Chapter XXXXV

1.5K 42 0
                                    

⚠⚠WARNING⚠⚠

This chapter contains a matured scenes. This is not recommended to the readers who's age is 17 and below. Please skip this chapter. This warning is for your own sake. Thank you!😊


☆¤☆¤☆¤☆¤☆¤☆

Tinigil niya ang sasakyan niya ng makatapat kami sa isang gate. Sino naman kaya ang dadalawin namin dito? Mukhang wala namang tao ang bahay dahil walang bukas na ilaw.

Bumama si Ash at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumama at maging sa paglalakad patungo sa gate.

"Ano ginagawa natin dito?"tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

Pumasok kami sa loob ng bahay at binuksan niya ang ilaw. Napanganga na lang ako dahil sa ganda nito. Just wow! Ang ganda dito sa loob ng bahay. Simple lang siya pero maganda talaga ang dating sakin.

Sa wall ay may nakasabit na mga pictures namin noong highschool. Punong-punong ng picture frame dito. Tapos yung center table ay may mga pictures din. Maging yung pinaglalagyan ng T.V ay may picture frames din. Sa taas niya ay may nakadisplay'ng trophies. Sa tabi ng divider ay may nakasabit na sash at mga medal doon. Grabi! Kaya pala hindi ko na nakikita yung sash ko noong highschool dahil nandito naman pala.

"This house will be our home."masaya niyang wika na mas lalong ikinalawak ng ngiti.

"Talaga?"

"Yah."nayakap ko siya ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

May balak din pala siyang iuwi ako sa bahay. Masaya ako dahil dito. Kahit na hindi pa siya nagpropropose ay masaya na ako.

"Tara sa likod."yaya niya kaya nagpunta kami doon.

Kung sa harap ay maganda na dahil sa mga bulaklak, dito naman sa likod ay mas maganda pa dahil punong-puno talaga ng bulaklak. Halos napapalibutan ito ng bulaklak at ang ganda sa paningin. Kahit na gabi ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan ng mga ito.

"Let's go there."turo niya sa kabilang side kung nasaan ang swimming pool.

Mula dito sa kinatatayuan namin ay tanaw na tanaw ko na ang table na nandoon. Naglakad kami papunta doon at napangiti na lang ako dahil sa hinanda niya.

Play Music:A Thousand Years(part 2) by Christina Perri

Binigay niya sakin yung boquet of flowers na agad ko namang tinanggap. Ang bango nito. Parang sampaguita ang amoy nitong bulaklak pero red rose naman. Hsst!

"I love you.."wika niya sakin.

"I love you too."tugon ko sa kanya.

Niyakap niya ako kaya napangiti na lang ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam na kasama mo ngayon ang taong mahal mo. Ang taong totoong tinitibok ng puso mo. Yung taong minahal mo ng kusa hindi pilit. Ang saya sa pakiramdam talaga.

"Tamara.."

"Hmm?"

"Let's swim."yaya niya kaya kumawala agad ako ng yakap sa niya.

"Ang lamig-lamig, Ash tapos yayayain mo akong lumagoy?"inis 'kong wika

Akala ko pa naman ay magpropropose na siya noong tinawag niya ang pangalan ko. Tsk!

"Please..."

"Hindi pwede. Wala tayong damit."

"Who say?"nakangisi niyang wika tsaka ako niyakap at sinama sa pagtalon niya sa pool.

Ghad! Ang lamig! Walanghiya talaga 'tong lalaking 'to. Sabi na ngang malamig pero sinama pa rin niya ako.

"Ang lamig, Ash!"

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now