Chapter III

1.8K 59 3
                                    

ATG Pov

Gaya ng napag-usap kahapon ay ngayong gabi nga ipapakilala ni Hasky ang kanyang maaasawa. Sana lang mabait iyon at nang magustuhan ko agad. At sana magkasundo rin kami agad gaya ng kay ate Mia.

"Mag-e8:00 na pero wala pa sila."reklamo ko habang nakaupo sa hapag.

Kanina pa kasi ako gutom at takam na takam sa mga pagkaing nakahain dito sa hapag. Paano kasi, sabi ng magaling 'kong kapatid ay 7:00 daw nandito na sila kaya 'tong si mommy at daddy ay pinahanda na lahat. Nilagay na nila lahat ng niluto sa hapag pero anong oras na at wala pa sila. Naku! Naku! Naku! Mababatukan ko 'tong si Hasky pagdating eh. Paglawayin ba naman ako. -_-

"Ma'am, nandito na po sila sir Hasky."wika ng maid samin kaya naman napasinghap ako.

Buti naman at dumating na sila. Dahil kanina pa ako gutom dito.

"Hi,ma.. Sorry natagalan kami."wika ni Hasky pagkapasok niya.

Tumingi ako sa kanila at napasimangot ako dahil nakangiti pa ang loko.

"At gaya ng promise ko sayo bunso, kasama ko ngayon ang fiancé ko."dugtong niya pa pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ako ba pinagloloko nito? Wala naman siyang kasamang babae eh.

"Saan---"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagentra ng isang boses babae.

"Good eve po, mama at papa."mulumanay at maganda ang kanyang boses. Hanggang sa mapagtanto ko na lang na si Nicole pala ito.

Si Nicole na kaibigan ko na nangiwan. Yung kaibigan ko na pinagseselosan ako dahil sa atensyong nakukuha ko. Yung kaibigan ko na itinuring 'kong kapatid,,,,dati....

"Anak,okay ka lang?"napatingin ako kay mommy na may nag-aalalang ekspresyon sa mukha at ngayon ko lang din napagtanto na umiiyak na pala ako.

Pinunasan ko ang aking mukha ko tsaka umalis ng dining room.

Bakit ba ako naiyak? Hsst! Ano na naman bang kaabnormalan ang nangyari sa mga mata ko? Si Nicole lang naman yun eh. Si Nicole lang na kaibigan kong nang-iwan.

Hsst!

Umupo ako sa gilid ng pool havang nakababad ang paa ko. Ano ba 'to? Kinakabahan ako na ewan. Parang may kung ano sa tiyan ko na nakakapagpaexcite sakin.

Ano ba? Excited ba akong makita siya? Itong nararamdaman ko ba ay sign lang ng pagkamiss. Hsst! Mamaya na lang ako papasok dun. Kailangan ko munang kumalma, tutal ako naman ang nagpilit na dahil niya dito ang fiancé niya eh. Kaya dapat ewelcome ko siya.

Napatingala ako ng maramdaman 'kong may tao sa likod ko.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?"si Hasky pala ito

"Sinusundo kita."

"Bakit mo ako susunduin? Alam ko naman ang daan papunta doon eh."tinaasan lang ako ng kilay nito tsaka siya nanghila ng isang upuan palapit sa pwesto ko.

"Galit ka pa ba kay Nicole?"tanong nito na nagpaiwas sakin ng tingin.

"Siguro. Ewan ko. Basta. Naguguluhan ako."sagot ko habang nakatingin sa aking mga paa na nakababad sa pool.

"Magiging asawa ko na siya. Sana magkabati na kayo."napatahimik na lang ako. Di ko din kasi alam ang isasagot eh.

Gusto ko ding magkabati kami. Gusto ko na ding maayos na ang lahat-lahat tungkol sa nakaraan ko. Pero paano ako mag-uumpisa? At isa pa, siya naman ang nang-iwan kaya hindi dapat ako ang humingi ng sorry kung kailangan. Basta ayokong nagsasabi ng sorry, lalo na't alam 'kong sila ang nakaarabyado sakin.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now