Chapter XXII

1.5K 42 3
                                    

ATG POV

"Mommy, help..huhuhu! Mommy..."

Narinig ko ang boses ni Jacob, ngunit hindi ko siya mahanap. Puro itim lang ang nakikita ko sa paligid ko at kahit anong lingon ko ay wala akong makita.

"Mommy, please! Huhuhu! Don't give me...huhuhu! She's a monters!! Mommy!!"

Naiiyak na ako sa naririnig ko pero kahit anong pilit ko na hanapin si Jacob ay hindi ko siya makita.

Nasan ka ba?

"Mommy...pleaseeeee..."

Sa pagkakataong yun ay napamulat ako sa aking mga mata. Dahil parang totoo ang naririnig ko.

"Mommy, don't give me.."napatingin ako kay Jacob na nakayakap sakin ng pagkahigpit-higpit.

Umiiyak siya at namamawis na rin. Dala na ng pananginip na napapanaginipan niya ngayon.

Niyakap ko din siya ng mahigpit at hinalikan siya sa noo.

"Ssssh~ it's okay, it's okay. Nandito na si mommy. Hindi ka niya ibibigay sa kanya."hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya sa paghikbi. "Nandito na 'ko. Sssh~"

Ilang sandali 'kong ginagawa yun bago siya kumalma sa paghigbi at bumalik ulit sa mahimbing na tulog.

Napatingin ako sa kabilang gilid at wala doon si Brix. Kinuha ko ang cellphone na nasa side table ko at 12:28 na. Mag-uumaga na at saan naman kaya siya nagpunta? Hsst!

Inalis ko ang pagkakayakap sakin ni Jacob at tumayo sa kama. Kinumutan ko muna siya bago ako lumabas sa kwarto.

Pagbaba ko sa sala ko ay mga classmate namin na antok na antok ang nandito. May sari-sarili silang posisyon ng tulog at ang iba sa kanila ay humihilik pa. Hay naku! 'tong mga 'to talaga. Dito na sila naabutan ng antok at hindi man lang umakyat sa taas.

May narinig akong mga boses sa may likod. Kaya dumerestso ako sa pool at gaya sa loob ay may nakatulog na rin dito na apat. Buti at walang lumalangoy habang natutulog. Tsk! Mga 'to talaga. Ang galing-galing nilang  maglasing, tapos kung saan-saan naman sila naaabutan ng tulog.

"Syempre! Mahal.... na mahal  ko si Chloeeee."lasing na wika ni Jerome bago tumunga sa alak niya.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Brix. Napatingin naman siya sakin bago ako niyakap, pero yung mga kamay niya ay nakapulot sa bewang ko.

Bali, lima na lang pala silang  natitira na matibay. Ang mga ito ay sina:
Jaypoy; na parang hindi man lang tinablan ng alak.
Jerome; na isang tulak na lang ay matutulog na,
Ash; na puro irap ang binibigay sakin. Ano na naman bang nagawa 'kong kasalanan sa kanya at kung makairap siya ay wagas? Tsk!
Hasky; na parang nalugi sa kompanya dahil sa magulo niyang buhok at nicktie. Pero buti na lang dahil gising pa siya hanggang ngayon. Achivement na yun para sa kapatid ko.
At si Brix; na mukhang tulog na sa balikat ko.

"Babe, gising na. Sa kwarto ka na lang matulog."wika ko sa kanya at bahagyang tinapik ang balikat niya. Pero wala man lang siyang kareact-react.

"Hoy! Pare!"sabay tapik ni Hasky ng malakas sa balikat ni Brix. "Sin..nusundo kan-na ng kapached ko!"wika niya.

"Underrr... ka palla, par-re!"wika naman ngayon ni Jerome at bahagya pa siyang natawa.

"Hindi ako under gago."deretsang wika ni Brix habang ganun pa rin ang posisyon namin.

Kahit na nakatalikod siya sakin ay amoy na amoy ko pa rin ang alak na nainom niya.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin