Chapter XXIII

1.6K 42 1
                                    


ATG POV

Sumilip muna ako sa mga guest room para kamustahin ang tulog nila. Sa unang guest room na pinuntahan ko ay ang kwarto nila Erica at iba pa. Mahimbing naman silang natutulog at tabi-tabi sila. Bawat pamilya, may isang couple lang na nandito at walang kasamang anak. Sa pangalawang room naman ay puro babae ang laman. Maayos naman silang natutulog at himbing na himbing sila. Sa pangatlo naman ay puro lalaki ang natutulog at may humihilik pa sa kanila. Kung gaano kaayos ang pwesto ng mga babae ay siyang kagulo naman ng pwesto nila habang natutulog. May nakataas ang paa sa tiyan ng kasama niya, may ginawang unan ang hita, may paa na malapit sa mukha ng kasama niya. Hsst! Mga 'to talaga.

Bumaba na ako at gaya kanina ay ganun pa rin dito. May natutulog pa rin sa salas.

Dumiretso na ako sa kusina upang ipagtimpla sila ng gatas. Kumuha na rin ako ng baso, kutsara, gatas, asukal, at mainit na tubig. Saktong pagtapos ko ay siyang dating naman ni Sam.

"Gising ka pa pala."wika ko sa kanya at nginitian siya.

Nginitian naman niya ako pabalik bago umupo sa silya.

"Hindi ako makatulog, eh."sagot niya. Kaya inoffer ko sa kanya ang isang gatas na natimpla ko.

"Ito, sayo na lang. Magtitimpla na lang ako ng bago."wika ko sa kanya.

"Salamat."sagot naman niya at kinuha ang baso.

Gumawa ulit ako ng panibago at habang hinahalo ko ito ay nagsalita siya.

"Ang swerte talaga ni Brix sayo."wika niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

Kahit na medyo awkward ay sumagot pa rin ako sa kanya.

"Mas swerte ako sa kanya."

Past versus present ba 'to?

"Mas swerte siya, kasi ang talino mo, ang ganda mo, ang bait mo, ang haba ng pasensya mo, at higit sa lahat ay mahal mo siya. Ang swerte niya kasi ikaw ang naging fiancé niya. Ang swerte niya kasi nangyari din ang pinapangarap niya."nginitian ko naman siya bilang sagot.

Kahit na nagseselos ako sa kanya kanina, ay parang nawala ang lahat ng yun nang sabihin niya ito. Hindi ako makapaniwala na ang past ng fiancé ko ay pinupuri ako ng ganito. Di ba yung iba ay nag-aaway-away sila? Tsk! Tsk! Di bale na nga lang! Kung ano-ano na namang pinag-iisip ko.

"Pareho kaming swerte sa isa't-isa."ngiting sagot ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako pabalik at sandali siyang humigop sa gatad niya.

"Pansin ko kanina na naagseselos ka."what the?! Halatado ba ako kanina? Ghad! Nakakahiya.

Bahagya siyang natawa bago nagsalita.

"Wala ka dapat ikaselos dahil mahal na mahal ka ni Brix. I can see through his eyes how much he love you. And besides, I have my fiancé too at soon to be married na rin kami."medyo kinikilig siya sa huli niyang sinabi. "I love Clyde now and he love's me too, kaya hinding-hindi ko siya ipagpapalit kay Brix."bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Sa tingin ko nga."sagot ko sa kanya kasi mukhang inlove na inlove talaga siya kay Clyde ngayon.

"Pero, alam mo ba kung ano ang naging dahilan namin noong magbreak kami?"napailing ako sa kanya at isang singhap naman ang sinagot niya. "Ikaw ang dahilan."medyo kinabahan ako sa sinabi niya.

Paano na naging ako ang dahilan? Hindi naman kami malapit masyado ni Brix noon at isa pa ay mahal na mahal niya dati si Sam?

"Let me share you something. Hindi ko ito ikwekwento dahil kinokonsensya kita, but ikwekwento ko ito para sabihing wala ka dapat ipag-alala."tumango ako sa kanya bilang sagot. "Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo dati? Noong nag-away tayo?"binalikan ko ang pangyayaring iyon, pero hindi ko na maalala ang buong scenario namin.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon