Chapter XV

1.5K 43 2
                                    

ATG POV

Sa T.V lang ang tingin ko habang kumakain ng popcorn. Tapos 'tong taong kasama ko naman ay tulog na. Buti na lang at hindi ito humihilik kapag natutulog.

Habang hinahaplos ko ang kanyang buhok ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko na nasa mesa. Aabotin ko na sana pero kulang ang haba ng kamay ko para maabot iyon. Hindi naman ako makayuko ng maigi dahil sa taong natutulog sa may heta ko.

Paano ba to? Ano bang gagawin ko?

Tinapik ko ang pisnge ni Ash ni para gising siya pero ayaw gumising.

"Ash.."tapik ko ulit pero wala paring epekto.

Tumagilid siya at sikniksik niya ang kanyang mukha sa tiyan ko.  Pinulupot din niya ang kanyang kamay sa bewang ko.

"Ash.."wika ko pero hindi ako pinapakinggan.

Alam ko gising na siya pero ayaw  akong pakawalan dito.

"Ash, may tumatawag. Umalis ka na sa pagkakahiga."wika ko sa kanya pero hindi ako pinapakinggan. "Ash..."nangungusap ko ng tono sa kanya pero wala pa rin. "Isa, Ash."maotoridad ko ng wika sa kanya at doon lang siya umalis sa pagkakahiga.

Umupo siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kunin ang cellphone ko sa mesa.

"Mas mahalaga pa ba yan keysa sakin?"tanong niya pero di ko na lang pinansin at sinagot ko na ang tawag galing kay Brix.

"Hello, babe."wika ko dito at tatayo na sana ng hawak ni Ash ang kamay ko at paupuin ulit ako nito.

"Hey, babe. Kamusta na?"

"Okay lang naman. Ikaw ba?"masaya 'kong wika sa kanya.

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. Inirapan lang niya ako kaya napakunot ako ng noo. Nang may nagtatanong na reaction sa kanya.

"Ayos lang din. Nga pala, next week na kami uuwi diyan."masayang saad ni Brix na nagpabalik sa atensyon ko sa kanya.

"Ha?"

"Sabi ko, next week na kami uuwi diyan. Hindi mo ba gusto?"

"Gusto ko syempre. Pero bakit ang aga naman ata? Akala ko ba next month pa ang graduation nila Jacob?"

Tumayo si Ash kaya napatingin ako sa kanya. Naglakad siya papuntang kusina na hinayaan ko na lang.

"Pinaaga kasi ng school ang pagtatake nila ng final exam. Maaga rin ang bakasyon nila."sagot niya na ikinatango ko na lang "Sir, Mr.Jackson are here."dinig 'kong wika ng nasa background "okay, okay. I'll go ahead."sagot naman ni Brix doon. "Babe, sorry pero kailangan ko munang imeet si Mr.Jackson."

"Okay lang sige na."sagot ko naman at pinatay na niya ang tawag.

Bumalik si Ash ng may dala-dalang baso ng tubig at binigay niya iyon sakin.

"Salamat."wika ko pagkaabot ko sa baso.

"Uuwi na siya?"tumango ako sa tanong niya at hindi na siya nagsalita pa.

Pinakiramdaman ko lang ang bawat kilos niya at tahimik lang siya. Ano naman kayang iniisip niya? Bakit siya natatahimik ngayon?

"May problema ba?"nag-aalangan kong tanong sa kanya na inilingan lang niya. Kaya tumango na lang ako at tumayo.

Pumunta ako sa kusina para tumingin ng makakain dahil nag-aalburoto na naman ang tiyan ko. Sakto may breadfun sa ibabaw ng ref at may peanut butter naman sa loob. Kinuha ko iyon at nag-umpisa na akong magpalaman.

Apat na piraso ang ginawa ko para tig-dalawa kami ni Ash. Kinuha ko rin 'yung malamig na tubig sa ref at tinimplahan ng juice.

Habang hinahalo ko ito ay may dalawang bisig na pumulupot sa aking bewang. Alam 'kong si Ash ito kaya hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.

"Ash..."tawag ko sa kanyang pangalan.

"Hmm?"wika niya tsaka pinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Ano na naman ba 'to? Nahihirapan akong gumalaw kaya tanggalin mo na yang kamay mo."wika ko dahil ang hirap gumalaw ng may nakasabit na tao sayo.

"Pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon lang please..."nangungusap niyang tono at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin mula likod.

"Pero nahihirap akong gumalaw."sagot ko naman. 

Paika-ika na nga ako kung maglakad tapos may nakayakap pa sakin. Ede, ang hirap ng gumalaw.

"Hayaan mo na ako. Ngayon lang 'to pleaseeee."pakiusap niya ulit at kahit na anong gawin ko ay ayaw niyang tanggalin ang pagkakayakap sakin.

Alam ko sa sarili ko na mali na naman 'tong ginagawa namin. Mali na naman 'to dahil nagtataksil kami sa mga kasintahan namin. Pero paano ba ako makakaiwas dito kung lahat ng gusto ng lalaking nakayakap sakin ay nasusunod? Paano ako tatanggi sa mga ginagawa niya,  kung may bahagi sakin na gusto ito.

Pero, mali kasi ito. Kahit saang angulo tignan ay mali pa rin. Siguro habang maaga pa lang ay kailangan ko ng tapusin ang lahat ng ito. Nagtataksil ako at nakokonsensya ako sa ginagawa ko.

"Ash?"

"Hmm?"

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa natin? Pinagtataksilan na kasi natin ang mga taong mahal natin."

"Hindi ako makokonsensya sa ginagawa ko dahil gusto ko ito. At hindi mo mahal si Brix."napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Mahal ko siya."agad 'kong sagot. Kaya humiwalay siya ng yakap sakin at hinarap ako sa kanya.

"Kung mahal mo siya hindi ka dapat tumugon sa halik ko. Hindi ka sana pumayag na papasukin ako sa kwarto mo. At hindi mo sana ako hinahayaan na yakapin ka ngayon."para aking mabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. May punto siya pero, kasi....

"Kahit naman ayoko ay nagagawa mo pa rin ang gusto mo."depensa ko

"Nagagawa ko ang gusto ko dahil ginugusto mo."napataas ang isang kilay ko dahil sa sinasabi niya. "Wag ka ng magmaang-maangan pa dahil alam 'kong ginusto mo ang lahat."

"Pero--?"pinatong niya ang kanyang hintuturo sa aking labi upang patigilin ako sa pagsasalita.

"Tamara, mahal kita. At gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin. Kahit ipagtulakan mo pa ako hindi ako aalis. Kahit dumating pa si Brix ay aagawin pa rin kita sa kanya. Kaya kung ano man yang iniisip mo ay wag mo ng ituloy."wika niya tapos ay lumabas na siya sa kusina.

Samantalang ako, heto at blangko ang isipan ko. Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong paikutin ng ganun lang kadali.

Fuck! Pitong taon ko siyang hindi nakita. Dalawang taon ko siyang kinalimutan. Limang taon 'kong minahal si Brix.  Tapos ngayon? Ito ako at isang halik lang niya bumigay agad. Unting galaw lang niya at bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Malambing lang niyang salita at nakakalimutan ko na ang lahat.

Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Malapit ng dumating si Brix pero si Ash ayaw pa rin tumigil. Grr! Nakakainis! Kasalanan ko lahat ng ito! Kung hindi sana ako tumugon sa halik niya, ede wala na sana siyang dahilan pa para habulin ako! Ang tanga ko talaga! Ang tanga-tanga ko!


ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon