Chapter X

1.6K 52 0
                                    

ATG POV


"Agatha!!"sigaw sakin ni Ash at hinawakan niya ang aking kaliwang kamay para mapaharap sa kanya.

"Ano ba?! Hindi ka pa ba titigil?"

"Hindi talaga ako titigil kasi mahal kita!"wika nito na nakapagpatigil sakin. "Bumalik ka na sakin. Tayo na lang ang magsama, please"

"Tumigil ka na, Ash. Tama na. May mahal na ako at hindi ko siya ipagpapalit sayo!"sagot ko sa kanya at mga ilang sandali lang ang lumipas ng makita 'kong sakal-sakal na niya si Brix.


-
Nagising ako dahil sa panaginip na iyon. Hanggang sa panaginip ba naman ay manggugulo ka, Ash? Hsst! Ibang klase.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 4:05 am na pala. Bumangon ako dahil hindi na ako makatulog. Alam ko naman na puro antokin ang mga kasama ko dito kaya ako na ang magluluto ng agahan. Pagtapos siguro ng pagluluto ay magjojogging muna ako. Gaya ng dati.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nagtimpla muna ako ng kape bago ako nagsimulang magluto.

May natira pa namang kanin kagabi kaya isasangag ko na lang ito para hindi masayang. Nagluto na rin ako ng bagong kanin dahil siguradong mabibitin ang sinangag, konti lang kasi iyon. Bali ang niluto ko ay anim na supot ng tocino, dalawang supot ng hotdog, at 30pcs. ng itlog. Nagpainit na rin ako ng tubig para sa pangkape nila.

Nang matapos ang lahat ay 5:15am na. Medyo maliwanag naman na pero hindi pa lumalabas ang haring araw. Mag-jojogging muna ako.

Nagpalit na ako ng pangjogging na damit bago lumabas ng bahay.

"Hi, ate."agad na bungad sakin ng dalawa, si Julianne at Julius.

"Ate, sabay ka na samin."yaya ni Julius at tumango naman ako.

Jogging lang kami ng jogging hanggang sa sumikat na ng tuluyan ang araw.

"Ate, oh tubig."alok ni Julius sakin ng tubig. Tinanggap ko naman ito.

"Salamat."

"Ate, bakit ngayon ka na lang nagbalik dito?"tanong sakin ni Julianne kaya napatingin ako sa kanya.

"Nasa Canada kasi ako this past few years."sagot ko sa kanya at napa-'ahh' na lang siya.

"Ang ganda mo talaga, ate."biglang singit naman ni Julius kaya napakunot ako ng noo sa kanya.

"Hahaha! Magseselos si Julianne."natatawa 'kong wika sa kanya

"Hindi ah, ate. Maganda ka talaga. Natitibo nga ako sayo eh. Kahit noon pa ay maganda ka na, tapos mas gumanda ka pa ngayon."gatong naman ni Julianne.

"Sige bola pa kayong dalawa."sagot ko sa kanila habang natatawa. "Sa bahay na kayo magbreakfast."yaya ko na agad din naman silang napa'yes'

"Namimiss na talaga namin ang luto mo, ate. Buti na lang at sinabi mo rin sa wakas."sagot ni Julius kaya natawa na lang ako.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now