Chapter XXIV

1.7K 44 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas mula ng mag-away si Brix at Ash. At isang buwan na din ang nakakalipas na hindi na nanggugulo si Ash. Ewan ko kung saan siya nagpunta o kung ano/sino ang kinabibusyhan niya ngayon. Mas maganda na yun kaysa nanggugulo pa siya. Kahit na may something sa puso ko ay binabalewala ko na lang kasi yun ang dapat. Mas maganda ng iwasan ko siya tutal may sari-sarili na kaming buhay ngayon.

"Mommy, I want to go in this place."sabay abot sakin ni Jacob sa tablet niya.

Kinuha ko naman iyon at tinignan. Napangiti ako ng makita ko ang Mt.Pinatubo at talagang napakaganda dito.

"Sure, baby. But for now, kailangan muna nating tulungan sila tito Hasky mo sa pagplaplano sa kasal nila."tumungo naman si Jacob sakin kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Promise yan, mommy, ha?"

"Yeh."tugon ko sa kanya kaya nagtatalon siya sa saya.

Ewan ko ba sa batang 'to. Ang dami-dami na naming napasyal pero hindi pa rin siya nagsasawang mag-adventure ng mag-adventure.

Tinaas ni Jacob ang mga kamay niya para magpabuhat at akmang bubuhatin ko na sana ng unahan ako ni Brix na kararating lang.

"Masyado ka ng mabigat para buhatin pa ni mommy."wika sa kanya ni Brix bago ako hinalikan sa pisnge.

Napasimangot naman si Jacob dahil sa sinabi ng daddy niya.

"Mommy, hindi naman po ako mataba diba?"nakasimangot na tanong sakin ng bata kaya natawa ako sa reaksyon niya.

"Tumataba ka na."sagot ko sa kanya at napakamot naman siya sa ulo niya.

"Ede ibig sabihin hindi mo na ako mabubuhat, mommy?"may halong lungkot ang mga salitang pinakawalan niya.

"Meron naman si daddy na magbubuhat sayo, eh."sagot naman sa kanya ni Brix. Bago niya ilapag sa upuan si Jacob.

"Pero gusto ko si mommy "pagmamakatol niya na ikinatawa ko na lang habang naiiling.

"Don't worry, baby. Nagbibiro lang naman ang daddy mo eh."singit ko sa kanila bago ko ilapag ang kanin sa mesa.

Kumuha naman si Brix ng plato at baso habang nagsasandok ako ng ulam.

"Mabuti pa ay kumain muna tayo. After nito ay pupunta ka muna sa bahay nila Hazzly."saad ko kay Jacob.

"Yeheeey!! Maglalaro po ba tayo doon?"masayang tanong niya pero si Brix naman ang sumangot sa kanya.

"Yeah. Maglalaro kayo ni Hazzly. May aasikasuhin kasi kami ng mommy mo tungkol sa kasal ni tito Hasky mo."

"Ay. Akala ko naman, pero sige po. Ingat po kayo ni mommy, daddy. Pasalubong ko po, ha."tinanguhan ko naman siya na agad niyang ikinasaya.

"Sige na kain na."wika ko sa kanya at ganadong-ganado siya na kumain.

-

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa bahay nila kuya Jazzly. Para doon muna manatili si Jacob.

"Ate, ikaw muna bahala kay Jacob."pakiusap ko kay ate Mia.

"Ofcourse my dear sister. Oh, siya sige na ba'ka mahuli kayo sa meeting achuchu niyo."natawa ako dahil sa sinabi ni ate Mia.

Kahit kailan talaga ay may pagkachildish pa rin siya.

"Sige po, ate."nakipagcheeks to cheeks pa ako kay ate bago ako lumuhod at harapin si Jacob. "Dito ka muna, ha. Maglaro muna kayo ni Hazzly susunduin ka din namin mamaya."tumango naman si Jacob sakin tyaka ako hinalikan sa pisngi.

"Ingat, mommy."tinanguan ko siya habang nakangiti.

"Ingat ka po, titamommy."wika din ni Hazzly at hinalikan din ako sa kabilang pisngi.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now