Chapter XXXVI

1.3K 33 1
                                    

Makalipas ang apat na oras na byahe ay natatanaw ko na ang lugar na miss na miss ko na.  Ang bahay ni lola.

Agad akong nagbayad sa taxi driver at bumama sa sasakyan niya. Salamat at nakarating na rin ako dito. Matapos ang napakahabang panahon na hindi ako nakapunta ay napakarami ng nagbago.


Ngumiti ako bago pumasok sa bahay ng lalo ko. Miss na miss ko na talaga siya kung pwede lang na sumunod sa kanya sa langit ay gagawin ko. Pero syemore kung magpapakamatay ba'ka hindi sa langit ako mapunta. Hsst!

Umupo ako sa rocking chair niya at pinagmasdan ang bakuran niya. Kahit na wala ng tumitira dito sa bahay niya ay maayos parin ang mga halaman niya. Buhay na buhay pa rin ito kahit na may mga damo ng umaagaw siya nutrisyon niya. Hsst!

Tumayo ako sa rocking chair ni lola at naglakad papunta sa likod.  May bintana kasi doon at noong bata ako ay doon ako madalas dumadaan kapag nakalock 'tong bahay. Yun din ang daan ko para tumakas kay lola at makipaglaro sa kapit bahay namin.

Dahil payat naman ako ay nagkasya ako sa bintang yun. Nakapasok ako sa loob yun ngalang nagkaroon ng scratch sa may legs ko. Masakit pa naman kapag galos lang.

Agad akong hinanap yung first aid kit dito pero wala na. Hsst! Pumunta ako sa sala at lahat ng upuan at kagamitan doon ay nababalutan ng puting kumot. Maalikabok na rin ang sahig at bintana. Pati ang divider ni lola ay parang inaanay na. Kilan ba ang huling punta ni daddy at ng mga kapatid niya dito? Hsst!

Binuksan ko ang pinto dito sa sala at sinimulan ko na rin'g maglinis. Siguro dito muna ako titira ng mga ilang araw hanggang sa makapag-isip na ako ng matino.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito sa bahay ni lola Vicky?!"napalingon ako sa may pinto ng marinig ko ang mga salitang yun.

"I'm her granddaughter Tamara. And you? Who are you?"mataray 'kong tanong sa kanya pero hindi niya iyon pinansin dahil nakangiti siya. Problema nito?

"Buti at napadalaw ka dito. Ilang araw ko na ding napapanaginipan ang lola mo at gusto ka niyang makita. Gusto ka niyang dumalaw sa sementeryo at sana bago umalis ay madalaw mo si lola Vicky."nakangiti niyang wika na tinanguhan ko naman.

"Okay."

"Ahmm...kumain ka na ba, hija? Tara sa bahay at maggabihan ka muna. Yun ay kung gusto mo lang."mabait naman siya at gutom na ako. Siguro hindi naman masama kung makikikain ako.

"S-sige po."mas lumawak pa ang ngiti niya na tinugunan ko naman ng ngiti din.

Kinuha ko muna yung susi na nakasabit sa gilid ng divider bago lumabas sa bahay.

Sinundan ko yung ale at malapit lang pala ang bahay niya dito. Bulo lang yung bahay niya pero mukhang masaya. May nagkakatuwaan kasi sa may kubo nila.

"Oh, mahal, sino yan?"salubong ng lalaking may katabaan at paramg santa clus ang balbas.

"Ah, siya yung apo ni lola Vicky. Napadaan kasi ako kanina doon sa bahay nila tapos nakita ko siya kaya niyaya ko na dito."sagot naman ng ale sa asawa niya.

"Ganun ba."tatango-tango nitong wika. "Hija, halika dito at makisabay sa kasiyahan."tumango ako sa lalaki na mukhang mabait naman at nagpunta ako doon sa kubo.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon