Chapter XIV

1.6K 43 1
                                    

ATG POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Hindi   ko pala naisara ang kurtina sa verandah.

Umayos ako ng upo tsaka ko tinignan ang sugat 'kong may gasa. Ginalaw-galaw ko ang paa ko at masakit pa rin ito. Kainis kasi 'yung Ash na yun! Bwisit! Pero mas nakakainis ang sarili ko dahil nagpatanggay ako sa gusto ng lalaking 'yun. Tsk!

Tumayo ako mula sa kama ko at paika-ikang naglakad patungo sa banyo. Naghilamos ako at nagmumog na rin. Pagtapos ay mariin 'kong tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Lahat ng nangyari kagabi ay wala lang yun. Hindi na mahalaga iyon."wika ko "Pagbaba mo sa baba kailangan mong umakto na walang nangyari. Tama! Walang nangyari."bumuntong hininga ako at inayos ang sarili ko.

Lumabas ako sa kwarto ko ng paika-ika dahil sa sugat ko na sumasakit kapag naiaapak.

"Anyare sa paa mo?"bungad sakin ni Cynthia pagkababa ko sa hagdan. Maging ang iba na nasa salas ay napatingin na rin sa akin at sa paa ko.

"Napano yan?"tanong pa ni James

"May naapakan lang ako kagabi."sagot ko sa kanila.

Liliko na sana ako patungo sa kusina ng madaanan ko ng tingin si Ash na nakangisi sakin. Hinayaan ko na lang siya at nagtungo na ako sa dapat 'kong pupuntahan.

Pagpasok ko sa kusina ay bumungad sakin si Nicole at Mitch na naghahanda ng pagkain. Napatingin sakin ni Nicole kaya nginitian ko na lang siya at naglakad ako patungo sa mesa para makaupo.

"Anong nangyare sa paa mo?"may nag-aalalang tono sa tanong ni Mitch kaya napatingin ako sa kanya at si Nicole naman ay napatingin saking paa.

"Bakit ka may sugat?"segunda rin niya.

"May naapakan lang ako kagabi habang inaakay ko kayo."sagot ko at si Nicole ay napakamot na lang sa kanyang ulo.

"Kasalanan pala namin. Sorry."wika nito at nagpeace sign pa sakin.

"Wala yun. Ano ba ulam?"pang-iiba ko sa usapan.

"Slice longganisa at hotdog. Umupo ka na at kakain na tayo."sagot naman ni Mitch.

Himala at hindi siya nakabitch mood ngayon. Nasobrahan ata niya ang pag-inom ng alak kagabi kaya ganyan siya ngayon.

Lumabas siya sa kusina at tinawag ang mga kasama namin. Ako naman ay umupo na para mabawasan ang sakit ng paa ko.

"Ito oh, kape."alok ni Nicole at inabot sakin ang tasa na may browncoffee.

"Salamat."sagot ko

Nagsidatingan na ang mga kasama namin at nagsipwesto na rin sila sa kanila mga upuan.

"Ano pa lang sunod niyong gagawin ngayon?"tanong ko sa kanila ng mag-umpisa silang kumain.

"Mag-a-Island Hopping sana, pero may sugat naman ang paa mo."nanghihinayang na sagot ni Cynthia.

"Huh? Bakit, napano yang paa mo?"nag-aalalang tanong sakin ni Hasky habang nakakunot ang kanyang noo.

"May naapakan ako kagabi. Ang bigat mo kasi para akayin ko."natatawang sagot ko sa kanya at sinamaan lang ako ng tingin nito.

"Patingin nga. Malaki ba ang sugat mo? Gusto mo dalhin na kita sa hospital? Lagot ako kay Brix nito."sunod-sunod niyang wika na tinawanan ko na lang at ng iba pa.

"Concern brother."pang-aasar ni James kay Hasky kaya nakakuha siya ng batok mula sa kanya. Magkatabi lang kasi sila.

"Malamang! Kapatid ko yan kaya concern ako. Pinaalam ko yan kay Brix ng walang sugat kaya ibabalik ko din siya ng walang sugat."napa 'ahhh!' na lang ang mga kasama namin dahil sa sinabi ni Hasky.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now