Chapter XXXXIII

1.5K 40 4
                                    

Ilang araw na din ang nakakalipas magmula ng mangyari yung pagkidnap samin. Ilang araw na ding payapa ang buhay namin.

Si Brix, Bea, Sam, Tristan, at Chloe ay okay na rin. Parepareho na rin kaming nakalabas sa ospital. At noong araw na lumabas kami hanggang ngayon ay wala pang nagpapansinan samin. Hindi pa kami nakapagusap-usap. Maliban lang kay Chloe dahil dinalaw niya ako dati sa kwarto ko.

Ilang oras na lang ay magpapasko na at sana bago sumapit ang pasko ay gumaan na ang loob. Mahirap din kasing magsaya kung may mga taong nasaktan dahil sayo. Hindi ko naman sila masisisi kung magalit sila sakin. Pero sana maliwanagan sila na hindi ko naman ginusto ang pangkidnap samin. Hindi ko nga alam na may ganoong pasabog. Hsst!

Sa ngayon ay nagkanya-kanya muna kami. Si Bea ay hindi ko na pinakulong kasi ayaw kong tanggalan ng ina si Jacob. Gusto 'kong maranasan ni Jacob ang lumaki ng may buong pamilya. Ayaw kong iparanas sa kanya ang mga naranasan ko noon. Pero ewan ko ba. Parang nagsisisi ako na hayaan na lang si Bea. Kasi kahit 'thank you' man lang sana ay wala akong narinig mula sa kanya. Wala akong natanggap. Hsst!

"Kain na, anak."wika ni mama na tinanguhan ko na lang.

Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato ko at nag-umpisa ng kumain. Dito na pala ako sa bahay tumutuloy. Lahat ng gamit ko na nasa bahay nila Brix ay kinuha ko na. Wala ng dahilan pa para magstay ako doon. Tutal nagkaliwanagan na din kaming dalawa at mas mabuti na rin 'to.

Alam na din pala ni mama at daddy na buntis ako at si Ash ang ama. Pati ang mga magulang ni Ash ay alam na rin. Parepareho silang masaya maliban kay Hasky. Actually, pinagalitan pa nga ako. Bakit daw ako nagpabuntis eh hindi pa naman kami kasal? At kung ano-ano pa ang pinagsasabi niya na hindi ko na lang inintindi. Bahala siya diyan. Magputak siya ng magputak hangga't gusto niya.

"Si Ash kamusta na? Hindi siya pumunta dito kahapon ah."wika sakin ni daddy na inirapan ko naman sa isipan ko.

Isa rin yang Ash na yan, eh! Nakakabwisit. Alam na niyang buntis ako pero hanggang ngayon hindi pa siya nagyayaya ng kasal. Alam 'kong binasbasan na siya ni daddy pero hindi naman siya gumagawa ng effort o hindi man lang niya ako tinatanong kung gusto ko ng magpakasal. Tsk! Pag ako nainis sa kanya iiwan ko siya. Babalik ako sa Canada at doon na tumira.  Kaya 'kong buhayin ang anak naming mag-isa at bahala na siya sa buhay niya. Tsk!

"Oh? Bakit ka nakasimangot, anak?"napabalik ako sa huwisyon ng magsalita si mama.

"Busog na po ako."sagot ko sa kanya at tumayo na ako sa hapag.

"Pero ang konti pa lang ng nakakain mo?"

"Busog na po talaga ako. Sige na po may pupuntahan pa po ako."sagot ko sa kanila at kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas sa bahay.

Nagpadrive na lang ako sa driver namin dahil ayaw nila akong payagan magdrive. Nakakainis! Hindi naman ako maaano kapag nagdrive ako pero masyado silang nega. Lalo na yang Ash na yan. Siya ang pasimuno at nilason niya ang utak ni mama at daddy para hindi ako magdrive. Tsk!

Bumama na ako sa kotse ng makarating ako dito sa coffee shop. Sabi kasi ni Chloe ay magkita daw kami dito ng eight o'clock. Kaya naman nandito na ako.

Pagpasok ko sa loob ay agad 'kong hinanap si Chloe pero mukhang wala pa siya. Kaya naman umupo muna ako sa isang table at nagorder ng makakape.

Yung babaeng yun talaga. Ang sabi eight pero wala pa naman siya. Walang bakas ng Chloe ang nandito. Tsk! Sinasayang niya ang oras ko. Ilang beses ko na siyang tinext pero wala namang reply. Hsst!

Napatingin ako sa pinto ng tumunog ito. Ba'ka kasi si Chloe na yun, pero nagkamali ako. Si Sam ang pumasok at parang may hinahanap siya. Sino kaya yun?

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now