Chapter XXXXIV

1.5K 50 6
                                    

"Anak, matagal ka pa ba diyan?"tanong sakin ni mama mula sa labas ng pinto.

"Saglit na lang po."sagot ko sa kanya at bahagyang kinalat ang lipstick ko.

Masyado kasi silang excited ni daddy kaya naman eleven pa lang ay nakabihis na sila. 'It's better to be early than to be late' yan pa ang sinabi nila sakin kanina nung makita ko silang nakabihis na. Hsst! If I know excited lang silang makapunta sa bahay nila tita Mary. Excited lang silang magchismisan. Psh!

Muli 'kong chenick ang kabuoan ko sa salamin at napangiti na lang ako dahil sa gandang meron ako. Isang pulang dress ang suot ko at pinaresan ko iyon ng flat shoes habang nakaponytail ang buhok ko. Simple lang pero nagmumukhang maganda kapag ako ang nagsusuot.

Napangisi ako sa naiisip ko. Mukhang nagiging mahangin na rin ako. Tsk! Tsk!

Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto ko.

"Wow. You look beautiful my dear daughter."papuri sakin ni daddy habang tinitignan ako ng may pagkamangha.

"Kanina ba naman nagmana."gatong naman ni mommy at preteng inayos ang sarili na animoy sinasabi niyang sa kanya ako nagmana.

"Aba-aba, sakin nagmana ang anak natin."saad ni daddy sa kanya at nagpogi sign pa siya.

"Sakin siya nagmana. Tignan mo, ang puti niya at maputi rin ako. Maganda siya at maganda rin ako. May nunal siya sa ibang balikat niya may nunal din ako doon. O ano? Sakin talaga nagmana ang anak natin."

"Sakin kaya. Sakin niya namana ang hieght niya. Sakin niya namana ang  hugis ng mukha niya. Sakin niya naman napakaganda niyang mata."

Napailing na lang ako sa kanila dahil nag-umpisa na naman silang magbangayan kung kanino ako nagmana. Hsst! Parehas lang naman silang naghirap sa paggawa sakin kaya sa kanilang dalawa din ako nagmana.

"Mauuna na po. Mukhang gusto niyo pang mag-away eh."singit ko sa kanila na ikinatigil naman nila.

"Oo nga. Tara na late na tayo."yaya ni mama at nauna na siyang naglakad. Sumunod naman ako sa kanya at sumunod din si daddy.

Kaming tatlo na lang ang sabay-sabay na pupunta doon. Sila kuya Jazzly kasi ay  nauna na doon. May sarili naman silang kotse at isa pa ay nakabukod na sila ng bahay.

Ilang minuto ding nagdrive si daddy bago kami nakarating sa bahay nila Ash. Sa labas pa lang ay parang welcome na welcome ka na dahil nakabukas ng todo ang gate nila. Pansin ko din ang mga kotse'ng nakaparada dito. Sigurado akong hindi lang kami ang bisita nila.

"Hi, ate."salubong sakin ni June dito sa gate nila.

Nakipagbeso-beso siya sakin at kay mama. Tapos nagbless naman siya kay daddy. Ganun din ang ginawa ni JC na kasama niyang nagbabantay dito. Nagmukha tuloy silang body guard. Hsst! Nasaan na kaya si Ash?

"Ang kuya niyo?"tanong ko sa dalawa at agad naman silang nagtinginan at nagngitian.

"Ayeee~ si ate miss ang kuya namin."wika nilang dalawa habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

"Nagtatanong lang ako."sagot ko sa dalawa habang natatawa.

Itong mga 'to talaga. Masyado malawak ang utak nila. Parang nagtatanong lang. Hsst!

"Nandito na pala kayo, mommy, daddy."salubong ni Ash sa mga magulang ko at nagmano pa siya.

Ganda din nitong batukan, eh. Nilagpasan lang ako hindi man lang niya ako greneat. Tsk!

Iniwan ko sila doon at nagpauna na akong pumasok sa loob.

"Hi, mommy!"masayang bati sakin ni Jacob habang may hawak-hawak siyang hotdog.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon