Chapter XXI

1.6K 41 1
                                    

C O N T I N U A T I O N


Brix POV

Dalawang na buwan na ang nakakalipas at patuloy pa rin siya sa pagmomove forward. At sa loob ng apat na buwan na yun ay sobra siyang namayat at napabayaan na din niya ang sarili niya. Para na siyang panda dahil sa nangingitim niyang mata at sudako dahil sa napakahaba na niyang buhok na humaharang sa napakaganda niyang mukha.

"

Kumain ka na. Hindi ka pa daw kumakain mula kagabi."wika ko sa kanya sabay alok ng hinanda ni mommy na pagkain para sa kanya. "Masarap 'tong sinigang."

Hindi niya ako pinapansin at nasa isang sulok lang siya ng kama niya. Tulala na naman siya. Depress na depress ang itsura niya at talagang maaawa ka sa kanya. Dinaig niya pa ang minasaker ang pamilya dahil sa itura niya ngayon. Parang pasan-pasan niya ang buong mundo.

"Gusto mo bang subuan kita?"tanong ko at bahagya siyang nginitian pero wala pa ring tugon mula sa kanya.

Ano kayang ginagawa ng pychiatrist niya? Mukhang mas lumalala naman ang sitwasyon niya. Masumbong nga siya mamaya kay lolo. Hsst!

"Ito na ang eroplano.."masaya 'kong saad.

Engineer ang kurso ko at hindi Piloto, pero kung ito ang paraan para mapakain siya ay magpapakapiloto muna ako.

Tinignan niya ako ng masama kaya agad 'kong binalik ang kutsara sa plato. Nakakatakot siya, eh.

"Anong ginagawa mo dito?"cold niyang tanong at talagang nakakapanindig balahibo siya.

"Ahhh... i-inutusan ako n-ng lolo mo."sagot ko.

Shit! Para akong bakla dahil kinakabahan ako sa tanong niya. Ano ba yan!?

Nga pala, yung lolo niya at lolo ko ay magkaibigan. Golf partner at business partner kaya close na close ako sa lolo ni Agatha.

"Get out!"nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya sakin.

"P-pero--"

"A-aaaw!"wika niya sabay hawak sa tiyan niya.

Halla! Anong nangyayari sa kanya.

"Anong masakit sayo?"

"Out!"

Hindi ko siya pinansin at lunapit ako sa kanya.

"Masakit ba tiyan mo? Dalhin na kita sa hospital."yaya ko pero pilit niyang inaalis ang kamay ko na nakaalalay sa kanya.

"Out!"

Minsan hindi ko rin maintindihan ang mga babae, eh. May sakit na nga pero ayaw pa magpatulong.

"Aaaahhh!!!"sigaw niya at napahiga na lang siya sa sobrang sakit ng tiyan niya.

Nilagay niya din ang unan sa may tiyan niya.

Ito na nga ba sinasabi ko. Dahil sa pagpapalipas niya ng gutom ay nagkakaulcer siya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nung makita yung inuupuan niya kanina. Bakit may dugo?

"Aaahhh---rayy!!!"sigaw pa rin niya at halos maiyak na siya habang hawak-hawak ang tiyan niya.

"D-dalhin na kita sa hospital."kinakabahan 'kong wika sa kanya.

Ba'ka mamaya maubusan pa siya ng dugo. Bakit ba kasi siya dinudugo? Pati 'yung suot niyang short ay may dugo na rin. Hanobayan?!!! My heart is beating so fast! I don't know what to do. I'm not an expert to understand what's happening right now!!

ClashMate2:Way Back Into Love✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora