpresentang magdrive eh.

"Ganun ba? Sige bababa muna ako dahil masakit 'tong puwet ko sa pagkakaupo."Jaypoy said at binuksan na niya ang pinto tsaka bumaba. Ganun din ang ginawa ni James kaya kaming dalawa na lang ni Agatha ang natitira dito sa loob.

Bumuntong hininga muna ako bago sumunod na bumaba. Medyo masakit na din kasi ang puwet ko na nakaupo eh. Ilang oras na ba kaming nagbyabyahe?  Ang layo naman ata ng resthouse nila Nicole.

Pagbaba ko at nagstop over pala ang lahat. Pati kasi ang van na sinakyan nila Hasky at ang sinakyan nila Joyce ay nandito rin.

"Gising ka na."wika ni Jerome at inabutan niya ako ng mineral water na agad ko ding tinanggap dahil naiinom na ako at naiihi na rin.

"C.R lang ako."wika ko na tinanguhan naman niya.


****
Ash POV

Paglabas ko sa C.R ay pumasok naman si Jerome. Halos lahat ata kami ay naiihi pati na rin ang mga babae. Bali nastop over kami dito sa Gasolinahan para magpagas, bumili ng makakain, at umihi. Limang oras na rin kasi kaming nasa byahe dahil natraffic pa kami kanina. Mukhang malayo 'tong resthouse ng fiance ni Hasky pero sabi naman nito na maganda doon.

Linibot ko ang aking paningin at wala si Tamara. Halos lahat ay bumaba pwera lang siya. Nagtungo muna ako sa bilihan ng mineral water bago tinignan ang pangalawang van--kung saan siya nakasakay.

Nakita ko siya sa dulo sa may gilid katabi ng bintana at mahimbing ang tulog niya doon. Aakyat na sana ako sa sasakyan ng may kumalabit sakin kaya liningon ko ito.

"Bakit?"tanong ko kay Chris dahil siya ang kumalabit sakin.

"Palit tayo. Ikaw na lang dito at ako na lang doon sa unang van. OP ako eh, lahat sila may kacouple kami lang ni Agatha ang wala pero tinulugan naman niya ako kaya ako lang ang OP. Palit tayo ha?"tumango ako agad sa sinabi niya. Tatanggihan ko pa ba eh oportunidad na ang lumalapit sakin.

Tinapik ako nito sa likod tsaka siya tumakbo papunta sa unang van. Ako naman ay umakyat na sa van at inayos ang pwesto ko sa tabi ni Agatha.

Inayos ko din ang pwesto niya at ang ulo niya ay pinatong ko sa balikat ko. Hinalikan ko ng bahagya ang kanyang bago umayos ng upo.

How I miss this lady. Masaya ako na sa mga sandaling ito ay nasa tabi ko siya. Nahahawak ko at nahahaplos ko ang buhok niya. Sana di na matapos ang sandaling 'to dahil ayoko siyang lumayo sakin. Oo, alam ko na nanagpapanggap lang siyang may amnesia at hindi ko siya masisi doon dahil ang gago ko din kasi. Bakit ko ba siya iniwan noon? Dapat sinabi ko na lang ang sitwasyon ko noon at nang hindi na siya lumayo pa sakin.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now