Chapter XXXIII

1.5K 43 1
                                    

Ilang araw ng nakaconfine dito si JC. Actually, gusto na niyang lumabas ng hospital pero sinabi ko na magpagaling muna siya bago lumabas. Yun din yung sinabi sa kanya ni Tita, mama ni Ash at syempre yung bwisit niyang kapatid na si Ash.

Paano ba naman kasi, hindi nga siya ang naghatid sakin pauwi pero nakabuntot naman ang sasakyan niya sa sasakyan ko. Kaya ayon, parang hinatid niya rin ako. Tsk! Pasaway talaga.

Tapos yung sa amin naman ni Brix ay medyo okay na. Nakapag-usap na din kami at kahit masakit sakin na malayo si Jacob ay kailangan. Siguro oras na para tumira siya sa totoo niyang nanay. Sa totoo niyang bahay, at sa totoo niyang pamilya. Pero kahit na ganun ang nangyari ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan at maiyak kapag naaalala ko ang mga masasayang panahon na magkakasama kami.

F L A S H B A C K

"Mommy, kapag nagkaroon ako ng baby girl aalagaan ko siya tulad ng ginagawa ng batang yun sa kapatid niya."wika ni Jacob habang nakatingin sa labas ng bintana.

Pauwi na kami ngayon sa Manila galing Tagaytay dahil nagyaya siyang mamasyal. At dahil nagugutom siya ay tumigil kami dito sa tapat ng Rizal Park para ibilhan siya ni Brix ng pagkain niya.

"Kawawa sila no,mommy? Wala silang magulang na kasama ngayon."bahagya akong napangiti dahil sa mga sinasabi ng batang 'to. Kiliit-liit pa pero madami ng nalalaman.

"Ba'ka naman naghanap lang ng makakain ang magulang nila."sagot ko sa kanya habang ginugulo ang buhok niya.

"Ede nasa bahay lang po sana sila. Bakit po ako, kapag nagtratrabaho kayo ni daddy ay nasa bahay lang ako. Minsan kanila lola."

"Iba kasi ang sitwasyon mo sa kanila, Jacob. Sila kailangan nilang magbanat ng buto araw-araw para may makain sila."

"Pati din po kayo ni daddy, ha. Nagtratrabaho din po kayo para may panggastos tayo."sagot na ikinabuntong hininga ko na lang.

"Mas malaki kasi ang kinikita namin ng daddy mo kaysa sa kanila. Maybe we have the same idea to earn money, but we have different strategy and tactics to do it."sagot ko sa kanya. "And that's explain how life is so fair. Because, we can decide what ever we wanted to do."

"No, mommy. Life is not fair. It's unfair. Although who you have the same ability to decide, but still, you have defferent level of chances to do it well."muli ay napangiti ako habang ginugulo ang buhok niya. Ang bata-bata palang pero mukhang alam na niya kung paano makipagtransact sa totoong mundo.

End of Flashback

Tama ka nga, Jacob. Life is so unfair. Dahil kung kilan natutunan mo ng magpatawad, tanggapin ang katotohanan, at magmahal ay doon pa madalas nagkakaroon ng conflict. Doon pa pumapasok si desaster para guluhin muli ang naayos mo ng buhay. Pero sa kabila ng lahat ay may mga bagay pa rin talaga na hindi dapat tayo makampante.

F L A S H B A C K

"Let's talk. Pagkatapos nito ay hindi na ako manggugulo."bungad sakin ni Brix pagkalabas na pagkalabas ko sa kompanya.

Kahit na nasasaktan pa rin ako ay mukhang kailangan ko ng harapin ang katotohanan. Tama na siguro ang pag-iyak-iyak ko at kailangan ko na talaga siyang kausapin ng masinsinan.

"Follow me."saad ko sa kanya at pumalik ako sa loob ng kompanya.

Pareho kaming sumakay sa elevator at naghintay hanggang sa makarating kami sa floor ng opisina ko. Pagpasok namin doon ay nilock ko na ang pinto para walang mangistorbo.

"I'm sorry for hiding this to you."umpisa niya habang nakatayo siya at ako naman ay nakaupo sa swivel chair.

"Kilan mo pa tinatago 'to?"parang gusto 'kong maiyak pero hindi pwede. Kailangan 'kong ipakita sa kanya na matapang ako.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now