Chapter XXXI

1.5K 34 3
                                    

"I love you, mommy."

"I love you too, baby. Ingat kayo ni daddy, ha?"wika ko kay Jacob na agad naman niyang tinanguhan bago siya tumakbo palabas ng bahay.

Ilang araw na rin ang nakakalipas magmula ng 'mangyari' yung 'something' sa amin ni Ash at mula nung araw na yun ay lagi-lagi na siyang tumatawag o nagtetext. Minsan sa opisina ko na rin siya tumatambay. Kaya ngayon kapag nakikita ko si Jacob at Brix ay nakokonsensya ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mailang dahil sa ginawa ko. Kaya naman noong makauwi na sila daddy dito ay mas pinili ko munang manatili sa bahay nila, tutal laging gabi na rin umuuwi si Brix kaya dito na lang kami tumutuloy ni Jacob. Hsst!

Napabalik ako sa reyalidad ng magvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at isang mensahe galing kay Brix ang aking natanggap. Binuksan ko ito at mapait na lang akong napangiti sa laman ng text.

'I miss you, babe.'

Ngayon na lang siya nagtext sakin at ang huli niya pang text ay noong nahospital si Jacob. Feeling ko ay nagsasawa na si Brix. Hindi na siya tulad ng dati at nagbago na siya magmula noong laging gabi na lang siyang umuuwi. Kahit na may parte sakin na nakokonsensya ako sa ginawa ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi manghinayang at masaktan dahil sa mga aksyon niya.

'Bantayan mong mabuti si Jacob.'

Reply ko sa kanya. Ewan ko pero parang labag sa loob ko na reply'an siya ng 'I miss you too'. Parang niloloko ko lang siya kung ganyan ang sasabihin ko. Lalo na't alam ko naman sa sarili ko na mas nangingibabaw pa rin talaga si Ash sa puso ko. Hsst! Ang hirap-hirap talaga ng sitwasyon ko ngayon. Tsk! Tsk! Kung pwede ko lang talagang ibalik ang panahon gagawin ko.

"Mamamasyal ba sila? Bakit hindi ka sumama?"napalingon ako sa likod ko dahil doon nanggagaling ang boses ni mama.

"May pasok pa po kasi ako. At isa pa ay kailangan din nilang magbonding na mag-ama."sagot ko sa kanya.

Totoo naman kasi. Kailangan din nilang magbonding na dalawa kaya bibigyan ko sila ng oras para doon. Kahit na hindi maganda ang nararamdaman ko para doon kung yun naman ang gusto ni Brix ede pagbigyan natin. Hindi naman niya siguro papabayaan si Jacob.

"Sige na, ma pasok na ako sa opisina."dagdag ko at kinuha ko na ang bag ko na nasa sofa.

"Ingat ka."wika naman ni mama na tinanguhan ko na lang bago ako lumabas ng bahay.

-

Ilang oras din akong nagdrive dahil sa traffic na sanhi ng mga nagbanggang motorsiklo at taxi kanina. Kaya ayan, late na naman ako. Tsk!

"Ms.Vertido, may meeting po kayo nagyon with the BOD at magsisimula na po iyon with in 2mns."bungad sakin ni Lera na sumalubong sakin dito sa lobby ng company.

"Bakit hindi mo ako tinawagan o tenext man lang?"iritang tanong ko. Ngayon nagmamadali tuloy ako para makaattend sa pesteng meeting na yun. Ano na naman kayang agenda ang pag-uusapan? Tsk!

"Miss, tinatawagan po kita kanina pero cannot be reach po kayo."napatampal na lang ako sa noo ko ng maalala 'kong pinatay ko pala ang cellphone ko. Tsk!

Habang nakasakay kami sa elevator ay inopen ko na ang cellphone ko at napakadaming text ang dumating sakin. Galing kay Lera at kay Ash. Tsk!

Hindi na ako nag-abala pang buksan iyon dahil alam ko naman na ang nilalaman ng mga text nila. Hsst! Advance ako mag-isip.

Hindi na ako dumaan pa sa office ko dahil sa mismong conference room na kami dumiretso ni Lera, at gaya ng inaasahan ko ay ako na lang ang kulang sa upuan. Psh! Nakakahiya tuloy sa mga BOD.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon