Chapter XXVI

1.5K 41 1
                                    

Pinili 'kong wag munang pumasok ngayon sa opisina para maalagaan si Jacob. Pinatay ko din ang cellphone ko dahil noong nakaraang-nakaraang-nakarang araw pa ring ng ring puro number ni Lera ang lumalabas. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi ako papasok pero patuloy pa rin siya sa pagtawag. Tsk!

"Babe, alis muna ako."wika ni Brix kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko.

"Saan ka pupunta?"

Medyo nacucurious na ako sa mga pinaggagawa ni Brix. Magmula kasi ng makalabas sa hospital si Jacob ay lagi na siya sa pag-alis. Minsan nagagabihan na siyang umuuwi at kung minsan naman ay madaling araw pa lang ay umaalis na siya. Gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol doon pero hindi ko siya makuhanan ng tyempo. Pagdating niya kasi ay makikita ko na lang siyang tulog na, kaya hindi ko siya makausap.

"Meeting a client."sagot niya na ikinataas naman ng kilay ko.

May something kasi sa pakiramdam ko na ayaw maniwala sa sinasabi niya. Parang may tinatago siya sakin.

"Babe..."wika niya at lumapit sakin tsaka ako niyakap. "It's a business client, babe. Dad's ordered me to meet this client."napatango na lang ako sa kanya.

Kung yun ang inutos ng tatah ede okay. Sana nga lang talaga at totoo ang sinasabi niya.

"Hindi ka na ba maglulunch?"pang-iiba ko ng usapan.

"Nope. Malalate na kasi ako. Maybe mamayang dinner na lang, promise."sagot niya sakin tsaka niya ako hinalikan sa noo. "I love you, babe."nangmarinig ko iyon ay narelax naman ang pakiramdam ko kahit papaano.

Siguro naman hindi niya ako niloloko o hindi nagsisinungaling si Brix sakin. Sana mali lang pakiramdam ko.

"Okay, goodluck then."ngitian ko siya at tumugon naman siya ng ngiti sakin.

"I'll gonna go. I love you, babe."tumango na lang ako sa kanya bilang sagot at pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga plato.

Nang maayos ko na ay tumungo muna ako sa main door para isara ang pinto. Hindi naman kasi nagsasara ng pinto si Brix kapag umaalis kaya ayan, ako ang tagasara.

"Let's eat, Jacob."yaya ko kay Jacob na nanunuod ng Phinas and Ferb sa sala.

"Okay, mommy."ngiting sagot naman niya bago siya tumayo sa pagkakaupo niya at sumabay sakin sa paglalakad.

Nang makarating kami sa kusina ay kumain na lang kami. Parang nasanay na rin akong dadalawa n alang kami ni Jacob kumakain dahil sa mga nakaraang araw na laging wala si Brix.

"Mommy, sa susunod na araw na po yung kasal ni tito Hasky. May regalo na po kayo ni daddy para sa kanya?"tanong ni Jacob habang ngumunguya siya sa kinakain niyang kanin.

Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Ang bilis pala ng panahon, parang kilan lang noong kaklase ko si Hasky tapos ngayon ay ikakasal na siya. Pero regalo? Kailangan ko pa bang magbigay ng regalo sa kanya? Eh, ang laki-laki na nga ng hinihiling niya tapos reregaluhan ko pa siya. Aba, masyado ng maswerte ang kapatid ko kung ganun.

"Kailangan pa ba yun?"tanong ko sa batang 'to na ikinakamot naman niya sa ulo niya. Parang matanda lang kung umakteng siya. Hsst!

"Ofcourse, mommy! You need to have a gift for tito Hasky and tita Nicole."para siyang matanda dahil sa pagkakasabi niya. 'Tong batang 'to talaga masyado niyang inistress ang buhay niya sa mga stuffs na pang matanda.

"Wag na lang natin siyang regaluhan."sagot ko kay Jacob at muli ay napakamot siya sa ulo niya. Gusto ko ng matawa dahil sa mga inaakto niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nag-eenjoy akong panuorin siyang ganyan umakto.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now